Kabanata 52

4 2 0
                                    

Akantha Isabella III

Hinihingal akong pumasok sa pinakaunang cabin na nakita ko. Jusko, muntik na ako roon!

Bigla ba namang nag-away ang mga halimaw, anong laban ko roon?!

Buti walang nakapansin saking tumakas, kundi tigok ako.

Ewan ko ba kay pres, iwas ng iwas kay madame chair para hindi niya ito masaktan pero bigla-bigla nalang akong uutusang patayin siya.

Tapos nung akmang magpapakamatay si Cinth, nagalit siya.

Ano ba talaga?! Nandun lang ako nagtatago sa gilid, naguguluhan sa kakaibang ikinikilos niya. Baka baliw na tong pinagsilbihan ko ha?

Pagod akong bumagsak sa sofa. Nilabas ko ang pocket watch ko at nanlaki ang mata. Mag-uumaga na!

Wala pa akong tulog!

Never tong nangyari sakin!

Na-pressure tuloy akong matulog pero dilat na dilat pa rin ang mata ko.

Ilang sandali pa, dahan-dahang bumukas ang pinto. Nanindig ang balahibo ko. A-Ano yan?

Pumasok sa loob ang pulang liwanag mula sa labas. Naaninag ko agad ang pigyurang sumulpot mula dito.

Bigla itong huminto saka lumingon sa direksyon ko.

Shit na malagkit. Ito na ba ang katapusan ko?

"Who's there?" tanong nito sa malamig na tinig.

Natigilan ako nang makilala ang boses niya. "Dew?"

Unti-unti siyang lumapit. Rinig na rinig ko pa ang pag-ugong ng sahig sa bawat pag-apak niya. "What are you doing here?"

Bumangon ako saka wala sa sariling napahimas sa buhok. "A-Ano kasi... Sobrang pagod na ako galing sa council. Akala ko cabin ko to. Pwede dito nalang muna ako, beke nemen."

"Okay," tanging sagot niya at pumasok na sa kwarto niya.

Yun lang yun? Hindi manlang niya ako aayain sa kwarto niya?

I mean, sa isa niyang kwarto pala.

Nauhaw ako bigla kaya tumayo na ako at pupunta sana sa kusina nang bigla akong nadulas.

"Aray ko!" Napahimas ako sa puwet. Ang basa ng sahig! Basang-basa nga pala ako ng ulan.

Bumukas ang kwarto. "What happened?"

Umayos ako ng upo. "N-Nadulas lang." Ginawa kong pang-suporta ang sofa saka hinila ang sarili ko pero nagulat nalang ako nang hawakan niya ang bewang ko at inalalayan paupo sa sofa.

May pinatong siya bigla sa paa ko. "Here, get changed."

Nang hawakan ko yun, naramdaman kong damit pala yun. Damit niya! Pasusuoting niya ako ng damit niya?!

"Okay po." Hindi ko mapigilang mapangisi. Buti nalang at ang dilim-dilim dito.

"You can change at the room beside mine's," sambit niya pa. "Can you walk?"

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi naman gaanong masakit.

Umiling ako. "A-Ang sakit ng balakang ko." Hinimas-himas ko pa ito. "Pwedeng..." Pwedeng kargahin mo nalang ako, hehe.

Nagulat ako nang kinarga nga niya ako. Halos mangisay na ako sa kilig.

Enebe nemen.

Ang strong ng mushles niya. Ang tipino ng dibdib. Pakiramdam ko mg absh to, hehe. Tsaka amoy...

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now