Kabanata 45

9 2 0
                                    

Selena Sangre

"Tumakbo ka na!" singhal ni Klauss sakin.

"Pero pano ka?!" balik ko sakanya.

"Kailangan ko siyang pigilan," sabi niya. "Kung tatakbo lang tayo, maaabutan niya tayo." Binaba niya na ko. "Wag kang mag-aalala, malapit na ang barrier."

Hindi ko maiwasang mag-alala oara sakanya. He told me that his kind were called ghouls. Their prime is cannibalism.

Kinakain nila ang mga kalahi nila para mas lumakas. Kung gaano karami ang nakain ng isang ghoul, ganoon din siya kalakas.

Kaya dehado siya sa kalaban namin ngayon, dahil mukhang marami nang nakain ang halimaw na yun.

"Ano oang tinutunganga mo dyan?!" singhal niya. "Tak—"

Napatili nalang ako nung bigla siyang tumilapon.

He growled. "Damn it, run!"

Naiiyak akong tumalikod at tumakbo.

I could call Lorenzo or anyone and help him.

Biglang kumidlat kaya napatili ako at napatakip sa tenga. Sandaling nagliwanag ang paligid at kitang-kita ko ang mga pigyura sa kadiliman na humahabol sakin.

Wraiths.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Ang sakit-sakit na ng paa ko. Kanina pa naputol ang heels ko kaya tinaoon ko nalang ito kung saan.

Kumidlat ulit. At nagulat nalang ako ng may makita akong krus sa harao ko. Huli na para lumiko kaya nabangga ko ito.

Nadapa ako sa malamig na semento. Kung bakit semento ay hindi ko na alam. Dali-dali akong bumangon at kumidlat nanaman.

Nagliwanag nanaman sandali ang paligid at dahil dito, nabasa ko ang mga katagang di ko akalaing mabasa sa lugar na ito.

R. I. P
Amarilla Katharosa

Napatili ako sa magkahalong gulat at takot. It thundered again and that's when I realized where I was.

I was in a graveyard.

Nakarinig ako ng mga tawanan kaya tumayo na ako at nagpatuloy sa pagtakbo.

Si Rilla?! Bakit?!

Bakit nakasulat ang pangalan ni Rilla sa isang puntod?!

Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari pero mas inuna ko nalang ang buhay ko. Napatili ako ulit ng may humila sa buhok ko.

"Let go of me!" singhal ko. Pinagsisipa ko ito pero hindi ito natinag.

Nanlaki nalang ang mata ko nung ngumiti ito sabay nganga. Ngumunga ito ng ngumanga hanggang sa mapunit ang bibig niya.

Oh my gosh!

Natakot  ako nung humaba ang dila nito at pumuluoot sa katawan ko.

Total eww!

Nagwala na talaga ako. Ayoko nito, yuck!

Pero nagtaka nalang ako nung bitawan ako nito bigla. Kasabay nito ang pagbagsak ng katawan nito.

Saka ko kang napansin ang butas sa noo nito. Anong..?

Nagsisugudan pa ang ibang wraith sakin pero pareho silang sunod-sunod na nagsibutasan ang noo, na para bang may bumaril sa kanila.

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now