Kabanata 25

7 2 0
                                    

Selena Sangre

Halos napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya. These are hers?!

Parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko kanina. Kung alam ko lang sana na sakanya to, di na sana ako nakialam pa!

As always, she had this purplish pale complexion. Nangingitm rin ang kuko niya. Ang itim-itim din ng buhok niya na halos sumayad na sa lupa sa sobrang haba.

Isa-isa niyang pinulot ang mga papel. Ang iba pa, bigla nalang tinatangay ng hangin.

I could feel nothing from her but... Pity. Oh god.

Napailing nalang ako saka umayos ng tayo. "You know what, leave that."

Napahinto siya sa pagpulot. Hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil natatabunan ng buhok ang mukha niya. Unti-unti, umangat ang tingin niya sakin.

Evrything about her is creepy! What is she?!

"Sa anong subject ba yan?" tanong ko. Napansin ko kasing mga type-written ang mga to. Probably some readings our professors handed to us.

"Biology," mahina niyang sabi.

"Biology." Napatango ako. "Let's ask for another copy. Isusumbong rin natin ang nangyari para hindi na ito mauulit pa."

Natahimik siya.

Tumalikod na ako. "Let's go. I'll help you." Sandali akong napalingon sa kanya. "Ngayon lang." Nauna na akong humakbang palayo.

Naramdaman ko namang sumunod siya sakin.

I mentally slapped myself. Selena ano ba?! Ang layo ng professors' lounge sa cafeteria! Saka ba't mo tinutulungan ang multong yan?!

Ilang beses pa akong nagreklamo sa loob ng isip ko hanggang sa nakarating na kami.

Sinulyapan ko sandali ang kasama ko bago humugot ng malalim na hininga saka kumatok.

Pinagbuksan naman kami ng isang professor. "Anong kai—" Natigilan siya ng makita ang kasama ko.

Nginitian ko siya. "Can we have an audience with prof Mathilda?"

Napaiwas siya ng tingin. "Sige, tatawagin ko muna." Sumara ulit ang pinto.

Naghintay muna kami ng ilang segundo bago ito bumukas ulit. This time, si prof Mathilde na ang nagbukas.

"What?" mataray niyang tanong.

Sanay na ako sa ugaling ganyan kaya wala yung epekto sakin. "We have a request." Sinabi ko sakanya lahat ng nalalaman ko.

Tumango-tango naman siya. "May pruweba ka ba?"

"No, I don't," taas noo kong sagot. "But aside from me, we have another witness."

"And who's this?" tanong niya.

"Klauss Sinclair," I stated. "He's a member of the student council. Perhaps his words are trusthworthy enough, is it not?"

Natahimik siya saglit. Maya-maya'y nagsalita na siya. "We'll have a word with Sinclair. Kakausapin namin kayo ulit pagkatapos. Bibigyan ko na rin ng extrang copy si..." Napasulyap siya kay Nali. "Anyway, you may leave."

"Thank you, prof Mathilde."

Tinanguan niya lang kami bago muling sinara ang pinto.

Napalingon ako kay Nali. "That's it. Justice is served." Tumalikod na ako at aalis na sana nang bigla siyang magsalita.

"Thank you."

Tipid ko siyang nginitian bago tuluyang umalis. Maybe, she's not so bad after all.

Merielle Hyacinth Aksha.

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now