Kabanata 28

7 2 0
                                    

Louve Karisma Warlock

"Ano?!" gulat kong tanong matapos magkwento ni Rilla. "Nak ng!" naibulalas ko. "Nalingat lang tayo sandali, may iba nanamang katoknakan ang labuyong yun!"

"Word, Karma," sita ni Cinth. "Word."

Andito kami sa cafeteria, sabay-sabay na kumakain.

"Katoknakan?" naguguluhang tanong ni Rilla. "Ano yun?"

Nanlaki naman ang mga mata nina Cinth at Vessie sabay tingin ng masama sakin.

"Yan yung—"

"Karma!" singhal nilang dalawa.

Napabuntong-hinga nalang ako at hindi na nagsalita pa. Ayokong magsinungaling. Tsaka ang ewan ba ng dalawang to, binabata pa rin si Rilla eh ang tanda-tanda na niyan. May karapatan na siyang malaman ang mga bagay-bagay.

"Pero seryoso, ang transferee?" tanong naman ni Vessie.

"Come on guys, they might be just friends," pagtanggol ni Cinth.

Pero wala na sa kanya ang atensyon ko kundi ang nasa likod niya.

"Jusmaryosep," nasabi ko.

Agad silang napalingon sa tinitignan ko at sabay na natahimik.

May kasama si Sili, lalaki. Sabay silang umupo sa isang table malayo samin.

"Sino yun?" Nakasimangot na tanong ni Rim na kadadating lang, dala-dala ang tray ng mga order namin. "Yan ba yung Sinclair?"

Natawa ako. "Uy hindi! Taga-council yung Sinclair niya."

Pabalag niyang nilagay ang mga tray sa lamesa. "Eh sino ba yan?" iritado niyang sabi. "Mukha namang paa." Masyadong protective si kuya.

Ang oa naman nito masyado. Kala mo tatay kung makaasta.

Bago pa man siya mapigilan nina Vessie ay nag-martsa na siya papunta sa table nila.

Napailing nalang ako at dali-dali siyang pinigilan. "Hoy!"

"Hoy ka rin, ano ba?!" singhal niya pabalik.

"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko saka hinila ang likod ng kwelyo niya.

"Kakaladkarin ko lang ang bubwit na yun," asik niya habang hinihila palayo ang kwelyo. "T-teka, nasasakal ako!"

"Wag ka ngang epal, Rim," balik ko sabay hila sa kanya paatras. "Magkaka-lovelife na iyang dalaga mo, pipigilan mo pa."

"P-Pero..." Sumusukong sabi niya at nagpahila nalang. Binalik ko siya sa lamesa namin at pinaupo.

Hanggang silip nalang kami sa dalawa. Ang tahimik nila, hindi nagkikibuan. Yung totoo?

Ang hina namang dumiskarte nitong Sili na to.

Maya-maya, nag-ring ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase kaya nagsiligpit na kami at nagsibalik sa room.

------

Abala ako sa pagluluto ng may kumatok sa pinto. Nagkatinginan kaming tatlo dito sa cabin.

"Hey, it's night na," sambit ni Sili habang naghihiwa.

Tumayo naman si Vessie. "Baka mga kasamahan ko yan," sabi niya't pumunta na sa pintuan.

Nagkibit-balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagluluto.

"Argh, alis nga!" rinig kong singhal ni Sili. "Shoo, shoo! Karma, paalisin mo nga to!"

Napailing nalang ako. "Bantayan mo muna to." Iniwan ko ang kalan saka kinarga si Itim na pilit umaakyat sa lamesa.

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now