Kabanata 5

15 7 2
                                    

Selena Sangre

"What are you looking at?" tanong ko kay Heze.

May sinisilip siya sa labas ng napakalaking bintana. Mas malaki pa samin.

"I'm looking for a place to lock Rim ang jumping-girl—"

"Vessie," I corrected.

"—Vessie, whatever,"  he continued. "And I found one."

"Saan?" curious kong tanong. I still can't believe Crimson has a crush on Vessie!

He grinned. "Wanna check it out?"

—————

Dinala niya ako sa pinakadulong parte ng school kung saan wala ka na talagang maaninag na tao.

In the middle of the trees stood an old cabin.

Nilapitan namin yun.

"It's locked," I said.

"Don't underestimate me." He took a safety pin from his pocket. Kinalikot niya ito and to my surprise, bigla itong bumukas. "

Napanganga ako."How did you do that?"

"I have no obligation to tell you everything," sabi niya.

Ang lalaking to.

He opened the door. It creaked and a rusty metallic stench welcomed us.

"Yuck, ang baho," reklamo ko. "Are you this place sends off romantic feels?"

Ang dilim sa loob. There are cobwebs everywhere.

He fished out a cellphone he's been hiding and opened the flashlight.

There's a creaky old staircase leading down. May mga malalaking kariton sa loob at iilang lumang gamit.

"This place has been used as an underground basement to stock unwanted items," sambit ni Heze.

"At pano mo yan nalaman?" tanong ko.

"I have my ways," sagot niya. "Try to check down there and see if we can find something useful."

Taas-kilay akong napatingin sa kanya. "Bakit ako? Dapat ikaw."

"And you expect me to go down that.. that disgusting place?" balik niya sakin.

"Edi wag nalang tayong pumunta," sabi ko. "Let's just create a plan."

Ngumisi siya. "I do have one."



Crimson Sorrel

"Una muna kami Karms, Rill," paalam ni Vesper. Kaklase namin ang dalawa dito sa section B.

"Sige, Vessie!" sabi nila.

Nilingon niya ako. "Tara."

"Sige." Tumayo na ako saka sinukbit ang sa balikat bago sumunod sa kanya.

"Medyo malayo-layo ang council, okay lang ba?" tanong niya.

Tumango ako. "Okay lang."

Medyo nasa huli ako kaya malaya ko siyang napagmasdan. Ang angas niya.

Di kaya?

"Vesper?" tawag ko.

Bahagya siyang napalingon. "Bakit?"

"Nung sinabi mo kanina." Wala sa sarili akong napahawak sa batok. "Ano... tomboy ka?"

Natawa siya. "Hindi, pinalaki lang akong lalaki."

Nagulat ako. "Talaga?"

Tumango siya pero hindi na nagsalita pa. Hindi na rin ako nagtanong.

Maya-maya, narating na namin ang council. Huminto kami sa harap ng dalawang malalaking itim na pinto.

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now