Kabanata 32

7 2 0
                                    

Selena Sangre

"Ang lamig niya," sambit ko habang nakahawak sa noo ni Nali.

"Ganyan talaga siya," sagot naman ni Klauss habang nililinis ang dugo sa sahig.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagbebenda sa sugatang kamay ni Nali. Sanay na ako nito kasi palaging nasusugatan si Rim noon.

"Wala ka bang balak umuwi?" asik ni Klauss.

"Paki mo?" pagtataray ko. Pinapalayas  ata ako nito para masolo niya ang Helena niya.

Inirapan niya ako.

Aba.

Bubulyawan ko na sana siya ng bigla niyang buksan ang bintana.

Ang dilim.

Ang dilim?!

"Hala!" Napatayo ako saka lumapit dito. Gabi na!

Nakita kong umiling-iling tong walanghiya sa tabi ko. "Tanga."

Inis ko siyang nilingon. "Ba't ngayon mo lang sinabi?!"

"Sinisisi mo ako?"

Sinamaan ko siya ng tingin pero wala na akong maisagot pa. I can't blame him. It's my fault.

Naging abala ako sa pag-aasikaso kay Nali. Base sa mga sugat niya, naglaslas siya. Ioinaliwanag sakin ni Klauss na meron siyang suicidal tendency kaya hindi niya ito maiwan-iwan.

Pag-ibig nga naman.

"Tinitingin-tingin mo?" masungit niyang tanong.

Inirapan ko nalang siya saka binalikan si Nali. Ngayong natitigan ko siya, masasabi kong maganda pala siya. Hindi lang siguro nakikita ng karamihan dahil kulang sa hygiene.

Teka, hindi din naman ako makauwi.

Napangisi ako. "Nali," tawag ko.

Napalingon naman siya sakin. "Bakit?"

"Pagagandahin kita," sagot ko sabay kindat kay Klauss.

Kita ko namang kumunot ang noo niya. "Trip mo? Maganda na iyan."

"Wag ka ngang epal," asik ko sakanya. "Alis nga."

"Ba't naman ako aalis?"

Di makapaniwala ko siyang tinignan. "Heller? For girls only, di ka ba nahihiya?"

Nagsalubong ang kilay niya't nagpabalik-balik ang tingin saming dalawa.

"Wag kang mag-aalala, pagagandahin ko to," dagdag ko pa.

"H-Ha?" Namula siya. "Ewan ko sayo!" Saka siya nagmamadaling lumabas.

Napailing nalang ako't kumuha na ng suklay. Pero, ang haba!

"Magpagupit ka kaya?" tanong ko.

Umiling lang siya. "Ayoko."

Di wag. Maya-maya, tinamad na akong magsuklay kaya tinirintas ko nalang sa dalawa ang buhok niya. Buti pa to, matatago ang pagkabuhaghag nito.

Buti nalang at may dala-dala akong clip. Nilagyan ko siya nito saka pinaluhay ang iilang hibla ng buhok niya. In-applyan ko na rin ng hair shiner.

Humarap na ako sa kanya. "Make up-an kita, okay lang?"

"O-Okay lang?" tanong niya pabalik.

"Of course," sagot ko. "Sige, pikit ka na."

Ang puti-puti ng balat ni Nali sa sobrang putla. Para na siyang bampira.

"Alam mo, crush ka ni Klauss," nakangising pambubuking ko. Bahala siya sa buhay niya. Malas niya't ako ang nakakaalam sa sikreto niya!

Marahan siyang napangiti. "Alam ko."

The Curse of AshenvaleDove le storie prendono vita. Scoprilo ora