Kabanata 1

40 6 0
                                    

Selena Sangre

"Hanggang dito nalang ako," sambit ng taxi driver.

Napakunot ang noo ko. It's not a private property plus the road is wide enough for two vehicles to enter.

So why won't he continue?

"Hindi ka ba pwedeng pumasok, manong?" tanong ko. "Babayaran ka namin ng doble. "

Umiling lang siya. "Bahala na ang pera basta ayoko. Magsibaba na kayo."

What?!

"Labas na, Si," mahinang sabi ni Rim na nasa likuran ko.

Labag sa loob akong lumabas sa passenger's seat. Hindi ko pa napigilang pabalag na isara ang pinto.

Nagsibaba na rin ang dalawa.

Nairitai ako sa driver. Alam nila yun pareho kaya nag-presinta nalang si Rim na siya na ang magbabayad.

Kinuha naman ni Heze ang mga bagahe namin.

Agad humarurot palayo ang taxi na para bang nagmamadaling umalis.

Naiwan kaming tatlo sa walang katao-taong lugar na ito. Lumiliwanag na ng kahel ang langit, tanda na mag-gagabi na.

"So this is Ashenvale, huh?" Nasabi ko pagkabasa sa sirang metal nameboard sa harap namin.

Kinakalawang na ito sa sobrang luma. It produced an eerie like sound. It gives me the creeps.

"Ang sabi-sabi, maglalaho daw na parang bula ang sino mang papasok dito," pananakot ni Rim.

Inayos ni Heze ang glasses niya. "Dude, that's old school," komento niya.

"Oo nga, like, naniniwala ka ba talaga diyan?" sabi ko naman.

Nagkibit-balikat lang siya. "Ano bang alam natin?"

"You sound like a freak," balik ni Heze bago naunang maglakad.

Sumunod naman kami ni Rim.

And from the moment we stepped in, nagsitaasan bigla ang balahibo ko.

Tinahak namin ang mabatong daan ng Ashenvale.

"Why do we have to carry these?" maya-maya'y tanong ni Heze.

Naibuka ko nalang ang pamaypay ko. "Alangan namang ako?" balik ko sa kanya. "Eh kayo ang lalaki dito."

Napailing naman si Rim. "Mga babae tala— Aray!"

Inis ko siyang sinapak ng pamaypay ko. "Can't you stop complaining?!"

Pinabitbit ko kasi sa kanila ang mga bagahe ko. Of course I'm a lady, hindi ako dapat pinapagod.

Hindi naman sila nakipagtalo pa.

"The hell?" bigla nanamang reklamo ni Heze. "No signal."

"Akala ko ba grounded ka sa gadgets?" tanong ni Rim.

"Like that could stop me," sabi niya.

"Hey, wait for me!" Binilisan ko ang paglalakad ko nang medyo nauna sila. "Wala na talaga kayong kagentle—" Napatili ako.

"Oy, Sili!" sigaw nila pero hindi ako tinulungan.

Natapilok kasi ako. "Come on, won't any of you help me?"

"Natapilok ka lang naman," sabi ni Rim.

"No, ang dami talagang bato," depensa ko. "Tsaka hindi pa pantay ang daan."

"Geez, that's because you're wearing heels," ani Heze.

Napairap ako at inayos ang heels ko. Wala talaga silang kwen— "Oh my god."

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now