Kabanata 27

10 2 0
                                    

Amarilla Katharosa

"Goodmorning!" masayang bati ko kay Rim na siyang nagbukas ng pinto.

Kumunot lang ang noo niya. "Naparito—" Biglang sumilay ang isang ngisi sa labi niya. "Ay pasok, pasok." Nilakihan niya ang siwang ng pinto.

Pumasok naman ako. "Asan nga pala si—"

Bigla niya akong pinagtutulakan. "Andun, nasa kwarto niya."

Nagtaka ako. Pano niya nalaman ang pakay ko rito? "Teka—"

Agad niya akong pinagsarhan ng pinto.

Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay gigil na gigil na sasapakin sana ang pinto. Pinagdidiskitahan ako ng palaka. Walang kwentang kausap. Magkaibigan talaga sila ni Heze, mga walang silbi!

Biglang may tumunog kaya agad akong napalingon sa direksyon ng kama.

"What are you doing here?" masungit na tanong ni Heze sakin. Nakahiga siya na dun na parang baboy. Bagay naman sa kanya, buti nga.

Binagsak ko lamesang katabi niya ang hawak-hawak kobg supot. Kumalabog ito.

"What the hell?!" singhal niya. "Can't you freaking place that gently? And what's that?" Di niya na hinintay pang sumagot ako at kinuha na ang supot para sumilip.

Napabuga ako ng hangin. "Pinabigay ni Karma. Gamot raw. Nag-aalala si Sili na baka di ka na umabot sa birthday niya," paliwanag ko.

Pansin ko ang isang bowl ng noodles sa tabi niya. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib kung saan ang sugat ko.

Kapag naalala ko ang araw na yun, yung araw na napaiyak ako sa harapan niya, kumukulo ang dugo ko.

Nakakainis.

"Is this edible?" nakangiwing tanong ni Heze sabay angat ng isang biteng naglalaman ng itim na likido.

"Trust me, Karma's medicine is magic," sambit ko. "Wag ka nang mag-inarte kung gusto mong gumaling."

"This is witchcraft!" singhal niya.

Napasinghap nalang ako sa sobrang inis. Ang arte, ang arte-arte talaga!

Pinameywangan ko siya. "Pinagpupuyatan niyang gawin ni Karma tas magrereklamo ka dyan?" naiinis na sabi ko. Ba't ba kasi ako ang inutusan ng mga babaeng yun?

Bigla nalang may kumatok. "Ah Rills, ikaw na muna bahala sa kanya ah, papasok na ako sa klase. Hindi pa naman iyan nakakabangon kasi nahihilo."

Napanganga ako. "Ano?!"

Dali-dali akong lumabas pero hindi ko na mahagilap ni buntot ni Rim. Asan na yun?!

Seryoso siya? Iiwan niya sakin si Heze? May klase din ako!

Nagpapadyak ako sa inis na bumalik sa loob ng kwarto. Itinabi na ni Heze ang gamot kaya hinablot ko yun saka siya sinamaan ng tingin.

"And what's with that freaking look?" pabalang niyang tanong.

Binuksan ko ang bote. "Inumin mo to."

Agad napatikom ang madaldal niyang bibig.

"Heze, inumin mo to ng makakalakad ka na at di ka na kailangang bantayan," mahinahong sabi ko kahit gustong-gusto ko nang magwala sa inis.

Nanlalaki ang mga mata niyang napailing-iling. "There's no way I'm drinking that s****!" singhal niya.

Mas lalong kumulo ang dugo ko. Minura ako!

"Ah ayaw mo?" naiinis kong sabi saka lumapit sa kanya.

"You freaking dolly, what are you—"

Nang tuluyan akong makalapit ay pilit kong pinapainom ang gamot sa kanya.

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now