Epilogo

9 2 5
                                    

"Back in the 18th century, you were there, weren't you?" tanong ni Sili sa babaeng nakaupo sa tabi ng bintana. Ang babaeng kapareho niya ng mata, pilak.

"Ikaw ang ginawang alay para sa mga diablo para magawa ang ritwal," dugtong pa nito.

Doon na napalingon ang dalaga. "Paano mo...?"

"So tama nga ako?" pagkumpirma ni Sili. "At matagal ka na ring... patay."

Umihip ng malakas ang hangin.

"Tama ka," biglang pag-amin ng dalaga. "Patay na nga ako na muling nabuhay." Matalim itong tumingin sakanya. "Bakit? Papatayin mo ba ako?"

Napabuntong-hininga naman ang isang binata habang nakasandal sa puno. "Wala na talaga akong nararamdaman sayo, Vesper."

"Sigurado ka?" tanong ng dalaga. "Nagayuma ka lang talaga?"

Tumango si Rim. "Pero... Nasanay na akong gustuhin ka, na kahit ngayon, ikaw pa rin ang iniisip ko."

Sa kabilang banda, hindi pa rin gumigising si Cinth hanggang ngayon.

Gaya ng dati, nakamasid lang mula sa malayo ang isang bampirang ilang siglo nang nabubuhay sa mundong ito.

Sandali niyang kinuha ang isang locket mula sa bulsa niya at binuksan ito. Tumumbad ang larawan niya kasama ang isang bata na humalik sa pisngi niya.

Pinapangako niya sa sarili niya. Sa puntong to, wala nang makakapigil sa plano niya, kahit pa ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya.

"Aba at naisipan mo pa talagang bumalik ha?!" singhal ni Zinnia sa multong palaging umaaligid sa kanya.

Napakamot naman ito sa batok. "Hindi mo ba ako na-miss?"

"Miss mo mukha mo!" Sinugod niya ito. "Pagkatapos mo akong halikang hayop ka—"

"Aaron."

Suminghal ang dalaga. "Wala akong—"

"Yan talaga totoong pangalan ko," putol nito.

Natahimik silang dalawa.

"Zinnia, unti-unti nang bumabalik ang ala-ala ko."

Habang nagbabangayan sila, ang iba naman ay gabi-gabing dinadalaw ng bangungot.

"Heze, ikaw ba yan? "

Napabalikwas ng bangon ang binata habang habol-habol ang hininga. Nababaliw na siya.

Inaatake na siya ng matinding konsensiya.

Palagi nalang niyang napapanaginipan ang dalaga na parang totoong nagkita sila.

Ang nakakabahala lang ay ang paligid. Puro apoy.

Nasa impyerno sila.

"If you wish to explore the abyss, there's only one witch who can help us," pagsagot ni Karma sa isang meeting ng coven.

"You're not talking about that witch, aren't you, young lady?" sabat ni Keres.

"I am," sambit nito. "She's the witch of the abyss after all."

"Hi Louve!" nakangiting bati ni Zane. Inaabangan pala siya nitong matapos ang meeting nila.

Nandiri naman siya agad. "Isa pang Louve-Louve diyan, makakatikim ka sakin."

"Sakit mo talaga sakin." Inakbayan siya nito saka kinuha ang mga gamit niya. "Nga pala, ginayuma lang daw si Rim. Ano, magda-moves na ba tayo?"

Napailing si Karma at nagsimula nang maglakad kasama siya. "Intindihin mo sariling lovelife mo gago."

Ang ngisi sa mukha nito ay naglaho. "Sigurado ka?"

Tumango ang dalaga. "Malamang, kaysa mangialam ka diyan."

"Sabi mo yan ah, walang bawian." Huminto ito bigla kaya napahinto din siya. "Karma."

Nairita na siya. "Ano nanaman?"

"Yung gusto mo, may gustong iba. Sakin naman, ang laki ng galit sakin," sambit ni Zane bago tumingin ng deretso sa mga mata niya. "Tayo nalang kaya?"

Bumuhos ng malakas ang ulan. Klase nanaman. Nakatingin lang sa labas ng  bintana ang isang binata.

Hindi sinasadyang mahulog nito ang librong nakapatong sa lamesa niya.

Eksakto namang kakadaan lang ni Sili galing cr. Napansin niya ito at pinulot. Isasauli niya na sana yun ng mapansin ang mga letrang nakasulat doon.

'The Curse of Ashenvale."

Nanlaki ang mata niya at napalingon sa binata. "San mo nakuha to?"

Napalingon sandali ang binata dito bago ibinalik ang tingin sa bintana. "Library."

Nagtaka naman si Sili, pilit iniisip kung ba't may ganitong libro ang library.

Pwera nalang kung... may kakaiba doon. Sa huli, naisipan niyang bisitahin ito.

Isinauli niya na ang libro saka bumalik sa kinauupuan niya.

Ngunit sa hindi niya nanamamalayan, palihim na napasulyap ang binata sa kanya bago tumingin nanaman sa bintana.

"It has begun," bulong niya sa sarili.

Magsisimula pa lamang ang totoong impyerno.

To be continued...
End of Book 1

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now