Kabanata 13

7 2 0
                                    

Amarilla Katharosa

Nagpasilong kami sa ilalim ng malaking puno.

It was raining so hard.

Basang-basa na rin kami.

Kanina pa nagmumura nang nagmumura ang kasama ko.

Hindi ko nga alam kung matatawa o maiinis ba ako sa kanya.

Napapasinghap siya sa bawat putik na tumatalsik sa kanya. Sobra naman itong maarte.

I honestly hate him. His face, his voice, I hate him.

At sa lahat ng nilalang, siya pa talaga ang nakasama ko ngayon.

"This is your freaking fault!" reklamo nanaman niya. "If it wasn't for you—"

"Eh ba't mo naman kasi ako sinusundan kung magrereklamo ka lang naman diyan?!" balik ko sakanya.

Nagsisigawan na kami dito dahil sa ingay ng ulan.

Natigilan siya. "Well— Oh hell, who cares?! What's done is done!"

Kung alam ko lang, may motibo ang isang to. 

He  knew my secret.

Wala na akong rason para magpanggap pa sa harap niya.

Hindi ko nalang sana siya papansinin ng mapansin ko ang manikang hawak-hawak niya.

Nanlaki ang mata ko. "Amy! "

Taka siyang napatingin sakin. "Who the hell is Amy?"

Agad ko yung hinablot mula sa kanya. "This, ito si Amy."

Di makapaniwala siyang nakatingin dun. Mukhang ngayon niya lang napagtantong kanina niya pa hawak si Amy.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ba't nasayo to?"

"I stepped on it," sagot niya. "Kinda remind me of you."

Nilingon ko ang doll, looking for any dirt when I realized something. It's back to normal.

Paanong...?

Taka akong napatingin kay Hezekiah. "May ginawa ka ba?"

Kumunot ang noo niya. "What? You thought I raped it or something?"

This perv.

Para naman siyang walang alam. But from what I remembered, he's mysterious as hell.

He must have a secret like mine.

Hindi na ako nagpumilit pa.

Napaupo nalang ako't napasandal sa puno. Titiisin ko nalang siya hanggang sa huminto ang ulan.

Nagsisilong din naman siguro ang mga nightguard ngayon kaya wala munang makakahuli samin.

Nagulat nalang ako ng may mainit na bagay ang pumatong sa balikat ko.

I-Isang jacket?

Saka ko lang napansing nanginginig na pala ako sa matinding lamig.

Taka akong napatingin sa kanya.

Nakatingin lang siya sa kawalan. "What're you looking at?" irita niyang tanong.

"Ang jacket mo," nasabi ko.

Inis siyang napalingon sakin. "Give it, I'll take it back."

Akmang kukunin niya to kaya dali-dali akong umusog palayo. "Walang bawian."

Sinamaan niya ako ng tingin. "You freak, that's mine."

Hindi ko na siya pinansin.

Narinig ko naman siyang patuloy na nagrereklamo pero hindi naman nagpumilit pa.

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now