Kabanata 20

9 3 0
                                    

Amarilla Katharosa

"Wow, ang ganda!" sabi niya. "Siguradong magugustuhan iyan nina papa."

"Kumain ka muna, masama ang magutom."

"Rilla, Rilla, laro tayo!"

"Wag ngayon, Raia," sabi ko habang pinapatuloy ang pagske-sketch ng design ng isang doll na ipapasa ko kina  papa.

We owned a doll manufacturing company. Papa wanted me to have my own designs that's why I don't want to waste this opportunity.

"Pero Rilla—"

"Sabing ayoko!" Napatayo ako sa inis. "Di ka ba nakaintindi?"

Napayuko naman siya. "S-Sorry." Tumalikod na siya. "Hindi na kita gagambalain pa."

Tuluyan na siyang umalis sa harapan ko. Pero hindi ko namang inakalang hindi lang sa harapan ko siya umalis kundi, pati na rin sa buhay ko.

Yun ang araw na huli ko siyang nakita.

———

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakatingin sa puntod niya.

Amaraia Katharosa.

Kinidnap, binaboy at pinatay siya ng mga hayop na yun habang naglalaro sa bakuran namin.

Napahigpit ang hawak ko sa mga sketch hanggang sa napunit ko ito. Kung sinamahan ko lang siya sana, baka hindi nangyari to. Baka buhay pa sana siya ngayon.

Kasalanan ko to.

Sinunog ko ang mga sketch ko. Isa yun, isa yun sa mga dahilan kung bakit nawala siya. Ayokong makakita ni kahit anong makapag-alala sa kanya.

Hanggang sa isang araw, napadpad ako sa basement ng mansyon. Sa unang pagkakataon, hindi ito lock kaya nagtataka akong pumasok doon.

At ganun nalang ang pagkagulat ko ng makita kung anong nasa loob nito.

Mga kagamitang pangsamba sa diablo.

May nakabaliktag na krus, mga maiitim na kandila, sungay ng usa saka mga buto ng hayop... at tao.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nandiri o nasuka manlang sa natuklasan kong sikretong tinatago ng pamilya ko.

Parang nasa dugo na talaga namin to.

Kinalaykay ko ang mga libro. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang pamilya namin.

May natutunan din akong mga ritwal na tumatawag ng demonyo, mga kasunduan, alay at marami pang iba. Nalaman ko na rin kung ano kami, na isa ang pamilya namin sa isinumpa ng demonyo.

Ang sumpa ng Ashenvale.

Hanggang sa napadpad ako sa huling pahina ng librong binabasa ko.

Tungkol ito sa—

"Rilla, wake up!"

Naalimpungatan ako. "C-Cinth?"

Lumapit siya sakin saka may binulong. "Today's the day."

Tuluyan akong nagising. Hala, oo nga pala!

Nag-ayos na ako saka lumabas. Naabutan ko namang pumasok si Zane, bitbit-bitbit ang mga panggatong namin.

Ang cabin nila kasi ang naka-pact namin. Ewan ko ba kung bakit, ang weird mag-isip ni Cinth.

"Uy Rill, good morning!" bati niya.

"Good morning din!" balik ko saka napalingon sa paligid. "Hindi nanaman ba sumama ang dalawa?"

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now