Kabanata 30

13 3 5
                                    

Selena Sangre

"Sinong gumawa nito?" taas-kilay kong tanong sabay angat ng sira-sira niyang libro.

Umiling lang siya. "Hindi ko alam."

"Nali naman," asik ko. "Kung ipagtatanggol mo ang mga impaktang to, di talaga sila titigil."

Oh, I don't know. Sa konting oras na nakasama ko siya, I feel the sense of protectiveness towards her. Pakiramdam ko, kailangan ko siyang bantayan.

"Y-Yung mga kaklase natin," mahinang sabi niya.

"Sino?" mataray kong sabi sabay lingon sa buong room. Saktong nahuli kong nakatingin samin ang grupo ng mga kababaihan. "Sila?"

Agad silang nag-iwas ng tingin.

Tumango naman si Nali.

Hindi na ako nagpaligoy-ligot pa at agad na silang pinuntahan.

"T-Teka—"

"Hey freaks," bati ko sa kanila.

Napalingon sila sakin.

"Kailangan mo?" tanong nung isa.

"Nothing," sagot ko. "Tinatandaan lang pagmumukha niyo."

Tumaas ang kilay nung isa. "At bakit naman? "

Pagak ang ngumiti. "Para di ko makalimutan ang mga pangalang ipapalista ko sa guidance."

"Woah, naririnig mo ba iyang pinagsasabi mo?" sambit nung isa.

Tinuro ko lang si Nali, tila walang narinig sa sinabi niya. "Do you have a single idea that she's under the protection of the school right now?"

Natahimik sila.

"Sayang at kayo ang unang masampolan," dagdag ko pa.

"Wait, this is crazy!" asik nung isa't napatayo na, halatang guilty.

"Eh dapat di na kayo nangialam ng gamit nung una pa lang," irita kong sabi.

Magsasalita pa sana sila ng dumating ang prof namin kaya nagsibalikan na kami sa kani-kaniyang upuan.

------

"Really?" tanong ni ma'am Hermosa ng magsumbong ako sakanya dito sa office.

Tumango ako at aalis na sana ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Klauss.

Nagkatitigan kami.

"Yes, Sin—"

Hindi pa natapos si ma'am Hermosa ng bigla siyang tumalikod at nagtatakbong umalis.

Pansin ko ang pagtataka sa mukha ni ma'am. "What happened?"

I don't know! Gusto kong pagsigawan sa kanya. Nakakainis na talaga ang walanghiyang yun, ano bang problema niya?!

Hindi ko namalayang tumatakbo na rin pala ako. Selena, what are you doing?

Pero kasi, nakaka-bother yung biglang pag-iiwas niya sakin. Parang may mali.

Nakita ko na siyang naglalakad sa may hallway kaya dali-dali ko siyang nilapitan saka hinila sa braso. "Hoy!"

"What the—" gulat siyang napatingin sakin.

"Umayos ka nga, may—"

"Wag." Parang napapaso niyang winakli ang kamay niya saka maharang umatras.

Mas lalo tuloy akong nagtaka. Kaysa magpasalamat dahil hindi niya na ako ginugulo, mas nababahala ako. May mali talaga!

Tinignan ko siya, mata sa mata. "Ano bang problema mo?"

The Curse of AshenvaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon