Kabanata 6

17 7 2
                                    

Louve Karisma Warlock

Nagulat ako ng bigla nalang tumili si Sili.

May kakaiba sa kanya nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko maiwasang mag-alala. Konti lang.

Iniwan ko ang niluluto ko saka dali-dali siyang pinuntahan. "Hoy, napano ka diyan? "

"May... May..." nauutal niyang sabi habang dinuduro-duro ng kutsilyo ang ilalim ng lamesa.

Siya kasi ang naatasan kong maghiwa ng mga lamas.

Medyo madilim na kaya kinuha ko ang lamparilya saka dahan-dahang sinilip ang lamesa.

"W-wait, wait, what are you doing?!"

Sobrang dilim kaya umusog pa ako at nilapit ang lamparilya nang sumalubong sakin ang isang pares ng mata.

Napangiti ako. "Ikaw lang pala yan, Itim."

Napasinghap siya. "Karma, may kausap ka ba diyan? "

Lumapit naman sakin si Itim saka ko siya kinarga.

"Anong—" Natigilan siya. "Ay langya, pusa lang pala."

"Si Itim lang ko Sili, pusa ko," sabi ko sakanya.

Sasagot pa sana siya ng biglang tumalon pababa si Itim.

Hahayaan ko na sana ito ng bigla itong lumabas ng bahay.

"Hoy, Itim!" Dali-dali ko siyang hinabol. Walang kahit sinoman ang puwedeng lumabas pag lumubog na ang araw.

"Hoy, Karma!"

Sorry na talaga, kailangan kong habuling ang pusang yun.

"Itim?" bulong ko. "Itim! " Asan na ba yun. Lagot ako nito pag nahuli ako ng mga nightguard.

Ang mga nightguard ang siyang nagbabantay sa buong Ashenvale. Sila rin ang pumuprotekta sa amin mula sa pahamak na dala ng dilim.

Nakarinig ako ng meow kaya napalingon ako dito. "Itim?"

Pero tanging kadiliman lang ang nakikita ko. Nag-umpisa naman akong lamunin ng kaba.

Nang may mga kamay nalang na biglang humawak sa balikat ko.

Nanigas ako. Ano to?

"Excuse me, ito ba ang hinahanap mo?" tanong nito.

Maliwanag pa rin ngayon ang buwan kaya naaninag ko ang taong nakatayo ngayon sa likod ko.

Isang lalaki. Tanging mukha niya lang ang maaninag sa dilim pero halatang galing siya sa magandang lahi.

Napadako naman ang tingin ko sa pusang hawak-hawak niya.

"Itim!" naibulalas ko sabay kuha sa kanya. "Ba't nasayo to?"

"I just happened to see it," sabi niya. "Kasama niya si White."

Tinuro niya ang puting pigyurang nakahiga sa balikat niya.

"Pusa mo?" tanong ko.

Tumango siya. "I think White and Itim are friends ."

Gusto ko sanang maatwa dahil na slang niya ang pangalan ni Itim pero...

Napakunot ang noo ko. "Paano mong nalaman ang pangalan ni Itim?"

"You just called it," sagot niya.

"Ay talaga ba?" duda kong tanong. For the record, wala akong tiwala sa mga tao, lalo na sa isang to. He's suspicious.

"Tignan mo, Itim, hindi siya naniniwala sakin," sabi niya.

Akmang hahawakan niya si Itim kaya dali-dali ko itong nilayo.

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now