Kabanata 51

4 2 0
                                    

Zinnia Moore

I'm starting to lose conciousness as I slashed away every wraith attempting to enter our village. I'm the last of my companions standing infront of hell's gateway. Lahat sila patay na.

Sinakripisyo nila lahat para dito. Hindi ako pwedeng huminto. I need to buy time.

"Letche ka!" singhal ko sa kawalan sabay hiwa ng isang wraith. Hindi ko ito nakikita pero naramdaman ko ang paghiwa ng espada ko sa malambot nilang laman.

Nagulat nalang ako nang biglang umilaw ang pintuan.

Flickers of blood red and black swirled around the doorway, as if creating another door.

At mula doon, unti-unting lumitaw mula sa liwanag ang isang paa hanggang sa bumungad sakin ang isang babae.

Inalon ang pulang-pula niyang buhok na kasing kulay ng dugo. May itim na nakatiwarik na krus sa noo niya. Her skin is so pale, as pale as snow. Her eyes that bore at me felt empty. Vacant.

Na para bang wala siyang kaluluwa.

Hindi ko alam pero napaatras ako. My instincts told me to run but my body won't cooperate.

Tuluyan siyang nakalapit sakin. Naramdaman ko nalang ang mahahaba niyang kuko na dumapo sa pisngi ko.

"Descendant of Frankenstein, I see," sambit niya na nagpapatayo sa balahibo ko.

She's intimidating! Nanginginig ang tuhod ko. Mas delikado pa siya sa mga ghoul. Who is she?!

At ano daw? Frankenstein?!

As in Adamus Frankenstein? Yung bangkay na dinala ni Vesper?!

Nakaramdam nanaman ako ng isa pang nakakakilabot na presensiya sa likod ko.

"Sister, I see you have returned," sambit nito sa pamilyar na boses.

Binawi niya ang kamay niya saka hinarap ang bagong dating. Natuod naman ako sa kinauupuan ko.

"Ah, Keres."

Dahan-dahan akong napalingon at nagulat nang makita si prof Hermosa, ang biology teacher namin!

Ang iba-iba ng dating niya ngayon kumpara nung nagtuturo lang siya sa Ashwood. Para siyang naging ibang tao bigla.

I know she's a witch too, but this is different.

"Still young as ever, Lilith," sambit ni prof.

"I suppose," sagot nung Lilith. "You were just a child when I last saw you."

Ngumiti lang si prof saka nabaling ang attention sakin. "Zinnia, halika dito."

Nag-aalangan akong lumapit sakanya.

Nagtaka ako nang hawakan niya ako nang mahigpit saka hinila papunta sa likod niya. Anong...?

Nakaramdam ako bigla ng tensyon.

"You don't think I would hurt her, don't you?" seryosong tanong ni Lilith.

"Let's cut the chase," sagot ni prof. "Why did you return?"

Tumingin ng makahulugan si Lilith. "The time is near. The gates of Amon being opened is the sign we've all been waiting for."

Letche. Anong pinagsasabi nila?

Mas humigpit ang hawak ni prof. "Leave, Lilith."

Biglang umitim lahat ng mata nito. "Don't you dare order me around."

Nanlaki ang mata ko nang magsilutang ang mga dugo ng mga kasama ko. Hinigop niya ang iba hanggang sa maging buto't balat na sila.

Letche, letche!

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now