Kabanata 49

6 2 0
                                    

Vesper Valdis

Napaubo ako. My body is aching all over. Nanghihina na ang katawan ko.

Kanina pa pumipintig ang ulo ko sa sakit. Nanlalabo na rin ang paningin ko.

"Amuse me," rinig kong nagsalita si Lorenzo. "Who would you save?"

Kumulo ang dugo ko nang maaninag ang sitwasyon. Sumusobra na ang bampirang ito!

Pinilit kong tumayo saka siya sinugod. Iwinasiwas ko ang espada ko sa kanya pero walang kahirap-hirap niya itong nahawakan gamit ang isang kamay. Kinuyom nita ito kasabay ang pagkadurog ng espada ko.

Napaismid ako at umtras pero may mga kamay nalang ang biglang humawak sa magkabila kong braso at pinadapa ako sa sahig.

Napasinghap si Cinth. "Vessie!"

Parang tinutusok ang puso ko nang makita ang kauna-unahang patak ng luha niya.

She never cried. When her mother left, when her father abandoned her, she never ever cried. She was strong.

And seeing her like this makes me want to kill myself. Nakakagago.

"Lorenzo, stop it!" singhal niya. "I'll do whatever you want, let my friends—"

Napatili siya nang kagatin siya ni Lorenzo.

Nagdidilim ang paningin ko. "Hoy hayop, mauubusan na siya ng dugo tangina!"

"P-Pres, tama na yan..."

Pinanlilisikan ko naman ng tingin ang sekretarya niya.

"Anong nangyari dito?"

Agad kaming napalingon sa bagong dating. Shit na talaga. Isa nanamang salta sa student council.

"Law!" Tumakbo papalapit sakanya si Akantha. "Si Lore, nagwawala."

Nanlaki ang mata niya. "What the—" Kita ko kung paano niya hinila palayo si Lorenzo saka sinuntok ng malakas.

Nagulat ako nung tumilapon ito palayo.

"What the hell, Sinclair?!" Agad itong tumayo.

"You're under the curse again, damn it!" singhal pabalik ni Klauss. "Gumising ka gago! Papatayin mo ba ang taong matagal mo nang pinoprotektahan, ha?!"

Natigilan ako sa pinagsasabi niya. Ano?!

Para akong nabingi sa mga naririnig ko. Sumpa? Pinoprotektahan?!

Gumuho na ba ang mundo?!

Napailing-iling si Lorenzo. "Fuck off."

Naasar naman si Klauss. "Hindi ka talaga—"

Nagulat nalang kami nang sumulpot sa harap niya si Sili, nakatutok ang isang kutsilyo sa sariling leeg.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang unti-unting nagbabago ang anyo ni Klauss.

"Oi. Oi." May halong pagbabanta ang napakaseryoso niyang boses. "Akala ko ba walang pakialaman ng teritoryo Lore?" Nanlalaki ang mga mata niya na parang leyong handang mananakmal ng kaagaw. "Anong ibig sabihin niyan?"

Nagsimula na akong magpanic. Ano bang ginawa ni Lorenzo kay Sili?! Ba't siya ganyan?!

"V-Vessie..."

Hindi ko namalayang gumagapang na pala papalapit sakin si Cinth. Agad siyang pinigilan ng mga bampira at pinadapa din sa lupa.

"Cinth—"

"L-Let me talk..." Napaubo siya. "I-I don't have time left."

Kumakabog sa sobrang kaba ang puso ko. What the hell is she saying?!

The Curse of AshenvaleOnde histórias criam vida. Descubra agora