Kabanata 39

6 2 0
                                    

Amarilla Katharosa

Nakatulala lang ako dito sa loob ng kwarto. Gulong-gulo na. Lahat sila nagsialisan maliban sakin. Ako nalang ang natira.

Napahawak nalang ako sa kwintas habang dinadama ang kadiliman. I'm scared. I'm so scared.

"Aray!" Napabitaw ako kaagad ng humapdi bigla ang kamay ko. Tinignan ko ito, dumudugo na.

Kunot-noo kong tinanggal ang kwintas saka ito takang pinagmasdan.

Isang krus ang hugis nito. Nang tignan ko ito ng mabuti, napansin kong may maliit oang krus sa gitna nito na kasing liit ng isang karayom. Sobrang tulis ng isang dulo nito.

Ang mas nakakapagtataka ay gumalaw-galaw ito. Nang inikot ko ito ay gumalaw nanaman ito pabalik sa isang direksyon. Na parang may tinuturo.

Mas lalo tuloy akong nagtataka.

Lumapit ako ng pwesto at gumalaw nanamn ito at tinuro nanaman ang parehong direksyon. Ang bintana.

"If anything happens, hold on to that. It'll lead you back to me."

Naalala ko bigla ang sinabi niya. Teka. Hindi.

Napatitig ako sa kwintas.

" It'll lead you back to me."

Hindi kaya...

Lumapit ako sa sirang bintana. Hindi na ako nagdalawang-isip na lumabas,mahigpit ang hawak sa kwintas.

Nagtaka ako nung una sa mga pinagsasabi niya. Then it came to me, he knew he'll be gone.

Kaya binigay niya sakin ang kwintas. He wants me to find him!

Sinundan ko ang tinuturo ng krus. Lakad-takbo na ang ginagawa ko ng makarinig ako bigla ng alulong.

Nagsitaasan ang balahibo ko.

Ang lobo. Nanigas ako. Ang lobo ang kumuha kay Heze!

Napahinto ako, hindi na alam ang gagawin. Pero si Heze...

Paano pag nahanap ko nga siya, nagbabantay pala ang lobo? At ano bang kailangan nito sakanya?!

Anong gagawin ko?!

Napaupo nalang ako sa damuhan, litong-lito. Pinipigilan ako nga takot ako. Gusto ko siyabg tulungan oero ayaw kumilos ng binti ko.

Kung kasing tapang lang sana ako ni Sili, kung kasing talino ni Cinth, kasing talentado ni Karma o kasing lakas ni Vessie...

Pero hindi! Mahina ako! Wala akong ibang alam kundi magpanggap at magbalat-kayo!

Kung kasing lakas ko lang sana...

Natigilan ako, dahan-dahang napatingin sa mga kamay.

May ideya bigla na bumuo sa isipan ko. Dali-dali akong tumayo at nag-iba ng direksyon....

Tungo sa bahay namin, dati. Ang mansyon ng mga Katharosa.

Tinakbo ko ang kadiliman ng kagubatan bago narating ang mansyong napag-iwanan na ng panahon.

Tinulak ko pabukas ang malaking pinto. Tumunog pa ito sa sobrang luma. Napaubo ako nang magsiliparan ang mga alikabok.

Pumasok na ako. Sobrang dilim ng paligid. Tanging ang pulang liwanag lang na sumisilip mula sa bintana ang nagbigay liwanag sa paligid.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinungo ang basement ng mansyon. Bawat pasilyong madadaanan ko, nagkakalat ang iba't-ibang klase ng maynika. May maliliit, may kasing laki ko at halos lahat sila, parang nakatingin sakin kaya pinokus ko nalang ang atensyon sa harapan.

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now