Kabanata 7

19 6 0
                                    

Selena Sangre

Pagkatapos naming mamitas, bumalik na kami sa room to continue our activity.

Lumiko muna ako ng daan bago bumalik. Nature's calling.

Ang pinakamalapit na cr sa dinadaan ko ay andun pa sa third floor.

While climbing the grand staircase, I suddenly heard this enchanting music.

Kusang kumilos ang paa ko at sinundan ang tunog na yun.

I reached the music room. Nakakahiya naman kung bigla ko nalang yung buksan kaya sumandal nalang ako sa pintuan, pinapakinggan ang musika.

Somebody is playing a piano inside.

And it's addictively romantic.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas bago ito huminto.

Dali-dali naman akong tumakbo palayo. Ayokong mahuling palihim na nakikinig dito.

Dumiretso na ako sa cr.

I was busy doing my business when I heard the door of the cubicle beside mine slowly creaked open.

No, it didn't open.

It closed.

Wala naman akong napansing pumasok mula sa main door.

Pigil hininga ako dito sa kinauupuan ko, trying not to make a sound 'till I heard the toilet flush.

Bumukas na rin ang pinto but I couldn't hear any footsteps.

God, ang dilim-dilim pa dito.

Hinintay ko pa ang ilang minuto bago napag-desisyunang buksan ang pinto.

No one.

Sinilip ko rin ang katabing cubicle pero walang tao.

Dahan-dahan akong naglakad at aalis na sana nang mapasulyap ako sa salamin.

To my horror, I saw her inside another cubicle left ajar.

Napatili ako sa sobrang takot at kasabay nun ang pagkapatay ng lamparilya sa loob.

Napatili nanaman ako saka dali-daling tumakbo paalis sa lugar na yun.

My heart was beating so erratically. Just what the hell is she?!

I mindlessly run along the dark-lit hallways na mas lalong nakapagpadagdag sa takot na nararamdaman ko.

Pero dahil dun, hindi ko namalayang hagdan na pala ang harap ko.

Napatili ako sa sobrang gulat but too late. Nahulog ako.

Nagtitili pa rin ako nang—

"What the?! "

Bigla nalang sumalubong sa paningin ko ang isang pares ng mata. Nagkatinginan pa kami bago kami tuluyang nagkabanggaan. Isang lalaki!

Sabay kaming nagpagulong-gulong sa engrandeng hagdan ng Ashford High. Tumilapon pa kami sa malaking bintana.

The window shattered as the forestry view welcomed us.

Inalon-alon ang buhok namin sa sobrang lakas ng hangin.

Nagsitilian nalang kami bago sabay nahulog.

I should have known...

That was the beginning of the greatest catastrophe in my life.



Louve Karisma Warlock

Nagsigawan nalang kami nang biglang may nahulog mula sa taas ng bintana.

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now