Kabanata 19

15 2 0
                                    

Selena Sangre

Pagod na pagod akong napabagsak sa lamesa. Hindi ko na kaya, sumasakit na ang kamay ko!

Ang nakakainis pa, konting pagkakamali lang, pinapaulit ng walanghiya.

He's really getting on my nerves.

May kung anong bagay nalang ang malakas na tumama sa lamesa kaya napaigtad ako.

"Wag mo akong maina-inarte diyan," reklamo niya. "Ang konti pa niyang nasulat mo."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Shut up, Helen."

Sumama naman ang timpla sa mukha niya.

Helen kasi ang title ng music piece niya. Inaasar ko nga kanina, baka crush niya na hindi naman siya pinapansin.

Ang lungkot kasi ng musika.

Ang kaninang inis ko ay napalitan ng tawa. Natutuwa talaga akong makita siyang naaasar.

"Continue writing," inis niyang sabi. "Hindi ka makakauwi hangga't hindi yan natatapos."

Agad nawala ang ngiti ko. "What did you—"

Pinagsarhan niya ako ng pinto.

Aba't!

Makakatikim talaga sakin ang Klauss na yun, makikita niya!

Crimson Sorrel

"Mag-cucutting ka?" kunot-noong tanong ko kay Vesper.

"It's been hours, Rim," nag-aalalang sabi niya. "Hindi pa rin bumabalik si Rilla. Hindi naman siya ganito."

Napakamot nalang ako sa ulo bago sumunod sa kanya.

Dumiretso kami sa cabin nina Rilla at halos atakihin ako sa puso ng lumabas mula doon si Heze.

"Hoy, may klase pa, anongvginagawa mo dito?!" bulyaw ko sakanya.

"I should be asking the same question," balik niya.

Lumapit naman si Vesper sa kanya. "Nakita mo ba si Rilla?"

Kumunot ang noo niya. "Who's that?"

"Hindi mo kilala?" di-makapaniwalang tanong ni Vesper.

Napailing naman ako. Even now, he always forget the names of everyone.

He even took a year before he completely remember my name.

"Yung babaeng makulit, maganda, medyo kulot ang—"

"I don't know that freaking person," putol ni Heze.

Napailing nalang ako. "Yung babaeng nakasalamuha mo sa cr, naalala mo na?"

Sandali siyang natigilan bago napatango. "Oh, dolly."

"Dolly?" takang tanong ni Vesper.

"Sabi niya, naalala niya na," I translated. Heze used to give nicknames to people he can't remember.

"That's not what I said, you faggot," asik niya.

Kahit maraming taon na'ng lumipas, mapapangiwi pa rin ako sa tinatawag niya sakin.

"Ay, tama na yan!" Pumagitna samin si Vesper saka siya hinarap. "Heze, nakita mo ba siya?"

Tumango lang si Heze as he pointed the cabin with his thumb. "In there."

Pagkasabi niya nun ay naglaho na sa harapan namin si Vesper. Ang bilis!

Nakita ko nalang ang pagbukas-sara ng pinto.

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now