Kabanata 24

10 2 0
                                    

Selena Sangre

"Selena, good morning!"  bati ni Kantha pagkapasok niya sa room.

"Good morning!" bati ko pabalik. "Nakauwi ka na pala?" tanong ko. Ipinadala nanaman kasi siya sa isang school trip nung nakaraan.

Tumango siya. "Nandito na nga ako diba?" gatong niya sabay upo sa upuang nasa harap ko. "Change topic. May transferee tayo ngayon!"

Napatango lang ako.

"Lalaki, gwapo."

Napatango lang ako.

Napakunot naman noo niya. "Di ka mahilig sa gwapo?"

Napailing nalang ako. "I'm not into that."

Magsasalita pa sana siya ng bigla nalang sumigaw ang kaklase namin.

"Andito na si prof!"

Nagsibalikan naman kami sa kaniya-kaniyang seat.

Agad pumasok ang prof namin. May lalaki namang nakasunod sa likod niya. He had this brownish hair na parang umo-orange pag nasinagan ng liwanag.

Natigilan ako.

"Alright class, I guess everyone knew already," she started. "We have a transferee."

Napakurap-kurap ako. Nakita ko na ang lalaking to!

"Please introduce yourself," sabi pa ni prof.

Siya yung nabangga ko sa convenience store dati!

Walang kaemo-emosyon pa rin ang mga mata niya ng magsalita siya. "William..." aniya. "—Dew Moriarty."

Suot-suot niya ang white long sleeves na pinaibabawan ng tan vest, ang uniform ng mga lalaki dito sa Ashford High.

"Magiging kaklase niyo siya simula sa araw na to," sambit ni prof. "Moriarty, you can sit at that vacant chair at the back."

Sinundan ko ang tinuro ni prof at saka ko lang namalayang sa kabilang row lang pala siya, katapat ko.

Agad naman siyang dumiretso sa upuan niya. Halos lahat kami, nakatingin sa kanya.

Hindi talaga ako makapaniwala. Andito nga siya. Magkaklase kami!

At hindi ko na napigilan ang bibig ko. "William, right?" tanong ko.

Napalingon naman siya sakin. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya dahil talagang walang kaekspre-ekspresyon ang mukha niya.

Hindi siya umimik kaya nagsalita nanaman ako. "You remember me, from the convenience store?" tanong ko. "Ako yung nalibre mo ng wala sa oras dahil nawawala ang credit card ko sa counter."

Nakatingin pa rin siya.

Halos ma-concious naman ako. Hindi ba talaga siya magsasalita? Nahihiya na ako.

Maya-maya pa ay tumingin na siya ulit sa harapan. "I remember," mahinang sabi niya.

Para namang pumalakpak ang tenga ko. So he remembered.

Wala pala akong takas sa utang ko.

"You know that freak?" biglang tanong ni Heze sa tabi ko kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.

"Uh-huh," I answered. "Why?"

Pero nakakunot lang ang noo niya habang nakatingin kay William. Maya-maya'y nagkibit balikat at itinuon na ang atensyon sa harapan.

Yung totoo? Trip ba nilang hindi ako sagutin at haharap nalang sa board?

Ipinagsawalang bahala ko nalang yun at nakinig na ng mag-discuss si prof.

The Curse of AshenvaleUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum