Kabanata 40

6 2 0
                                    

Selena Sangre

Napahiyaw ako sa sakit. Naramdaman kong may matulis na bagay ang bumaon sa kamay ko hanggang buto.

Bigla nalang may umilaw na kulay pula sa harapan ko kaya kitang-kita ko kung ano ito.

It's a statue of a demon. Nakanganga ang bunganga nito kung nasaan ang kamay ko.

Napasigaw nanaman ako ng makitang tumagos na sa kamay ko ang malalaki nitong pangil.

"A-Anong nangyari?!" namamaos na tanong ni Klauss.

Pero hindi ko na siya nagawang sagutin ng mag-iba ang paligid ko.

I saw myself being carried by my mother when I was still a baby. Then a moon slowly turning to a color of blood.

"Sangre."

I also saw how my mother died before my eyes, kung paano kinakain ng mga daga ang katawan niya. Napahiyaw ako.

Then the blood moon again.

"Sangre."

May naririnig nanaman akong mga boses.

"Sangre."

Hanggang sa nakita ko ang mga taong naka-itim, nakapalibot sa isang altar sa ilalim ng pulang buwan.

Sa gitna, nakagapos ang isang babae bilang alay sa mga demonyo.

"Sangre."

Unti-unti itong lumingon sakin at napasigaw ako ng mamukhaan ko kung sino ito. Si Nali.

Nag-iba nanaman ang paligid at nakita ko ang isang kakaibang pinto na may nakasabit na estatwa ng demonyong nakanganga. Pinagtutulungan ito ng mga tao na isara.

Bigla nalang sumakit ang mata ko kaya napahiyaw ako. Parang may mainit na bagay na umagos mula dito. Ang hapdi!

Bumuka muli ang bibig ng demonyo kaya parang baliw na akong nagsisigaw sa matinding sakit.

Agad nawala ang mga nakikita ko at nabalik ako sa realidad. Takot na takot ako. Ano yun?! Para saan yun?!

Mas nagsisigaw pa ako ng parang gripong umagos ang dugo ko mula dito. "K-Klauss!" takot na takot kong sabi. Mauubusan ako ng dugo! Ayoko, ayoko!

Napaharap ako sa kaniya at ngayon lang namalayang nakatitig na pala siya sakin.

Mga abo nalang ang nasa tabi niya.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.

"K-Klauss?" tawag ko.

Bigla nalang umugong ang pinto kaya nabaling dito ang atensyon ko. Unti-unti itong bumukas hanggang sa bumungad samin ang pula-pulang buwan.

"We're out—"

Napahiyaw nalang ako ng bumagsak ako sa lupa. Gulat na gulat akong napalingon kay Klauss na nakadagan na sakin ngayon.

"W-What are you doing?!" natatakot kong sabi.

His chest heaved heavily as he looked at me with so much pain. Nanginginig ang mga kamay niyang nakadiin sa balikat ko.

Yet he just breathed so deeply before moving away from me.

"Umalis ka na!" he hissed.

Takang-taka akong napabangon at nilingon siya. "What's happening to—"

"Shit, shit!" Bigla siyang umusog palayo sakin, na para bang takot na takot.

Tuluyan akong tumayo, naiinis na. "Ayan ka nanaman sa kakaiwas—"

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now