Kabanata 34

6 2 0
                                    

Selena Sangre

Nakabusangot ako habang naglalakad palabas ng venue.

That Rim, he'll pay for this!

Sabi niya, siya susundo sakin pero malalaman ko nalang na may pinadala siyang iba dahil ano?

Dahil busy siya?!

What an excuse!

At sa lahat ng pinadala niya, si Klauss pa talaga!

I thought we're okay pero sinungitan nanaman niya ako kanina. Bunalik nanaman yung init ng ulo ko sakanya.

Pwede naman si Heze nalang, pero ayaw naman niya. Nakasunod lang siya sa likod. His petty reason is that he hates cringy stuffs like this. Mukha niya!

Nakabusangot lang ako all throughout the way. Ayoko talaga sa Klauss na to. Inimbita ko lang naman sila ni Nali as courtesy na pinatulog nila kami sa cabin kagabi kahit si Nali lang ang gusto kong i-invite, hindi siya!

"Wala akong narinig," pampaparinig niya.

Nasabi ko ba? Paki ko naman kung narinig niya, buti nga. Inirapan ko nalang siya sa sobrang inis.

"Hoy, ano bang klaseng escort yan?" rinig kong tanong ni Karma mula sa likod. "Ang panget niyong tignan."

We unconciously looked at each other. Pinagsasabi nun?

"Pano nga yun gagawin, Cinth?" tanong niya pa.

"The two of you, hey!" tawag ni Cinth kaya napalingon kami.

Bigla nalang siyang lumapit kay Heze na siyang nag-iisang lalaki sa likod.

Huminto kami sa paglalakad para panoorin sila.

Gulat namang napaatras si Heze pero nahila siya ni Cinth.

"What are you doing?!" balisang tanong ni Heze.

"Offer me your arm," utos ni Cinth.

"You kidding me?!" sibghal pabalik ni Heze.

"Just do it," maowtoridad na sabi ni Cinth kaya wala siyang nagawa.

Napipilitan niyang nilapit kay Cinth ang braso niya. Agad namang pumulupot ang kamay ni Cinth dito saka sila nagpatuloy sa paglalakad.

Napanganga ako.

"Ganyan, ganyan dapat!" singhal ng demonyong Karma. Nakangisi na sila maliban kay Rilla.

Nangilabot ako agad. "Ewan ko sa inyo!" Nauna na akong maglakad sa irita. This is my birthday but god! Bina-badtrip nila ako!

Napatili nalang ako ng matapilok ako ng makaapak ng malaking bato.

"Sili!" Nagsigawan sila at agad akong nilapitan.

May pares ng paa ang bumungad sa harap ko kaya nag-angat ako ng tingin.

Akala ko si Heze pero ng malamang si klauss pala ay sinamaan ko agad siya ng tingin. "What?!"

"Tayo." Bigla niyang nilahad ang kamay niya't sinamaan din ako ng tingin. "Pasalamat ka't birthday mo ngayon," bulong-bulong niya na rinig ko naman.

"Ano?!"

Napipikon siyang napakamot sa batok. "Halika na nga!" Gigil na gigil niyang hinila ang kamay ko.

"H-Hey, ouch!" singhal ko bago napatayo. "Dahan-dahan—"

Natigilan ako nang bigla niyang pinagsalikop ang mga kamay namin bago naunang maglakad, hila-hila ako.

"Hala, ayieeee!" Sigaw bigla ni Karma at nagkantyawan sila bigla sa likod.

The Curse of AshenvaleOnde histórias criam vida. Descubra agora