Kabanata 37

6 2 0
                                    

Warning: Gore, profanity.

Amarilla Katharosa

Dahil naabutan kami ng gabi, pinatuloy nalang kami sa baranggay hall. Doon kami pinatulog sa mga guestroom nila.

Kasalukuyan akong nasa labas ng kwarto ni Heze, hinihintay siyang lumabas.

Nasa kabilang silid naman si Rim, ginagamot ngayon ni Karma.

Ilang minuto pa akong naghintay bago bumukas ang pinto sa wakas. Niluwa nito si Sili. Suot-suot niya pa rin ang gown niya.

Nagulat siya ng makita ako. "Rill! Kanina ka pa ba diyan?"

Dahan-dahan akong tumango. "Si Heze?" Oo, kanina pa silang dalawa dyan sa loob. Kung anong ginagawa nila, wala na akong pakialam.

"A-Ano..." Alinlangan siyang napasulyap sa loob bago binalik ang tingin sakin. "Kasi Rilla, pagod na pagod si Heze eh. He needs to rest. Pwede bang bukas—"

"It's okay."

Nagulantang ako ng biglang sumulpot si Heze mula sa siwang ng pinto.

Napatingin sa kanya si Sili. "Pero—"

"I want to talk to her."

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang pisngi ko.

Hindi na nakipagtalo si Sili at nagpaalam ng umalis.

Pumasok naman sa loob si Heze kaya sumunod na ako.

"Anong nangyari?" tanong ko sakanya.

Seeing him alive and well felt surreal. Masaya akong nakabalik siya ng ligtas pero di ko maiwasang magduda. Paano?

Umupo siya sa kama sabay tanggal ng salamin niya. "You were freaking drunk."

Napaiwas ako ng tingin at kunyari sinara ang pinto. "Di yan ang ibig kong sabihin." Pinaalala niya pa, nakakahiya!

"They're after me," mahinang sagot niya. "I barely escaped."

Napalingon ako. "Sino? Bakit?" They're? Marami? Mas dumagdag ang mga katanungan sa isip ko!

Naalala ko pa, bago ako tuluyang mawalan ng malay, may narinig akong alulong ng lobo. It could be the werewolf. Paano niya yun natatakasan?!

Imbes na sumagot ay tinapik niya ang ang espasyo sa tabi niya. "Come here."

Lumapit naman ako at umupo. "Anong nangyari?" tanong ko pa, naiinip na.

Isa sa mga natuklasan ko kay Heze ay masyado siyang malihim. Tinatago niya lahat ng nalalaman niya. Hindi ko na tuloy malaman kong pagkakatiwalaan ko ba siya o hindi.

Bigla niya nalang hinila ang isang kwintas na nakatago sa loob ng damit niya. Tinanggal niya yun sa pagakaksabit sa leeg niya saka humarap sakin.

Napatitig ako doon. Isang krus na gawa sa pilak at maliliit na diyamante. Nanlaki ang mata ko. "Isa kang—"

Nagulat ako ng isuot niya ito sakin. "Wear it. " Dumaplis ang mukha niya sa pisngi ko. 

Naguguluhan akong napatingin sakanya. "W-Why?" Kumakabog rin ng sobrang bilis ang puso ko.

"Because I wanted to," mahinang sagot niya bago tumayo.

"Bakit?" naiinis kong tanong at tunayo na rin. "Bakit ako? Paano si Sili?" Gusto kong pigilan ang sarili ko pero sunod-sunod ng nagsalita ang bibig ko.

Hindi siya sumagot.

"Hezekiah," banta ko.

Umiwas siya ng tingin. "I don't know,"halos pabulong niyang sabi. Saka ko lang din napansin ang krus na hikaw na nakabitin  sa kaliwa niyang tenga.

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now