Kabanata 44

7 2 0
                                    

Amarilla Katharosa

"That witch, is not human."

I almost lost sense of what was going on around me.

Kahit anong pilit kong pagtanggi, tama siya.

Mukhang sa ilang taon kong panininirahan sa katawang to, nakalimutang kong hindi nga pala ako tao.

Or more like, hindi na ako tao.

" Shut up, vampire," sita ni Vessie. "Hindi demonyo ang kaibigan ko."

"Humans, really." Naglakad papalapit si Lorenzo. "There's evidence here and there, but you still won't believe the truth."

"Tahimik!" galit na singhal ni Vessie bago biglang sinunggaban si Lorenzo.

Agad akong napatayo. "Vessie, wag!" Taranta kong pinulot ang mga camera at sabay itong hinagis kay Lorenzo bagay na ikinasinghal niya sa sakit.

Napasinghap naman ako habang pinamamasdan ang nasusunog kong kamay.

Bigla namang tumili si Vessie at sinaksak si Lorenzo sa tiyan. "Die!"

Dali-dali ko na siyang hinila. "Tara na!" Tumakbo kami palabas ng cabin pero napatili ako ng may humila sa binti ko.

Kita ko ang panlilisik ng mata ni Vessie. "Hayop, bitawan mo siya!"

Pero itinipon ko ang buong lakas ko at tinulak si Lorenzo. "Hanapin mo na si Cinth!"

"What the hell?!" asik ni Vessie. "Hindi kita—"

"Umalis ka na, tang*na!" singhal ko. "Tigas ng butsi mo kahit kailan, di kita kailangan dito!"

Mukhang nagulat siya sa pag-iba ng salita ko. "R-Rilla?"

Hindi na ako nakasagot nang maramdaman ang kamay ni Lorenzo sa puso ko.

Nanlaki ang mata niya. "T-Teka—"

At piniga niya ito.

Huling narinig ko nalang ay ang sigaw ni Vessie bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman.

Vesper Valdis

Sigaw ako ng sigaw habang napaupo sa damuhan, hindi makapaniwala sa nangyari.

Rilla, hindi! Rilla!

Nawalan ng malay si Lorenzo pagkatapos pigain ang puso ni Rilla. Nabalot ng nagpupuyos na galit ang puso ko. Kinuha ko ang espada ko at gigil na gigil na pinutol ang ulo niya. Hindi pa to sapat! Kulang pa to!

Napasigaw nalang ako sa sobrang galit na nararamdaman habang nilalamon ng kidlat at mga patak ng ulan ang boses ko.

Napaangat ang tingin ko sa pulang buwan. Ang pulang buwan.

Ang bangungot ko.

Sunod-sunod akong napasinghap ng maalala ang mga panaginip ko. Ang panaginip ko.

Hindi, panaginip lang to! Panaginip lang to, hindi to totoo!

Napasigaw ako. "Vesper, gising!" Sinapak-sapak ko ang sarili ko. "Gumising ka, bangungot lang to! Hindi pa patay si Rilla, gumising ka!"

"Vesper, andyan ka lang pala!"

Nakarinig ako ng mga yabag.

"Anong nang—" Natigilan siya ng makita ang mga bangkay sa harapan ko.

Nagulat nalang ako ng maramdaman ang isnag malakas na puwersang tumama sa mukha ko, dahilan para magpagulong-gulong ako sa putikan.

"Captain, gumising ka na nga!" singhal ng isang tauhan ko sa squad eight. "Hindi ito ang tamang oras para magdrama, kailangan ka namin ngayon! Hindi ba pinapahanap mo si Cinth?! Nahanap na namin siya! Tara na, kumilos ka na diyan kundi hindi lang si Miss Katharosa ang mawawala sayo!"

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now