Kabanata 9

25 6 0
                                    

Amarilla Katharosa

Yakap-yakap ko ngayon si Amy.

Nakakunot naman ang noo ni Karma na parang may malalim na iniisip habang abala sa paperwork si Cinth.

"Sigurado ka ba na tamang sinabi natin sa kanila ang totoo?" di ko napigilang itanong.

Cinth sighed. "Mas magandang nalaman nila ang tungkol dito bago pa mahuli ang lahat."

Hindi na ako nagtanong pa.

Malakas ang kutob ko, na mauulit ang nangyari noon.

Dadating sila.

Ito ang ikinabahala namin. 

"Pero, saang pamilya kaya sila galing no?" tanong ni Karma.

"Pero sigurado ba talaga kayong kasama natin si Sili?" tanong ko naman.

Napatingin sila sakin.

"May hinala na ako," sagot ni Cinth. "But I need confirmation."

Natahimik na kami.

Bigla nalang sumakit ang ulo ko.

Gusto niyang maglaro.

"Rill, you okay?" tanong ni Cinth.

I smiled. "I'm a little tired." Pinihit ko na ang doorknob ng kwarto ko. "Matutulog na muna ako."

Tumango naman siya. "Okay. "

Umiwas na ako ng tingin.

At sa pagpasok ko, nilamon ako ng walang hanggang kadiliman.

Maglalaro nanaman kami.


Selena Sangre

I stayed at Rim and Heze's place.

I'm so afraid to even go back in there.

"Paborito mo," sambit ni Rim sabay lagay ng pagkain sa harap ko. Fries.

Mahina akong napangiti. "Thank you." Nagsimula na akong kumain pero wala talaga akong gana.

Just a few hours ago, I brushed my teeth nonstop and almost drank an entire liquid soap in frustration.

Agad akong napigilan nina Rim at dinala ako dito.

Naramdaman kong may tumabi sakin." I brought movies," aya ni Heze.

Napalingon ako sa kanya. "We don't have electri—" Natigilan ako.

Naalala ko bigla na may dala-dala pala siyang mga solar generators.

"Tama, Si, anong gusto mo?" sabi naman ni Rim. "We have fantasy, sci-fi, horror, romance, Heze even brought Barbie."

Medyo natawa ako. "Hindi na ako bata, ano ba?" Pero agad din akong napakunot ng noo. "Pasimple ba kayong nanonood dito habang wala ako?"

Nagsiiwasan sila ng tingin.

Aba. No fair!

Tumayo ako. "Asan na?"

I decided to watch comedy films to distract my mind.

Natawa ako sabay turo sa isang komedyanteng bakla. "I can't imagine you turn like that, Heze."

"Shut up, freak," balik niya sakin. "But I think you'll look good in that."

Tinuro niya ang isang maid.

Sinamaan ko siya ng tingin. "In your dreams."

Nag-asaran pa kami nang makakita kami ng lalaking parang balloon sa sobrang macho.

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now