Kabanata 47

6 2 0
                                    

Vesper Valdis

"Where is Lorenzo?" walang paliguy-ligoy na tanong ni Cinth.

Ini-interrogate namin ngayon si Akantha. Iginapos ko ang magkabila niyang kamay at paa para hindi na siya makatakas pa.

"At ba't ko naman ibubuking si Pres?" nanghahamong balik nito. Kahit dehado na ay hindi pa rin ito nagpapatalo.

Agad ko siyang tinutukan ng espada. "Magsasalita ka o hihiwalay yang ulo mo diyan sa leeg mo," pagbabanta ko.

Napalunok siya. "O-Oo na, oo na!" suko niya. "Pero hindi kayo basta-basta makakalapit doon, nagkakalat ang mga alagad niya."

"Alagad?" tanong ni Cinth. "Are there more aside the council ?"

Tumango-tango si Akantha. "Oo, oo! Mga bampira! Hindi niyo sila matatalo kahit gaano niyo pa karami."

"Then what are you suggesting? Na wala nalang kaming gagawin dahil sa bampira sila?" sarkastikong sambit ko.

"Kung gusto niyong mamatay, oh go ahead," walang kwentang sagot niya.

Sa pikon ay mas lalo kong diniinan ang talim sa leeg niya. Tumulo mula rito ang mapupula niyang dugo.

"T-Teka, teka!" ngawa niya. "May plano ako para makapasok kayo."

"Oh?" Hinila palayo ni Cinth ang kamay ko kung saan nakahawak ang espada, dahilan para makahinga ng maluwag si Akantha. "And what is this plan of yours?"

Tinignan niya muna kami isa-isa. Dumako ang tingin niya kay Cinth at tumagal pa ito ng ilang segundo bago nagsalita. "Isa sa inyo ang magkukunwaring hostage ko," panimula niya.

Nagkatinginan kami ni Cinth.

"Sa pamamagitan nun, makakapasok kayo," dugtong niya. "Pero dahil sa alam na ni pres na wala akong amok sa labanan, hindi pwedeng isang nightguard ang magiging bihag ko."

Cinth held her chin, isang palatandaan na nag-iisip siya ng malalim. "Hmm, I think we'll go with her strategy, Vessie," ani niya dahilan para mapalingon ako sakanya. "I'll be that hostage."

"Ano?!" singhal ko. "Masyadong delikado, Cinth! Ano namang magagawa mo?"

"I've been researching about vampires all my life," asik niya. "I know them better than anyone. If there's a best candidate for this, that'd be me."

Natahimik ako. She has a point. Pero kailangan ba talaga na isa naman sa mga kaibigan ko ang malalagay sa panganib? I already lost Rilla right in front of me! Wala man lang akong nagawa.

"You don't have to decide Vessie, I'll still go wether you like it or not," pagmamatigas niya pa.

Napabuntong-hininga nalang ako. "Alright, but you better promise me to stay alive."

Tumango siya. "I will."

Sinulyapan ko sandali ang bihag namin bago nagsalita. "Here's the plan..."

Akantha Isabella III

Sinamaan ako ng tingin ni Vesper. "Pag napahamak si Cinth o maski gasgas lang, asahan mong lalagutan ka ng hininga ng hindi mo namamalayan."

Napalunok ako bago tumango. Ano ba naman! Di ko naman inaasahang mga brutal pala ang mga nightguard na to!

Ang ganda-ganda pa ng mga pangiti-ngiti nila sa school na akala mo'y mga di makabasag pinggan.

"Mag-iingat ka Cinth, ha?" baling niya sa kasama ko ngayong nakagapos.

"Stop worrying, alright?" sagot ni Cinth. "I'll be fine."

Naglakad na kami palabas ng kuta nila nang salubungin kami ng isang nightguard.

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now