Kabanata 33

8 2 0
                                    

Merielle Hyacinth Aksha

Kantha is pacing back and forth, biting her nails. "Naku, lagot tayo pag nalaman to ni pres."

"Then just don't tell him," I stated.

Napalingon siya sakin pero mukhang hindi pa rin siya napapanatag. Patuloy pa rin siya sa paglalakad.

Kaming nadalawa nalang ang natira dito sa cabin.

"Hey," I called. "There's something I've been meaning to ask."

Huminto siya. "Ano yun?"

A sly smile escaped my lips. "You're the only human in the council, aren't you?"

Nanigas siya mula sa kinatatayuan niya. She just looked at me, unable to answer.

Nabalot kami ng katahimikan.

Maya-maya, napakamot siya sa ulo. "Ano? Paki-translate nga sa tagalog," sabi niya. "Wala akong maintindihan, hehe." Nag-peace sign pa siya.

Napakurap-kurap ako. "What?"

"Council at human lang naintindihan ko!" ngawa niya.

"Oh." Napatango-tango ako. "Buti naman at natagalan mong maging secretary nang hindi marunong mag-english," sabi ko sabay tingin ng diretso sa mga mata niya.

Natahimik siya bago tumawa. She pointed her head. "Diskarte iyan."

Nakitawa na rin ako. Liar.

Maya-maya, dumating sina Zane at Karma na basang-basa.

Kakamustahin ko sana siya pero nilagpasan niya lang ako.

I understand. I expected this. In every move, there will always be sacrifices.

Besides, I'm doing this for them. They can hate me all they want.

Vesper Valdis

Napaubo ako habang gumagapang palayo sa ilog. Ang sakit ng ulo ko!

Pagod na pagod akong bumagsak sa damuhan.

Nagising nalang ako kanina na nakasabit sa gitna ng mga bato. Konting-konti nalang at inalon na ako sa matinding baha.

Nakaramdam ako bigla ng presensiya kaya dali-dali akong gumulong palayo pero nahuli niya ako.

I gritted my teeth. Rim.

Nakadagan siya sakin habang sinasakal ako.

Hindi ako nagpatalo at sinakal siya pabalik. I lost my sword in the river kaya mano-mano na kami ngayon. Inangat ko pa ang paa ko at sinipa siya.

Nagpagulong-gulong kami.

"You really want to be the Onyx, Rim?" inis kong tanong sa kanya.

Hindi siya sumagot kaya mas lalong kumulo ang dugo ko.

I'll never lose my crown.

Hinila ko ang kamay niya pinilipit sa likod. Bigla  siyang umikot at braso ka naman ngayon ang naipit.

Inuntog ko ang ulo ko sa noo niya saka daling lumayo sa kanya. Wala pa ring tigil ang pagbuhos ng ulan.

Narinig ko ring ang mumunting yabag ng paa na alam kong galing sa mga kasamahan namin.

They're watching for the final battle.

Sumugod siya kaya tumalon ako at aapakan na sana ang mukha niya ng mahuli niya ang paa ko't hinila pababa.

Hindi ako nagpapatalo at hinila din ang buhok niya kasama ko. Pareho kaming bumagsak sa lupa.

Napangiwi ako pagtama ng ulo ko. Ang sakit! Pakiramdam ko, may sugat ako dito.

The Curse of AshenvaleOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz