Kabanata 31

9 2 0
                                    

Zinnia Moore

Napahigpit ang hawak ko sa kutsilyo ng mapansing nag-iba ang pwesto ng mga gamit ko sa cabin. Mag-isa lang ako kaya imposibleng may makakagawa nito.

Pagod na pagod na nga ako sa klase at ito pa ang bubungad sakin?

Mapapatay ko talaga ang hayop na to.

Dahan-dahan akong pumasok.

Bigla akong nakaramdam ng presensiya sa likuran ko kaya't walang pagdadalawang-isip ko siyang sinunggaban.

Napasinghap nalang ako ng tumagos ako sa katawan niya't tumumbad sakin ang dulo ng lamesa. Huli na ng makailag dahil nauntog na ako.

"Aray!" hiyaw ko sa sobrang sakit.

Nakarinig naman ako ng nakakairitang tawa.

Dali-dali akong tumayo, sapong-sapo ang noo saka siya tinutukan ng kutsilyo.

Nanlaki ang mata ko. "Ikaw?!"

"Oo, ako," pamimilosopo niya.

Siya yung lalaking nakita ko sa loob ng laboratoryo ko!

Napasinghap ako sa sobrang inis. Ginulo-gulo ko na ang buhok ko. "Nababaliw na talaga ako!"

"Mukhang nakikita mo na ulit ako, sa wakas," sambit niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pwede ba, lubayan mo ko! "

Umiling siya. "Di ko kaya. Ikaw lang nakakakita sakin."

Inis akong tumayo saka siya sinaksak pero gaya ng dati, tumagos lang ang kamay ko.

"Hindi mo pa ba matanggap ang katotohanan?" pang-aasar niya. "Kahit kailan, hindi mo ako masasaktan."

Mukha naman niya ang pinagsasaksak ko pero tumatagos lang talaga ang kamay ko. Nakakainis!

Tinawanan  ako ng g*go.

Asar akong naupo sa sofa. "Magpaliwanag ka."

Tumabi naman siya sakin kaya umusog ako palayo. Feeling close!

"Grabe siya," reklamo niya.

"Daming satsat," balik ko. "Ano ka? San ka galing? Dyablo ka ba? Anong kailangan mo sakin?" sunod-sunod kong tanong.

"Teka, isa-isa lang," sabi niya. "Diyablo talaga? Ang sakit mo sa heart."

Inismiran ko lang siya. "Sagutin mo ako."

"Oo na," sagot niya. "Tayo na," hirit niya pa.

Taka akong napatingin sakanya. Pinagsasabi nito?

Tumaas-baba lang ang kilay niya habang nakangisi na parang timang.

Nang maintindihan ang sinabi niya ay inis ko siyang hinagisan ng kutsilyo.

"H-Hoy!" gulat na gulat niyang sabi pero tumagos lang naman ito sa katawan niya. "Tong babaeng to, babae ka ba tala—"

"Umayos ka!" singhal ko sa kanya. "Bubuhusan kita ng bawang, makikita mo."

Kumunot ang noo niya. "Bawang? Bakit bawang?"

Napasabunot na ako sa buhok sa matinding inis. Anong klaseng utak ba meron nito?!

"Hala, ba't ka nagagalit?" inosenteng tanong niya kaya mas lalo akong napikon.

Nanginginig na ang mga kamay ko. Letche. Hingang malalim, Zinnia. Hingang malalim.

Nang kalmado na ay saka ko siya hinarap. "Ganito nalang, ano muna ang pangalan mo?"

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now