Kabanata 29

6 2 0
                                    

Louve Karisma Warlock

"Oh my gosh, oh my gosh!" natatarantang sigaw ni Sili sabay takbo sa pinakasulok na bahagi ng kwarto.

May nightguard kasing dumating, bitbit-bitbit ang isang ahas.

At tanggap ko na ang katotohanang habang nandito ang ahas na to ay mawawalan ng silbi si Sili kaya kumilos na ako.

"Pakihawak nga ng bibig niyan," utos ko sa kanila na agad naman nilang sinunod.

Alam na nila kung anong magagawa ko dahil pareho kaming nagmula sa angkan ng mga demonyo.

May pinakain ako sa ahas na hanggang ngayon ay mabalasik na nagwawala.

Pagkatapos nun ay dali-dali kong itinapat sa bibig niya ang isang garapon. Di nagtagal ang umagos mula sa ngipin niya ang isang lilang likido. Venom.

"Pisilin niyo pa ang ulo niyan," utos ko.

Ginawa naman nila ito kasabay nun ang pagsirit ng mas amraming likido na tumutulo ngayon sa garapon.

Nang sapat na ang nakuha ay sinensyasan ko na silang pakawalan ang ahas sa gubat. Alangan namang dito.

Nakahinga naman ng maluwag si Sili saka lumapit at pinaglalaruan ang likido.

"Mag-ingat ka diyan," sambit ko. "Lason iyan."

"Yes ma'am," sagot niya saka ito binaba. "Ano pang gagawin ko?"

Kinuha ko ang mga halaman sa lamesa at nilapit sakanya. "Idikdik mo yan bago kunin ang duga," sagot ko. "Saka mo pakuluan kasama ang dugo ng daga."

Tumango-tango siya't sinunod ang sinabi ko. "Answer me honestly, Karma," biglang sabi niya. "This is witchcraft, right?"

Tumango ako. "Yes, it is."

-----

"Handa ka na ba?" tanong ko kay Sili.

Mahina naman siyang tumango.

"Sindihan mo na ang mga kandila," utos ko.

Isa-isa niya namang sinindihan ang mga yun.

Kasabay din dito ay hiniwa ko ang sariling palapulsuhan kung saan umagos ang masagana kong dugo. Napangiwi ako. Ang hapdi. Pinatulo ko ito sa noo ni Zinnia.

Pinahid ko pa ito sa mga kamay ko saka nilagay sa talukap ng mga mata niya.

Pagkatapos ay umusal ako ng dasal. Isang dasal na walang sino man ang makakaintindi. Dasal ng mga demonyo.

Nang matapos ay kinuha ko ginawa kong likido saka pinainom sakanya.

Ilang sandali palang ay bigla siyang nagmulat at nagsisisigaw. Nagwawala siya habang hawak-hawak ang lalamunan.

"Hawakan niyo siya," utos ko. "Wag niyong hayaang lumagpas siya sa mga kandila!"

Agad sinunod nina Vessie at Sii na siyang mga kasama ko dito ang utos.

Kumalabog bigla ang pinto. "Hoy, okay lang ba kayo?!" Si Rim. "Anong nangyayari diyan?!"

Dali-dali ko silang inilingan.

"Okay lang kami!" singhal ni Vessie. "Wag na wag mong subukang pumasok, may nagbibihis!"

Huminto ang kalabog. "Di nga?! Ano ba talagang nangyari diyan?!" singhal pabalik ni Rim na halatang naiinis na. "
"Just shut up, okay?!" balik ni Sili. "Okay kami sabi, ano bang di mo maintindihan— Oh my gosh!"

Biglang kumawala si Zinnia sa hawak niya kaya tumulong na ako.

"Anong—"

Biglang bumukas ang pinto kaya natarantang bumitaw si Vessie para pagtulakan ito palayo. "Rim, ano ba?!"

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now