Kabanata 26

9 2 0
                                    

Vesper Valdis

Bigla kong narinig ang alulong ng lobo. Napalingon-lingon ako sa paligid, naalerto.

Masama ang kutob ko.

Sumipol ako oara tawagin ang mgda kasama ko pero walang sumagot, walang dumating.

Kinutuban ako. Nagtatalon ako sanga sa sanga para hanapin sila at nagulantang nalang ako ng makita ko si Rim sa gitna ng gubat.

Nakatayo lang siya habang nakayuko. Nasisinagan ng buwan ang buhok niya.

Tumalon ako pababa. "Asan sila?" tanong ko sabay lapit sakanya.

Hindi siya sumagot.

"Nasaan ang mga kasamahan natin?" ulit ko, nagbabakasakaling di niya lang ako naintindihan kanina.

Ngunit hindi pa rin siya nagsalita.

Bumuntong-hinga ako. "Rim," tawag ko. "Crimson."

Nagulat nalang ako ng bigla niyang hinila ang kamay ko at itinapat sa dibdib niya.

"Anong—" Naumid ang dila ko ng tumagos ang kamay ko sa laman niya. Ramdam na ramdam ko ang nakakakilabot ng sensasyon ng magkahalong dugo at laman sa kamay ko.

Umagos rin ang masagang dugo mula sa dibdib niya. Dugo.

Crimson .

Bigla akong kinabahan iaalis na sana ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero di ko ito magawang tanggalin.

Mas lumalim pa ang kamay ko hanggang sa may mahawakan akong malapot na bagay na tumibok-tibok pa. Ang puso niya.

Nataranta na ako. "R-Rim..." Tila may sariling utak ang mga kamay ko't kusang gumalaw at hinila paalis ang puso niya.

Napasinghap ako sa nasaksihan. Hindi ko gusto ang nangyayari. What is happening?!

Gustong-gusto kong isauli ang puso niya pero tila namanhind ang kamay ko. Ayaw nitong sumunod sakin.

Napaangat nalang ang tingin ko kay Rim, naiiyak na.

Nagkatinginan kami.

"I-I'm sorry," nanginginig kong sabi. "H-hindi ko—"

Bigla nalang bumagsak ang ulo niya sa balikat ko kaya napasinghap ako sa magkahakong gulat at takot.

"R-Rim, Rim!" tawag ko sa kanya at napaupo na sa sobrang kabigatan ng katawan niya.

Halos mabaliw na ako sa nangyayari. D-Did I just kill him?

Hindi pa nasasagot ang mga katanungan ko ng biglang pumula ang paligid.

Pag-angat ko ng tingin, nagulat nalang ako ng makita ang pulang-pula na buwan. Kasing kulay ng dugo.

Blood moon.

Naramdaman kong gumalaw ang kamay ko kaya napatingin ako dito. Unti-unti nitong hinihigpitan ang hawak sa puso ni Rim, pinipiga.

Kumabog ng sobrang bilis ang puso ko. "W-Wag, wag!" Kahit anong pigil ko ay hindi sumusunod ang kamay ko.

Gaya ko ay bumibilis din ang tibok ng puso ni Rim na para bang nagwawala.

Narinig ko namang naghahabol ng hininga si Rim na parang nasasakal.

Mas lalo akong natakot. "T-Teka, wag!" Para na akong mabaliw kakausap sa sarili kong kamay. "Wag, wag!"

At tuluyan ng napiga ang puso.

Napatili ako sa labis na takot ng pumutok ito at magsitalsikan ang dugo kung saan. Nang lingunin ko na si Rim ay nakadilat na ang mga mata niya na nilalabasan ng mga ugat. Di na gumagalaw.

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now