Kabanata 12

9 3 0
                                    

Louve Karisma Warlock

Nakatulala lang ako sa kawalan.

Iniiwasan parin kami ng dalawa. Kailan ba matatapos ang pag-iinarte nila?

Umuwi na dito si Vessie pero masyado namang busy bilang captain.

O inaabala niya lang ang sarili niya.

Si Sili naman, nandun pa din kina Rim.

Speaking of Rim, mukhang magkakautang ako sa kanya. Tinulungan niya kasi akong gumawa ng gamot para kay prof Hernandez.

Ay bahala siya.

Napabuntong-hinga nalang ako. Sina Sil at Vessie, pag matanggap na nila lahat, naku, babatukan ko talaga sila. Ang tagal!

"Meow..."

Napalingon ako bigla kay Itim ng tumalon  mula sa pagkakandong sakin.

Bigla siyang lumusot mula sa siwang ng pinto.

Napatayo ako. Ayan nanaman ang pusang to. "Itim!"

Binuksan ko ito. Bumungad sakin ang walang hanggang kadiliman.

Minsan na akong sinabihan ni Vessie na huwag lumabas pag sumapit na ang dilim.

Pero si Itim yun eh, ang kawawa kong Itim. Pano nalang kung may mangyaring masama sa kanya?

Iniling-iling ko nalang yun at dali-daling sinundan si Itim.

Buti nalang at bilog na bilog ang buwan kaya naaaninag ko ang daan. "Itim!" tawag ko.

Narinig ko naman siyang nag-meow kaya sinundan ko ito.

"Hoy, Itim!" tawag ko ulit ng mapansin kong pumasok siya sa loob ng kagubatan.

Sinundan ko siya. Natagpuan ko nalang siya na may kasama nang pusa.

Nagtaka ako. White?

Hinimas-himas nila ang ulo ng isa't-isa na para bang masaya silang magkita ulit.

Si White nga.

Pero asan si Zane?

Bigla nalang akong nakarinig ng alulong ng lobo.

Napahiyaw silang dalawa saka napatago sa likod ko.

Kinarga ko sila.

Kinilabutan ako. Parang ang lapit-lapit lang nito.

Naglakad na ako pero natigilan din ng makarinig ng garalgal na boses ng halimaw sa likod ko.

Dahan-dahan akong napalingon.

Halos manlaki ang mata ko ng may maaninag akong isang lobo sa likod ko. Isang malaking lobo.

Pero hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong natulala.

Tinignan ako nito, na parang sinusuri.

Wala sa sarili kong inangat ang kamay ko.

Lumapit naman ito.

Hinimas ako ang ulo nito.

Napapikit ang lobo at mahinang napaungol.

May problema ba sakin?

Why did I suddenly like a wolf as big as me?

It suddenly hissed and took a step back. Bago ko pa namalayan, tumakbo na ito palayo.

Narinig ko namang nag-meow si White, na parang tinatawag ito pabalik.

Napailing nalang ako at babalik na sana ng may mapansin akong kakaiba.

The Curse of AshenvaleWhere stories live. Discover now