Chapter 1: The School

24.3K 611 22
                                    

Chapter 1

The School

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago muling tingnan ang may sa higanteng gate na napapalibutan ng iba't-ibang ilaw sa aking harapan.


Tuluyan nang bumukas ang malaking gate at muling umandar ang sinasakyan kong kotse. Kaba? Takot? Pangamba? Excitement? Lahat na ata ng pwedeng maramdaman ay naramdaman ko na.


"Relax sis, the people here will not gonna eat you" natatawang saad ni kuya habang diretso pa ring nakatingin sa daan.


Masisisi niyo ba ko kung ganito ang nararamdaman ko? First day of class ko na bukas at ngayon ako hinatid ni kuya dahil kailangan kong mamalagi sa dorm na meron daw sa loob ng mismong campus.


Malayo ang lugar kaya di na ako magtataka kung bakit minsanan lang umuwi si kuya sa bahay noong nag college sya.


Dalawa lang kaming magkapatid at anim na taon ang tanda niya sakin. He's 22 already at nagma-manage ng naiwang business nila dad at mom.


Nakakalungkot na kailangan ko pang iwan si kuya kung pwede naman akong mag-aral sa ibang school. Nag-aalala kasi ako sa kanya dahil mag-isa na lang sya sa bahay. Hindi pa naman sya marunong magluto. At isa pa, kamamatay lang ng magulang namin noong nakaraang taon. Kahit laging pinapakita sakin ni kuya na malakas sya ay alam kong nahihirapan din sya. Kaya nga eto ako, hindi ko pinapasakit ang ulo niya. Lagi ko syang sinusunod para kahit na sa maliit na paraan ay makatulong ako.


Pagkarating namin sa mismong loob ay itinigil na ni kuya ang kotse. Bumaba na ko at ganun din sya. Sya ang nagbuhat ng maletang pinaglalagyan ko ng gamit.


"Euhence Shaw?" napalingon si kuya at maging ako sa babaeng tumawag sa kanya. Maganda ang babae at hindi naman maipagkakaila yon. She has curves and... wow! Para syang anghel dahil sa maamo niyang mukha.


"Stacy?"


"Ikaw nga!" the girl hugged him and my brother hugged her back. Wow. Long lost friend lang? "How are you? Wala na akong balita sayo after our graduation. Where have you been?"


"I'm taking care of our business also my..." tiningnan ako ni kuya kaya maging yung tinawag niyang Stacy ay tumingin rin sakin.


"Wait! OMG! Is that..."


"Yeah. My sister" pakilala ni kuya. Is it just me o talagang nakita ko ang pagka disgust sa mukha niya?


"Oh hi there sister of Euhence. I'm Stacy. Stacy Merced. Your brother's ex classmate" ngumiti sya sakin habang ako naman ay napilitang ngumiti. Dahil nandito si kuya kailangan kunyari mabait ako. Ayoko nga syang bigyan ng sama ng loob.


"So... anong ginagawa mo dito?" balik na tingin ni Stacy kay kuya.


"I enrolled my sister here"


"Really? How sweet of you Euhence" sabay kurot pa sa braso nito. Yuck. Ang landi naman nito. Hindi sya papatulan ni kuya no.

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now