Chapter 13: Kuya Tyde

10.2K 296 8
                                    

Chapter 13

Kuya Tyde

Kahit pakiramdam ko lalagnatin ako, pinilit ko pa ring pumasok. Baka magtaka si Cleo kung bakit ako may sakit. Di ko na kayang sumagot pa ng tanong mula sa kanya.

Napapadaing ako everytime na kikirot yung sakit sa may bandang leeg ko. Kinapa-kapa ko yun, may parang nararamdaman na akong dalawang butas doon at pakiramdam ko namamaga pa yon.

Mabuti na lang at walang tao dito banda sa hallway. Napahawak ako sa pader na nasa gilid ko bilang suporta. Hindi ako pwedeng mawalan ng malay dito. Kailangan ko munang makarating sa clinic.

"U-ugh!" mahina kong daing ng kumirot na naman ito. Pakiramdam ko umiikot ang buong paligid ko sa sobrang sakit ng pakiramdam ko.

"Shit Venille!" nakita ko si Tanica na nasa kabilang dako ng hallway pero ng mapakurap ako sandali ay nasa harap ko na sya. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko ay kung ano ano na ang nakikita ko.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Tumango ako at ngumiti kahit na alam kong namumutla ako.

Napadaing akong muli ng kumirot ito. Ano bang nangyayari sakin?!

Kinuha ni Tanica ang kamay ko at tinanggal mula sa pagkakalapat sa may bandang leeg ko. Nakita ko pa kung pano manlaki ang mata niya ng makita ang kung ano sa leeg ko.

"Sinong may gawa nito sayo?" seryoso niyang tanong.

"H-hindi ko a-alam" halos lumuhod na ko sa nararamdaman kong sakit. Ano ba?! Bakit ayaw niya kong tulungan papunta sa clinic?!

"Dito ka lang babalik ako agad" muli ay naiwan ako sa hallway at hindi ko na alam kung tatagal pa ko ng isa pang minuto sa sobrang hina na ng katawan ko. Bakit kasi umalis pa sya kita ng kailangan ko mg makarating sa clinic para makapagpahinga.

Tuluyan na kong napaluhod. Napapikit na rin ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Venille..." naramdaman kong naiangat na ko mula sa pagkakaupo at kung sino man ang bumubuhat sakin. May naaalala ako mula sa pagkakahawak niya sakin.

"Malapit na tayo sa clinic wag ka munang matutulog" bakas sa boses niya ang pag-aalala. Nakaramdam ako ng safety mula sa braso niya. Sa dalawang tao ko lang nararamdaman ang ganitong klaseng feeling.

Everytime na nasa paligid ko sila, parang walang mangyayaring masama. Sila yung tinatawag kong knight in shining armor dahil lagi silang nandyan sakin.

Si Kuya Euhence... at Tyde.

[Tanica]

"Ano? Ayos lang ba sya?" tanong ko agad sa lalaking kakalabas lang mula sa clinic. Wala ng malay si Venille bago pa kami makarating dito.

"Oo" simpleng sagot niya.

"Ano bang pumasok sa utak mo at ginawa mo yun?!" naiinis kong sabi sa kanya. Nasan ba ang utak ng isang to?! Bakit hindi nag-iisip?!

"Hindi ako ang may gawa nun"

"A-ano?"

"I said, I am not the one who did that to her" seryoso niya kong tiningnan sa mata. Nanlalaking mata naman ang ibinalik ko sa kanya.

"I-imposible Clyde... marka yun" halos pabulong ko na lang ba sinabi. Kitang-kita ko kung ano ang itsura ng kagat sa leeg ni Venille at alam kong hindi lang iyon simpleng kagat. Marka yun na ang ibig sabihin, pagmamay-ari mo ang taong yun. Oras na mamarkahan na ng isang bampira ang isang tao, wala na itong kawala pa.

"Alam ko"

"P-pano ka na? I mean... she's your mate" kung iniisip niyong nag-aalala ako kay Clyde well think again. Si Venille lang talaga ang pinaka importante sakin ngayon dahil sa isang bagay na meron sya at kailangan ko iyon.

"Hindi ka ba nagagalit? Someone marked your mate!" nakakainis tong si Clyde. Namarkahan yung mate niya samantalang sya seryosong nakatingin lang sa pader.

"So?" walang kwenta niyang balik na tanong sakin.

"Anong so, so ka dyan?! Yang so mo na yan wala ng magagawa yan. It means wala ka ng karapatan pa sa kanya"

Tinitigan niya ko sa mata. Hindi ko mapigilang kabahan sa paraan ng pagtitig niya. Oo mataray at matapang ako pero may kahinaan pa rin naman ako. Isa pa, isang Arconado ang kaharap ko. Sa limang malalakas na clan. Pumapangalawa ang pamilya nila.

"She's mine to begin with Tanica at walang sino man ang makakaagaw sa kanya mula sakin"

[Venille]

"When I grow up pwede mo ba kong pakasalan?" I innocently asked him. He just stared at me directly in the eyes. Noon pa, alam ko na na gusto ko sya. Gustong-gusto.

"Why?" nakangiti niyang sabi. Kumunot ang noo ko.

"Because I like you" nakapout kong saad.

"And I like you too"

Nagising ako na puting kisame agad ang bumungad sakin. Nasan ba ko?

As I scan the area, napag-alaman kong nasa clinic ako ng school. Sino nagdala sakin dito? Habang inaalala ko ang mga nangyari ay bumukas ang pinto sa bandang gilid ko at iniluwa noon ang lalaking simula ng makita ko ay may iba na kong nararamdaman.

"Ayos ka na ba?" nag-aalala niyang tanong. Gusto ko tuloy taasan sya ng kilay. Makapag-alala parang close kami.

"Oo" simpleng sagot ko

"Hahatid na kita sa tinitirhan mo. Napaalam na kita sa mga prof mo" presinta niya. Doon na tuluyang tumaas ang kilay ko.

"Hindi na, kaya ko namang pumasok"

"No. Magpapahinga ka" seryoso niyang saad.

"I'm fine nga lang bakit ba ang kulit mo" naiinis kong sabi. Okay naman na kasi talaga ako e.Hindi ko na nga maramdaman yung sakit sa leeg ko.

"Venille..." napatigil ako at napalunok. Bigla akong may naalala sa paraan ng pagtawag niya sakin. Napaka pamilyar ng tono ng boses na yun pero hindi ko maalala kung saan at kung kailan ko huling narinig yun. Basta ang alam ko lang, may isang tao akong hindi maalala-wait! Yung panaginip ko.

Bigla kong naalala ang panaginip ko kani-kanina lang. Si Kuya Tyde yun, napaka blurr ng mukha niya sa isip ko pero ang boses niya...parang si Clyde.

Pinakatitigan ko ang lalaking tiim lang na nakatitig sakin. Hindi naman siguro pwedeng mangyari na sya at si Kuya Tyde-No! Erase. Erase. Ano ba naman tong iniisip ko? Sigurado ako na sa mga oras na to, matanda na si Kuya, mas matanda pa sya kay Kuya Euhence noon eh at malamang may asawa't anak na rin yun. Tama. Pamilyado na syang tao kaya imposible ang iniisip ko.

"Hahatid na kita" putol niya sa iniisip ko at wala na kong nagawa nung hawakan niya ang kamay ko at hatakin ako.

The Vampire Prince's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon