Chapter 15: Childhood Memories

9.5K 290 9
                                    

Chapter 15

Childhood Memories





Dalawang linggo na ang lumipas at sa loob ng dalawang linggo na yon ay mas lalo kaming naging close na lahat. Maliban na lang siguro sa Kendrie Brothers na minsan ko lang makita.

Kinalimutan ko na rin ang ginawang pangmomolestiya sakin ni Clyde dahil kinabukasan din ng araw na yon ay nilibre niya ko ng kahit na anong magustuhan ko at sinunod niya lahat ng pinagawa ko. In short, naging alipin ko sya ng isang araw and I tell you...worth it. Sana may gawin ulit syang ikakatampo ko para maging alipin ko sya ulit. Ang sarap kayang pagsilbihan ng gwapong nilalang. Kitang-kita ko ang inggit sa mga mata ng ibang babae at natutuwa ako dun. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko na adopt ko ang ganong ugali ni Tanica. Ayos lang naman sakin dahil sabi ni Tanica, mga magaganda lang ang pwedeng maging maarte kaya kapag hindi ka maganda wala kang karapatan. Yun ang sabi niya.


"Nakita mo ba si Kaido?" tanong ni Tanica sakin. Nagkibit balikat lang ako. Sila lagi magkasama tapos sakin itatanong.

"Kala ko ba si Helix ang gusto mo?" tanong ko dito.

"Siya nga" sagot niya.

"Bakit mo hinahanap si Kaido?"

"Masama ba?" mataray niyang saad. Sus if I know, may something fishy sa pagitan nilang dalawa.


"Hanapin ko muna" saad niya at umalis at iniwan niya ko sa room.


Mga lima lang kaming estudyante na naiwan dito dahil breaktime na. Hindi naman ako makalabas dahil ayokong makakita ng matatalim na mata. Simula kasi ng dikitan ako ni Clyde lagi na lang may tumitingin sakin ng masama at parang kakainin ako. Mabuti na lang at hanggang tingin lang sila, hindi pa naman ako nasasaktan physically. Hindi ko alam kung bakit sila nagagalit sakin like duh? Kay Clyde kaya sila magalit ano? Sya tong lapit ng lapit sakin.


Parang ngayon, nasa labas sya ng room at nakangiting nakatingin sakin habang may hawak na isang supot ng plastic na sa tingin ko ang lama'y pagkain. Aba may utak pala ang isang to at naisip na gutom ako. Magaling. Dagdag pogi points yun.


"Oh kumain ka muna" nilapag niya ang mga pagkaing pinamili niya sa armchair ko. Sa sobrang dami ng binili niya ay ginamit pa namin ang armchair ng katabi kong upuan para mapagkasya lahat.


"Thanks" saad ko at kinuha ang burger saka kinagatan iyon. Nakatitig lang naman sya sa bawat galaw ko kaya itinigil ko ang pagkain.

"Bakit ka nakatingin?" taas kilay kong tanong. Di niya iyon pinansin at nagtanong sakin.

"Can you tell me about your past?" seryoso niyang saad.

"Anong past?" takang tanong ko.


"Your childhood memories" napatigil ako. Bakit bigla na lang niya gustong malaman ang childhood memories ko? Hindi kaya nasa get-to-know-each-other na kami?

"Please..." nagpacute pa sya. Akala naman niya effective. Well, isa lang ang masasabi ko. Effective nga.

"Ok but in one condition" napangisi ako sa naisip ko. Para-paraan rin ako pero hayaan na. Sinimulan niya kaya dapat ako rin.

"What is it?"

"You will tell your story too" nakangiti kong saad. Natigilan naman sya bigla. Parang nag-iba ang kulay ng mata niya pero pagkurap ko balik sa dating kulay iyon. Namamalikmata ba ko?

"Sure" nakangiti niyang saad.

I started telling my childhood memories. Simula nung nagkaisip ako at si kuya Euhence na ang palaging nandyan para sakin. Pag nadadapa ako, sya yung gagamot. Kapag gutom ako, susubukan niyang magluto kahit hindi sya marunong. Kapag brownout, pupunta sya sa kwarto ko at tatabihan ako matulog dahil alam niyang takot ako sa dilim at kapag may nagtangkang makipagkaibigan sakin, susuriin niya muna.

Napapaluha ako habang inaalala ang mga memories naming dalawa. Nakakainis na naman! Kung makapag reminisce ako kala mo di ko na makikita pa ulit si kuya.

"Yung sayo naman" sabi ko. Sa susunod ko na lang ikukuwento ang iba, kung baga may part two pa to. Kung gusto niya ulit na magkwento ako.

Ngumiti sya sakin. Pero alam kong malungkot iyon. Ewan. Para kasing kabisado ko na si Clyde kahit wala pang isang buwan kaming magkakilala. It's like, I know him...more than he know himself. San ko ba narinig ang linyang yan?

"I was seven back then..." pagsisimula niya ng kwento. Tahimik akong nakinig sa kanya. Gusto ko syang MAS makilala. Ang gulo ko no? Kakasabi ko lang na kilala ko sya pero gusto ko pa syang makilala. Hayy. Ganito ata yata talaga kapag kaharap mo ang crush mo. Pati pag mo-monologue ko nadadamay na sa kaguluhan ng utak ko.


"I'm happy playing outside our house. Wala akong kapatid so I use to play with myself. Alone" bigla akong nakaramdam ng awa. Noong ganyang edad ako marami akong kalaro.


"I didn't notice the time kaya noong gumabi na umuwi na ko..." bigla syang napatulala. Marahil sinasariwa niya ang mga nangyari sa kanya noon.

Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin pero wala na. Hindi na niya tinuloy.

"I'll go get you water" hindi na niya hinintay pa ang sagot ko at agad na umalis. Nagtataka ko naman na sinundan sya ng tingin.

Halos kalahating oras na ang lumipas pero hindi pa rin sya bumabalik. Baka nakalimutan na niyang kukuhanan niya ko ng tubig.


Niligpit ko na ang kalat at inayos ang upuan. Breaktime pa rin ba? Wala pa kasing pumapasok na estudyante at kung meron man paisa-isa lang tas lalabas ulit.

"Hi" napalingon ako sa taong nagsalita.

"Hi" ngiting bati ko, ngumiti sya pabalik at umupo sa tabi ko.

Hindi ko alam ang pangalan niya pero sure akong kaklase ko sya. Lagi ko syang nakikitang nasa sulok lang at tahimik din sya. Para syang iwas sa tao. Wala rin namang pumapansin sa kanya sa room. Basta lagi lang syang nasa pwesto niya at nagbabasa.

"I'm Shana" pakilala niya.

"Venille" pakilala ko naman.

"I know" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"I mean...kilala kita kasi magkaklase tayo diba?" parang naaalarma niyang sabi. Napatango na lang ako. I will not buy that. Halatang nagsisinungaling sya.

"Anyway, nakita ko yung closeness niyo ni Clyde. Kayo na ba?" mapang-usig niyang tanong. Umiling-iling lang ako.

"Good kasi hindi mo magugustuhan si Farra kapag nagalit yun"

"What do you mean?" tanong ko. She just shrugged.

"Ingat ka Venille okay? Nasa paligid mo lang sila" pagkatapos sabihin ay umalis na sya. Naiwan na naman ako at ngayon... naguguluhan na.

Sinong sila?

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now