Chapter 11: Moves

11.2K 340 2
                                    

Chapter 11


Moves


[Venille]



"I already know you...more than you know yourself"



What the? Anong ibig sabihin niya dun? Kilala niya ako higit pa sa pagkilala ko sa sarili ko? Ang gulo.



Nang makita syang makalabas sa faculty room kung san nandun yung teacher para ipasa yung ginawa naming activity ay agad syang naglakad palapit sakin.



"Treat me" napanganga na lang ako sa sinabi niya.



"A-Ano?"



"I said treat me" cool niyang saad. Tinaasan ko sya ng kilay.



"At bakit naman kita ililibre aber?" mataray na kung mataray. Wala akong pakialam kung maturn off sya sakin. Crush ko lang naman sya at isa pa may girlfriend na sya. Girlfriend na maganda nga masungit naman tsk.



"Because I said so?" amuse niyang sabi.



"What if I dont want to?" inangat ko ang tingin ko sa kanya. Yung parang nanghahamon.



"You have no choice. Ako ang gumawa ng lahat"




"Hep hep! Anong lahat? Ako ang nagdrawing ng bubong for your info" I crossed my arms at him.



Hinawakan niya ang baba niya na animoy nag-iisip "Bubong pala yun? I thought it was just a triangle shape" napanganga ako sa sinabi niya. Did he just insulted my drawing? Did he?!



Dinuro ko sya.



"Para sabihin ko sayo lalake, yang sinasabi mong triangle shape na bubong ay pinaghirapan ko kaya wala kang karapatan laitin yun"



He smiled at me "I didnt insulted your what so called drawing"



"Yes you do. Nakikita ko sa mga mata mo" pinaningkitan niya ko.



"Really?"



"Really. If you dont know, I can read people's thought by their eyes" pagmamalaki ko. Bigla naman syang lumapit sakin at yumuko ng konti dahil masyado syang matangkad compare sa height ko.



"Then. Can you read what's on my mind?"



*

"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Tanica sakin pagkabalik ko sa classroom. Hindi na ko nakapag break time dahil masyadong na occupied ng thoughts ko si Clyde. Bwisit na lalake. Badtrip sya!



"Wala" pabagsak akong umupo sa upuan ko.



"Nagkita na kayo ng partner mo?' she asked.



"Yeah" bored kong sagot.



"Bat ganyan itsura mo? I thought mangingisay ka pagbalik mo dito" tiningnan ko sya at ang bruha nakangisi lang.



"Anong pinagsasasabi mo?"



"Crush mo sya hindi ba?" halos masamid ako sa sarili kong laway. Pano niya nalaman?!



"Sabi na nga ba" at bigla syang tumawa. What?! Hula niya lang yon?! "Masyado ka kasing halata" napasimangot ako. Kaya naman pala ako sinungitan ng girlfriend niya nung nakita ako, halata pala ko masyado.



"Anyway, nasan na si Cleo? Ilang araw ko na syang hindi nakikita" pag-iiba niya ng topic.



"Sabi niya sakin kailangan niyang umuwi sa kanila for some serious matter"


Nung nakaraang weekend pa sya nagpaalam sakin. Hindi niya naman sinabi kung kailan sya uuwi kaya wala akong ideya kung nandun na sya sa apart o wala.



"Lumabas sya ng campus?" tumango ako na bigla ring kumunot ng makitang tumayo ito.



"San ka pupunta?" tanong ko.



"May bibilhin lang babalik din ako agad"



"Gusto mo samahan kita?"


"No. Wag na. Baka dumating na rin yung prof unless ipagpipilitan mong sumama sakin. We can cut naman" she smirked at me na tinarayan ko lang.



"Bad influence ka talaga minsan. Sige na alis na shoo~" tumawa lang sya bago tuluyang umalis sa classroom. Magcu-cutting lang pala mandadamay pa. Hayy Tanica kailan ka kaya magbabagong buhay?



Ilang sandali pa ay dumating na yung prof namin kasunod si Clyde na nakangisi habang nakatingin sakin. Jeez. Asar ang lalaking to. Naalala ko na naman tuloy kung ano yung nakita ko sa mata niya. Totoo kaya yun o imagination ko lang?




[Tanica]



Maliban sa naguguluhan na naman ang utak ko ay sinadya ko talagang mag cutting. Kasawa talagang mag-aral. Bakit pa kasi nauso pa yan tss.



Lumabas ako ng building at dumiretso sa apartment ko. Nasabi ko na bang solo ko ang buong apartment na to? Dati, may kasama ako dito pero dahil hindi ko gusto ang aura niya ay pinalayas ko sya. Alam kong bawal yun at pwede akong masuspend pero wala akong pake. Wala namang makakaalam unless magsusumbong sya na alam kong hindi naman niya gagawin. Subukan niya lang at sinisigurado kong mawawala sya agad sa master list kung san section sya napunta.



"Woow. Bakit lagi tayong nagtatagpo?" tinitigan ko ang lalakeng nakatayo sa may bandang gilid ko. Pang-asar talaga ang isang to. Alam ko namang alam niya na nandito ako. If I know sinusundan niya lang ako.




"Problema mo Kendrie? Bakit ka nandito?" kung si Helix ang nasa isip niyo nagkakamali kayo. It's Brix. Ang pinaka nakakaasar na Kendrie. Para sakin.



"Lugar mo ba to? The last time I checked it's a public place" ginesture niya pa yung lugar. I rolled my eyes at him. Oo na. Public place na tong...garden.



"So bakit ka nga nandito? Dont tell me sinusundan mo ko?" I crossed my arms at him at tinaasan sya ng kilay.




"Hindi porket alam mong gusto kita ibig sabihin nun sinusundan na kita. Pwede namang may kikitain ako dito diba?" nagtaas baba pa sya ng kilay. Duh.



"Sino naman kikitain mo dito?" mataray kong tanong.



"Gusto ko sana syang ipakilala sayo kaya lang baka magselos ka" he shrugged his shoulder habang ako ay napangisi na lang bigla.



"Hindi rin makapal? For your info Kendrie, hindi kita ako magseselos sayo. Ever" dinutdot ko pa ang hintuturo ko sa noo niya para tumatak dyan sa isipan niyang pasaway na hindi ko sya gusto at na kay Helix lang ang buong atensyon ko. Sa ngayon.



"Awts. Harsh mo naman" humawak pa sya sa puso niya na akala mo nasaktan talaga "Pero ayos lang. In-love pa rin ako sayo" ngumiti sya. Yung matamis na ngiti na iilang tao lang ang nakakakita.



Tumingin ako sa ibang direksyon dahil nakaramdam ako ng pagkailang "Drama" I murmured.



"Oh" nakita ko syang nakatingin sa wristwatch niya "Alis na ko. Wag mo ko masyadong mamiss ha?" magsasalita pa sana ako ng maramdaman na wala na sya agad sa harap ko.



Napailing ako. Tigas talaga ng bungo ng isang yun, ayaw pa ring sumuko. Di ko alam na habang iniisip ko sya ay nakangiti na pala ako. Shit! Masama ata to ah.

--------------------------
z/n: PWEDE PANG MAGTANONG. After chapter 15 ko ipo-post kaya magtanong lang kayo :)

Anyway, baka NOVEMBER na ang next UD.

Salamat sa mga nagcomment last UD ^_^

-ZD

The Vampire Prince's ObsessionHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin