Chapter 28: The Start

6.7K 199 7
                                    

Chapter 28

The Start

[Third Person]

Tulala at gulat na reaksyon ang makikita sa mukha ni Venille. Kung anu-ano ang naiisip niya, gusto niyang tumakbo pero napako na ang paa niya sa kanyang kinatatayuan lalo na't hindi niya lubos akalain na ang taong kaharap niya ngayon ay hindi basta-basta isang simpleng nilalang.

"B-brix..." nauutal niyang sabi. Hindi sya makapaniwala na ang lalaking ito sa kanyang harapan ay isang...bampira.

"Atlast nalaman mo rin kung ano kami..." lumapit ito kay Venille, "hindi mo alam kung gano kahirap magtago ng pagkatao" nanlamig sya ng biglang pasadahan ni Brix ng kanyang hintuturo ang mukha ni Venille pababa sa leeg nito. Inalis niya ang iilang hibla ng buhok na nakaharang dito.

Hindi magawang umiwas ni Venille, basta nakatayo lang sya at naninigas. Pakiramdam niya na-trap sya sa isang kahon kaya hindi niya magawang gumalaw. Kahit na daliri lang niya sa paa ay hirap na hirap na sya.

Brix lean on her and sniffed the skin in her smooth neck.

"Hmmm" he said "...matagal ko ng gustong gawin to alam mo ba yun?" nagulat sya ng biglang lumabas ang tinatagong pangil ng lalaki. Nag-hyperventilate na ang puso nito.

Katapusan ko na. Katapusan ko na.

Napapikit sya ng maramdamang kakagatin na sya ni Brix...

"What the fuck?!" mabilis na dumilat si Venille at kitang-kita ang dumudugong nguso na ngayon ni Brix.

"Are you okay?" napatingin sya sa nagsalita and saw Tanica's concerned face.

Mabilis na hinawakan nito ang kamay ni Tanica.

"U-umalis na t-tayo dito...d-delikado si B-brix...b-bampira sya!" naiiyak na sabi ni Venille. She's on the state of panic kaya hindi niya mapigilan ang emosyong lumalabas ngayon sa kanya.

Pinakalma naman sya ni Tanica by hugging her tight.

"It's okay Venille. Kumalma ka muna" tiningnan ng masama ni Tanica ang nakasalubong na ngayo na kilay na si Brix.

"What?" maang-maangan na tanong nito.

"P-pero si Brix, Tanica..." natatakot na tawag ni Venille dito.

"Sshh. Just sleep" and with that. Parang magic word iyon sa pandinig ni Venille dahil mabilis na bumigat ang talukap ng mga mata nito at tuluyang nakatulog habang akap-akap ni Tanica.

"Ano pang hinihintay mo?" mataray na tugon ng babae. Nagkamot lamang ng ulo si Brix bago nilapitan ang pwesto nila at inilagay si Venille sa likod nito. Piggy back ride.

Agad na binatukan ni Tanica si Brix na inaayos ang tulog na si Venille sa balikat nito.

"Aww!" reklamo ng lalaki.

"Sige! Pag yang si Venille nalaglag humanda ka sakin" Tanica threatened.

"Tsk!"

Naglakad sila paalis ng sirang laboratory na iyon. Napansin pa ni Tanica ang babaeng walang malay sa gilid. Tiningnan niya na naman ng masama ang lalaki.

"Hindi ka talaga marunong mag-ingat no?" mataray na sabi nito.

"Tss. Gutom na ko okay? Malay ko bang pupunta pala to dun" sagot ni Brix.

"Bakit kailangan mong takutin aber?"

Brix just shrugged "Pambawi sa ginawa niya..." and then he smirked.

Nakalabas na sila ng laboratory at laking gulat nilang dalawa ng makita doon ang...

Kuya ni Venille.

"Euhence" pabulong na sabi ni Tanica.

"Yow bro. Sup?" tiningnan ni Euhence ng masama si Brix bago kinuha ang tulog na si Venille sa likod nito. Sandali niyang sinandal ang kapatid sa pader bago binalingan si Brix at mabilis itong sinuntok.

"Aww! Kingna bakit?!" reklamo na naman ni Brix habang hawak hawak ang panga nito.

"Ganti ko yan sa pananakot sa kapatid ko" matapang na sabi nito.

"Tsk! Wala bang gustong magpasalamat sakin dito?" asar na sabi nito.

Nilapitan na muli ni Euhence ang kapatid at sya na ang nagbuhat nito na katulad ng buhat kanina ni Brix. Naglakad na ito palayo ng bigla itong pigilan ni Tanica.

"Oy oy, san mo dadalhin si Venille?" tanong nito.

"Iuuwi" simpleng sagot ni Euhence.

"Tsk. Bawal mo syang ilabas dre, alam mo ang rules" napahigpit na lamang ng kapit si Euhence sa kapatid dahil sa sinabi ni Brix.

"Kung ganon, san ko sya pwedeng dalhin?" hinarap na nito ang dalawa.

"She can stay in my apartment" alok ni Tanica, "but better, let her stay at their apartment. Para malaman ni Cleo na alam na niya" mabilis na tumango si Euhence.

-*-

Dahan-dahan at sobrang maingat na maingat na nilapag ni Euhence ang kapatid sa malambot nitong kama. Natatakot na bigla itong magising.

Inayos niya ang ilang buhok na nakaharang dito saka pinagmasdan ang mukha ng kapatid. Matagal-tagal pa syang nagmuni bago ito kumutan at tuluyang lumabas ng nasabing silid.

Sa living room ng tinitirhang apartment nila Venille ay nakita niya ang iba. Kumpleto sila dahil ito na ang araw kung saan kailangang malaman ni Venille ang katotohanan. Katotohanan sa pagkatao nito.

"Okay na ba sya?" tanong ng concerned na si Cleo. Agad lang na tumango si Euhence bago umupo sa solo couch.

Nandun ang tatlong Kendrie. Si Cleo at Tanica, si Kaido at syempre, si Clyde.

"What will we do?" tanong ni Tanica. Walang sumagot sa kanya sa halip namuno ang katahimikan ng lugar.

"I thought malalaman niya by giving her the journal of...Mrs. Shaw" mahinang sabi nito.

Agad na napatingin si Euhence kay Tanica.

"Journal?" tanong nito.

"Yeah. May journal ang mom niyo diba? Naiwan yun sa dating library" paliwanag nito.

Nanlaki ang mata ni Euhence at Cleo.

"Pero imposible yun" Cleo said.

"Why?" kunot noo namang tanong ni Tanica.

"Matagal na naming sinunog ang journal ni Mrs. Shaw. 6 years ago pa" she said.

Nagtaka naman bigla si Tanica.

"Eh kanino yung journal na nakita-"

"Aaaaaahhhh!" sabay-sabay na napatingin ang lahat sa ikalawang palapag ng apartment.

"Venille!" sigaw ng kapatid nito at mabilis pa sa alas-kwatrong pumunta sa silid nito pero ang tangi na lang nitong nadatnan ay isang note at bukas na bintana.

Sabay na napatakbo si Clyde at Euhence sa bukas na bintana pero wala silang nakita kundi mga puno lang at walang bakas ng kung sino man.

"Guys tingnan niyo to" tawag pansin sa kanila ni Cleo na hawak hawak ang note.

'I told you I'm going to get her'

Yon ang nakasulat sa note.

"Sandali...nasan si Calix?" tanong ni Tanica. Katulad niya ay hinanap rin ng iba si Calix pero hindi nila iyon nakita...

"Fucking shit!" mura ni Euhence saka sinuntok ang pinakamalapit na pader.

"Where the heck is your fucking brother?" nagtitimpi sa galit na sabi ni Clyde habang kinuwelyuhan ang tahimik lang na si Helix.

"Dont ask me" seryosong sabi nito saka pabalibag na inalis ang kamay ni Clyde sa kwelyo nito.

"Ask her" binaling nito ang tingin sa labas ng bintana kung saan may tanaw na isang babae sa baba.

"Si Farra?" tanong ni Tanica.

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now