Chapter 34: She is

5.9K 175 6
                                    

Chapter 34

She Is


[Her POV]

Gusto kong matawa. Gusto ko syang sugurin at sigawan, wala na kong pake kung teacher ko sya basta ibalik niya lang ang sinabi niya at sabihin saking nagbibiro lang sya. Alam kong hindi ko naman kailangan na maniwala sa mga pinagsasabi niya. Seriously? Pano mo nasasabing patay na ang isang tao kung nakikita mo ito sa mismong harapan mo. Hindi bilang multo kundi bilang BUHAY na tao.

Pero iba pa rin, parang may iba sa nararamdaman ko. Parang sa pinakadulo ng utak ko, may isang isip don na nagsasabi na kung hindi ako si Venille...pwes sino ako? Bakit ako naging si Venille? Bakit alam ko ang mga alaala niya? Imposible naman na hindi talaga ako sya hindi ba? I mean- ano to? Magic? Powers? Supernatural? The fuck! Walang ganon!

But...vampires really do exist.

Ipinilig ko ang ulo ko. No. She's tricking you, hindi totoo ang pinagsasasabi niya.

Nakita ko syang umiling-iling habang nakangisi.

"I know it will be hard to accept the fact..." she said. "...let me tell you a story para maniwala ka"

Kumuha sya ng isang upuan sa isang corner na hindi ko alam na meron palang ganun dun. She sat there ng nakaharap sakin at nagkwento na parang isang nanay sa anak niya.

"Once upon a time, there was this vampire girl named Terese who really admired by all men in the city"

Is it just me o talagang kinuyom.niya ang kamao niya?

"She's a successor. A heiress of her clan. She has all. Beauty, brain, wealth, kindness..." napatigil sya saglit at kung kanina ay tinititigan niya ko na parang ang lambing-lambing niya, now tiningnan naman niya ko na parang konting galaw ko lang ay papatayin niya ko agad.

"She's greedy, she's pathetic, she's weak, she's ambitious, she's ugly, she's-"

"That's not my mom!" pigil ko sa mga negative na salitang lumalabas sa bibig niya. Mukhang sa pinapakitang ugali ngayon ni Ms.Kendrie sakin, parang alam ko nang may kung ano sa kanila ni mama kaya agalit na galit sya.

"Oh really? Hindi ganon kabait ang mom mo tulad ng iniisip mo"

"Wag na wag mo syang sisiraan sa harap ko" galit kong sabi sa kanya. Hindi porke't hindi pa ko masyadong makagalaw ay hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na sya kayang patulan. She dont know what can I do.

"Let me finish my story saka mo sabihin saking wag kong siraan ang mom mo sayo..."

[Tanica]

Nagising ako na halos wala ng lakas. Shit ka Cleo!

Damang-dama ko ang pagdaloy ng vervain sa katawan ko. Shit! I badly need blood right now!

Nakarinig ako ng mumunting kalabog na nagmumula sa taas. Iginala ko ang aking mata sa paligid at napagtantong nasa isa akong basement nang naturang bahay.

Bakit ba nila kinailangang gawin to?

Alam kong dahil sa epekto ng vervain ay hindi ko magamit ng maayos ang vampire abilities ko.

Sinubukan kong tumayo pero hindi talaga kaya ng katawan ko kaya gumapang ako pagilid at ng nasa edge na ko ng hinihigaan ko ay bigla itong tumagilid kaya bumagsak ako sa sahig.

"Oww shit!" hindi ko ininda ang sakit ng katawan ko at nagsimula na lamang gumapang. Kailangan kong isantabi ang pagiging maarte ko at humanap ng paraan para makaalis sa pwesto ko.

Patuloy lang ang kalabog sa itaas na bahagi ng bahay na to. Kung ano man ang nangyayari sa taas ay mukhang hindi ito maganda. Naghanap ako ng kung ano mang magagamit para makalabas. Tsk. Kung may pwede lang akong inuman ng dugo dito ay baka ginawa ko na. I just need blood para mabalik ang kahit na konti sa lakas ko. I can't drink my own dahil nahaluan na ito ng vervain at isa pa, babalik lang din ito sa katawan ko kaya parang wala ring nangyari.

Sa madilim na basement na to ay may napansing akong liwanag sa pinakadulo malapit sa tambakan ng mga kahon na natatakpan nito yon. Pagapang akong pumunta don at ng malapit na ko ay ginawa kong alalay ang kahon na nandon para makatayo pero bigla na lang itong bumagsak dahil sa bigat ko, kasama ng pagbagsak non ay natapon din ang ilang laman nito.

Nakakainis! Parang mas worst pa ko sa baldado tsk!

Hindi ko na sana papansinin yung mga bwisit na kalat na yon ng may mahagip ang mata ko. Isa iyong libro na katulad na katulad ng pinakita ko kay Venille noon sa library, ang pinagkaiba lang ay walang title ang librong iyon at kulay pula. Wala naman talagang kakaiba sa libro pero ang weird lang ng feeling ko.

I took it and red it, habang binabasa ko iyon ay unti-unting nasasagot ang lahat ng tanong ko.

[Helix]

Masama kong tinitigan ang lalaking naggapos sakin ngayon at pabalya akong pinaluhod sa harap nito.

"You're one of them" I accused him.

"I am" he agreed. Pinasadaha  ko ng tingin ang tinurukan ng vervain na si Clyde, meron pala silang dala katulad ng Cleo.

"Kailan ka pa nakaalala?" tanong niya. Ngumisi lang ako at tiningnan sya ng nakakaloko.

"9 years ago"

"Woow. Isang taon lang umepekto sayo" namamanghang sabi naman ng isa.

"Mahina kasi ang gamot niyo" lumebel sya sakin at tinapik tapik ang mukha ko.

"Matagal mo na palang alam hindi mo pa sinabi agad"

"I'm not dumb"

"Yeah right your not" tumayo na ito at sinipa ang walang malay na si Clyde.

"It's all his fault..." he seemed angry. Napailing ako, sino bang hindi magagalit kung namatay ng ganon na lang ang kapatid mo.

"He killed her, I told him to fuck off but he didnt! She's just seven that time. A fucking seven years old!" sa sobrang gigil niya ay hindi na niya napigilan pang sakalin ang walang malay na si Clyde. I sigh. Walang patutunguhan to.

"Who told you he did that?" napansin kong medyo lumuwang ang pagkakasakal niya kay Clyde pero pamaya-maya ay hinigpitan niya na naman.

"Why did you care?"

Tumingin ako sa isa pang lalaking tahimik lang at nanonood sa nangyayari saming tatlo.

"Cause he's lying, Euhence"

"What?" mabilis pa sa alas-kwatro syang nakalapit sakin at kinwelyuhan ako. Nakipaglaban ako ng titigan dito.

"Dont listen to him Euhence" biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang bunso kong kapatid buhat buhat si Farra at...what thw fuck?!

"What did you do Brix?!" gusto ko syang sugurin pero mahigpit ang pagkakatali sakin at isa pa, pinahiran nila ng vervain ang lubid.

"Dont worry Helix, I just made her sleep" kinuha ni Euhence si Farra at inilapag sa tabi ni Clyde, ganon din ang ginawa nila kay Cleo.

"A team huh? You made a group just to kill Venille?" I said to the three of them.

"She's not Venille!" sigaw ni Euhence. I made a disgusted look.

"But she's your sister"

"Venille is my one and only sister and she died 10 years ago"

"Then who is she?" hamon ko sa kanya. Totoong namatay si Venille noon at ang pumalit sa kanya bilang sya ay alam kong kilala ni Euhence. Imposibleng hindi dahil isa sya sa mga taong unang nakakilala sa batang babaeng yon na kamukha ni Venille.

"She's Tricia...Venille's twin sister"

The Vampire Prince's ObsessionWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu