Chapter 3: Section

15.7K 471 12
                                    

Chapter 3

Section

[Tanica]


(z/n: Tanica at the side)

Now. Now I get it. Kaya pala medyo sikat itong Venille na to. Now I know.

I'm Tanica Laine Crimson. A first year college student and a certified vampire. Yeah. I am a vampire.

Blood University is a college school for vampires only. Humans are not allowed dahil baka hindi na sila makalabas pa ng buhay. Like I said, para lang sa bampira ang school na to so bakit nandito si Venille when in fact. She's not even a vampire. How did I know? Simple lang. Kumakalat ang halimuyak ng dugo niya sa paligid pero syempre, ang katulad ko lang na isa sa mga nasa royal class ang nakakaamoy nun.

Advantage for being in a royal family.

Royal family consist of King and Queen. Prince and their special friends. May mga subordinates din sila na isinama na sa list ng royal fam. and kaming mga Crimson ay kasali dun.

My parents are the King and Queen's right hand kaya ganon. Even the Kendrie brother is one of the RF (Royal Fam) sila yung tinatawag na soldiers.

Akala niyo modern ang mundo ng BU? Nah. You got it all wrong. Hindi lang halata pero nasa isa kaming monarchy. BU is not just a school. It is also a castle at alam yun ng lahat maliban na lang sa kapatid ni Euhence.

Habang busy ang lahat sa pakikinig ng banda ng XB ay unti-unting lumitaw sa mga pulso namin ang isang bracelet. Hindi mo ito mahahalata dahil magaan lang naman ang bracelet pero oras na maisuot na ito sayo hindi mo na ito matatanggal until matapos ang school year.

Ang bracelet ang magsisilbing entrance key mo sa section mo. We have 12 sections at lahat yun ay mga zodiac sign.

Paano ko nalaman kung first year pa lang ako? Simple. My sister was once here at sya ang nagpaliwanag sakin ng lahat. Sya rin ang dahilan kung bakit kilala ko si Euhence Vergara Shaw.

I looked at my wrist and saw the bracelet there. Hmmm. Hindi na masama ang section na napunta sakin.

[Venille]

Siguro sobrang pre occupied ang utak ko dahil ang buong atensyon ko ay nasa isang lalaki lang. Ano ngang pangalan niya? Nabanggit na yun ni Cleo kanina eh hindi ko lang maalala.

Matapos ang kanta ay saka ko lang napansin na lahat kami ay may nakalagay na isang bracelet sa kanya-kanya naming wrist.

"Hayy. Ang gwapo talaga ni Calix" saad ni Cleo na nag-iimagine. Nagsialisan na ang ibang estudyante at nagsipasok na sa nag-iisang building na sa tingin ko dito matatagpuan yung mga rooms.

"Ow. May section na pala ako" tiningnan ni Cleo ang wrist niya "Cancer? Ikaw VC? Anong section mo?" she asked.

"Section?"

"Yung nakasulat sa bracelet"

Tiningnan ko ang bracelet at ang nakasulat doon ay... "Pisces?"

"Nice. Section ko yan dati. Masaya sa section na yan and a bit... dangerous" hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi niya.

"By the way, pasok na tayo" she lead the way papasok ng building.

Pagkapasok pa lang ay dama mo na ang hindi maipaliwanag na ambiance ng lugar. Parang delikadong hindi mo maintindihan. Basta. Iba talaga.

"Ang mga freshmen room ay matatagpuan sa fourth floor. Sophomore naman is third floor. Juniors are on second and Lastly, Seniors on first. The fifth floor is the faculties, clinic, cafeteria, gym and other stuff. Yung sixth and seventh floor is forbidden. Hindi ka pwedeng pumunta don unless you said so" paliwanag ni Cleo. Tumango na lang ako bilang response. Astig rin ng school na to nasa taas ang canteen. Ibang klase.

Nagpaalam na kami ni Cleo sa isa't-isa ng marinig na namin ang tunog ng bell. Kanina ko pa hinahanap si Tanica. Ano kayang section ng isang yun?

Pagkarating ko ng fourth floor ay agad hinanap ng mata ko ang section ko. Sa taas ng bawat room nakalagay ang pangalan ng section.

Pagkarating ko sa tapat ng section pisces ay napatigil ako sa nakasaradong pinto. Medyo blurr ang glass mula dito sa labas pero kitang-kita ko kung anong nangyayari sa loob. Alam kong kapag first day ng class merong ilangan at hiyaan pero itong nakikita ko iba eh.

Walang kahit na anong ingay kang maririnig sa loob. Nakakabinging katahimikan at parang may kung ano sa loob na nagpapatigil sayong pumasok. Huminga ako ng malalim. Normal lang siguro to sa isang kaka college pa lang.

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng may nagbukas na nito mula sa loob. Doon ko nakita ang isang lalaking nakatayo sa harap ko.

Base sa suot niya, estudyante din sya katulad ko. Itim na buhok. Singkit na mga mata at itim na itim. Mapupulang labi na kay sarap hali-- huh?

"Tabi" he said coldly. Wala kang makikitang kahit na anong reaksyon sa mukha niya kundi ang pagiging cold niya.

Wait a minute! Sya yung tinititigan ko kanina habang nagp-play ng drums. Ano ngang pangalan niya? Alam ko yun eh.

"Are you deaf miss?" ngayon nakakunot na ang noo niya. Hindi maitatanggi. This guy is sizzling hot! Oh wait! What did I just said?

"Tss" binangga niya ang balikat ko para makalabas na ng classroom.

Kung hindi lang ako na mesmerized sa taglay niyang kagwapuhan baka sinugod ko na sya at sinigawan dahil sa pagbangga niya sakin. Pero dahil nagwapuhan ako sa kanya at aminadong harang ako sa daan. Ipagsasawalang bahala ko na lang.


[Tanica]

Napagdesisyunan kong wag muna pumasok ngayong araw. Puro introduction lang naman ang gagawin, isa pa di ko na kailangan pang magpakilala dahil sikat na ko. Being a Crimson gives you popularity.

Napagdesisyunan kong pumunta ng garden para matulog ng makita ng mata ko ang naglalakad na isang XB.

Anong ginagawa ng isang Kendrie sa garden?

"Stop staring Crimson" masungit na saad nito saka umupo sa ilalim ng puno na hindi kalayuan sa pwesto ko.

"Ayaw mo ba ng tinititigan ka Kendrie?" malambing kong saad. Hindi niya ako pinansin at ipinikit ang mata. Matagal ko nang gusto tong Kendrie na to pero nasa iba ang atensyon niya. But hell I care? What Tanica wants, Tanica gets. And this Kendrie is not an exception.

I smiled evily in the thought.

"Dont try to play your games in me Crimson. I'm not interested" napatawa ako. He really know me.

"But I am interested in you Kendrie" pinamungay ko ang aking mata at kahit hindi niya ako nakikita alam kong dama niyang nagpapacute ako.

"Tsk" tumayo sya at umalis. Napahagikgik ako.

You cant get away from me Helixander Kendrie. Tanica Crimson is here and you will play my game. You want it or not.





The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now