Chapter 29: Tanica

6.8K 190 10
                                    

Chapter 29

Tanica




Nagising ako. Nagising sa isang lugar na hindi ko maintindihan. Lugar kung saan hindi ko alam kung saan.

Nagising ako...sa mundo ng kawalan.

Napakadilim. Sobrang dilim na hindi mo alam kung saan ang kaliwa't-kanan.

Kahit anong lakad ko, parang hindi naman ako umaalis sa pwesto ko.

Alam mo yung pakiramdaman na, desperada ka ng mahanap ang kasagutan pero hindi mo pa rin makita?

Yun ang nararamdaman ko ngayon.

[Tanica]

Hindi ko matandaan kung pano ako napunta dito. Dito sa tinitirhan naming bahay kung hindi lang ako nagdo-dorm.

Napaupo ako sa hinihigaan kong kama. Sa pagkakaalam ko, nasa apartment lang ako ni Cleo kanina, anong ginagawa ko dito?

I looked at the window. Sa palagay ko hapon na. Mga nasa alas tres o alas kwatro siguro.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinagmasdan ang paligid. Ito nga ang kwarto ko walang duda, isang patunay na ebidensya ang isang human size na panda teddy bear na hindi ko alam kung saan galing. Basta ang alam ko lang hindi sya pwedeng mawala sakin nong bata ako. May something kasi sa panda bear na yun na hindi ko maalala.

Nagulat ako ng marinig na biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Napalingon ako don pero wala naman akong nakitang tao. Nagsimula na kong magmartsa pababa, nasa hagdan pa lang ako ay may naririnig na akong ingay.

Nandito kaya sila Ina?

Patakbo akong bumaba pero ang naabutan ko lang ay isang bukas na tv na walang nanonood. Nakabukas din ang pinto palabas ng bahay.

Nakarinig ako ng parang tunog ng blender mula sa kusina ng bahay. Agad akong pumunta don at nakita ang isang umaandar na blender pero walang nagbabantay.

Nasan ba ang mga tao sa bahay na to?

"Hihihihi..."

What the fuck! Ano yon?

"Dali dito tayo..."

Lingon ako ng lingon, mapa kaliwa, kanan, likod o harap pero wala akong makitang nilalang.

"Sinong nandyan?" I said. Pero walang sumagot.

"Dito hihihi..."

Mabilis akong tumingin sa likod ko ng maramdamang may biglang tumakbo dun pero pagtingin ko wala naman.

"Sinong nandyan sabi" naiinis kong sabi. Hindi ako takot sa multo. Duh. Bampira ako. Mas matakot sila sakin no.

"Ate...Ate..." may biglang humila sa manggas ng suot kong damit.

"Tara dito tayo hihihi" nanlalaking matang tiningnan ko ang bata.

You've got to be kidding me!

"Bilis hihihi..." kusang gumalaw ang paa ko at nagpahila sa batang babae.

Hindi ko maipaliwanag ang mga nangyayari. Nagugulhan ang isip ko. Sino ba namang hindi? Sa sitwasyon kong to hindi ko na alam ang pinagkaiba kung nasa realidad pa ba ako o baka naman isa lang tong masamang panaginip.

Dahil sa kung anu-anong pumasok sa isip ko habang naglalakad kami ay hindi ko na alam kung san kami napadpad. Basta, pagkatigil niya sa paglalakad ay napatigil na rin ako. Doon ko lang na-realized kung saang lugar niya ko dinala.

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now