Chapter 14: Molested

10.7K 320 17
                                    

Chapter 14

Molested

Nababanas ako sa lalaking to. Presi-presinta pang nalalaman! Pinagtitinginan tuloy kami ng ilang estudyante like what the f? Pano kapag nalaman to ng girlfriend niyang europea? Naku sinasabi ko talaga pag ako nagkaroon ng issue sasapakin ko to!

"Why are you looking at me like that?" kunot noo niyang tanong. Tahimik naming binabagtas ang daan pauwi sa tinitirhan ko. Pantay pa kaming dalawa.

"Wag mo kong ma english english dyan naku sinasabi ko sayo" inis kong saad. Sana walang chismosa sa paligid at lagyan ng malisya tong paglalakad naming dalawa.

Kahit sandali ko pa lang nakilala si Clyde at may iilang traits na niya ang nakikita ko, katulad na lang na kapag maraming tao akala mo kung sinong suplado pero kapag kaharap na niya ang ilang tao na kilala niya ay lumalabas na ang pagkamadaldal at playful nito. Wait. Kung lumalabas ang true nature niya sakin ibig sabihin ba non ay komportable sya sa presensya ko?

"Why?" tanong niya nung tumigil ako. Tinitigan ko sya, ngayon ko na lang ulit natitigan yung mukha niya bago yung banggaan namin noon sa hallway. Ganun pa rin naman ang sasabihin ko kung idedepina ko na naman ang mukha niya.

"Gwapong-gwapo ka ba sakin?" ngisi niyang saad. Napangiwi ako. Mahangin. Turn off.

"Wag assuming. Mahirap umasa. Masakit" I said. Bigla naman syang tumawa sa sinabi ko. Anong nakakatawa dun? Totoo naman diba? Masakit umasa, yung akala mo meron wala pala. Sakit nun sa heart.

"I didnt know you have love problems" he chuckled again. Shit na tawa yan! Nang-aakit ba sya? Tapos yung adam's apple oh my!

Tumalikod na ko. Lumalala ata ang pagka crush ko sa taong to. Masama to.

"Hey! Wait!"

[Cleonaira]

Tahimik kong sinusundan ang Calix baby ko. Kakauwi ko lang at sya agad ang naisip ko. Baka nambabae na sya habang wala ako. Ang dami ko pa namang karibal sa kanya, thankful na rin ako kay Calix baby dahil napaka loyal niya sakin. Wala syang babae kahit isa. Ako lang talaga.

Kausap niya si Helix. May pinag-uusapan silang dalawa at nakita ko na lang ang pagtango ni Calix ko. Sumakay sya sa isang itim na audi R8 at mabilis iyong pinaandar. Tumakbo ako palapit kay Helix.

"San pupunta si Calix baby?" tanong ko. Bored lang niya akong tinitigan saka kibit balikat akong nilampasan.

"Helix!" sigaw ko. Hinabol ko sya at sinabayan sa paglalakad kahit na ang lalaki ng hakbang niya "Hoy! San kasi pupunta?" pangungulit ko.

Di niya ulit ako pinansin at tuluy-tuloy lang ang lakad.

"Sasabihin mo lang naman yung lugar! One word lang yon!" di ko sya titigilan hangga't hindi niya sinasabi sakin kung san pupunta ang baby ko!

"Ano ba Helix! Sabihin mo na!" halos maputol na ang ugat sa leeg ko sa lakas ng sigaw na yon. Tumigil sya sa paglalakad kaya napatigil na rin ako. Ayan na! Sasabihin na niya!

Bumuka ng konti ang bibig niya..

Ayan na! Ayan na!

Pero sinara niya ulit yun agad at nagsimula na namang maglakad. Aaaaah! Bwisit! Bwisit! Sasabihin na niya eh bakit pinigilan niya?!

"Napakatamad mong magsalita Helix! Bwisit ka! Mapanis sana yang laway mo para wala ng gustong humalik sayo!" I shouted. Sobrang nakaka beastmode ang lalaking to nai-stress ako!

Makailang segundo lang ay nagulat ako ng nasa harap ko na sya.

"What did you say?" napanganga ako ng bigla syang magsalita. Four words yun! Big achievement!

"Sabihin mo na kasi kung san pupunta si Calix" pagmamakaawa ko. Nagpa cute pa ko sa kanya. Effective kaya tong ginagawa ko? Kay Brix kasi effective eh.

"I said what did you say?" seryoso niyang saad. Ang alin ba dun ang sinasabi niya? Ang dami ko kayang sinabi?

"Puro ka what did you say what did you say! Eh kung sabihin mo-" di ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla kong maramdaman ang labi niya...sa labi ko.

"Ang daldal mo" he smirked bago umalis sa harap ko. Natigilan naman ako at napatulala. Napahawak ako sa labi ko.

Yung...

Yung... first kiss ko na nakalaan lang para kay Calix...

"HELIXANDER KENDRIE!"

[Venille]

Halos takpan ko na ang tenga ko ng makarinig ng malakas na sigaw. Ouch. Ang sakit sa tenga.

Narinig kong tumawa si Clyde habang umiiling.

"He already did it"

Ha? Did what? Pinagsasabi ng lalaking to?

Magtatanong sana ako kung ano ang pinagsasasabi niya ng makita ko si Cleo na halos uuhugin na sa pag-iyak. Nag-aalala ko syang pinuntahan. Ang hyper hyper niya pa kanina, ang alam ko nga hindi sya pumasok sa kahit na anong subject niya dahil gusto niyang makita yung pinakamamahal niyang Kendrie.

"Hey Cleo! Bakit ka umiiyak?" nag-aalala kong tanong. Nang makita niya ko ay agad na nagsitulong parang gripo ang luha niya.

"VC! Waaaaaah!" tumakbo sya sakin at yumakap.

"Anong problema?" nag-aalala kong tanong habang yakap sya. Singhot naman sya ng singhot.

"VC. Huhu...I-I feel so molested. Waaaah!" humagulgol na naman sya.

"Pfft" tiningnan ko ng masama ang nagpipigil na tawa na si Clyde. Kita nang umiiyak yung tao pagtatawanan niya pa! Walang puso!

"What?" inosente niyang tanong sakin. Tumigil naman sa pag-iyak si Cleo at hinarap si Clyde. Sinamaan niya ito ng tingin.

"Arconado" nakanguso niyang saad.

"Nice to see you again too Cleo" ngisi namang sabi ni Clyde.

"Can this day get any worst?!" sigaw niya at padabog kaming iniwan habang tatawa-tawa lang si Clyde.

"Wag mo nga syang pagtawanan" inis kong saad sa kanya nang mawala na sa paningin ko si Cleo. Tumigil naman sya pero nandon pa rin ang ngisi sa labi niya. Naku! Hihilain ko yang labi na yan sinasabi ko na.

"Why are you so mad at me Venille? Wala naman akong ginagawa sayo. Sa ngayon" tinaasan ko sya ng kilay. Kala niya hindi ko narinig yung huling sinabi niya? Pwes! Hindi ko talaga narinig. Ano ba yung sinabi niya sa huli? Ang hina kasi ng boses uso naman volume.

"Anong sabi mo?"

"Wala" nauna na syang naglakad at iniwan ako.

Nang malapit na kami sa apartment ay hinarap ko sya.

"Sige na kaya ko na. Alis na shoo~" pagtataboy ko sa kanya.

Ngumisi lang sya bago yumuko para magpantay ang mukha namin.

"See you around" nagulat ako ng maramdaman ang labi niya...sa tungki ng ilong ko. Shit!

"Bye"

Nakatulala akong pumasok sa apartment at naabutan doon si Cleo na halos ngatngatin na ang unan dahil sa sobrang frustation.

"VC! Yung first kiss ko! Huhu..." mangiyak ngiyak niyang sabi di ko na rin napigilan ang sarili kong maiyak. OA na kung OA pero waaah!

"Namolestiya rin ako Cleo huhuhu" sumbong ko sa kanya. Natigil sya sa pag-iyak.

"Hinalikan ka ni Clyde?" tanong niya. Tumango ako. Iisipin ko na lang kunyari sa lips para ma appreciate ko yung luha ko. Waaah! Nakakainis. Bakit sa ilong pa? Konting baba na lang lips na eh! Yun na yun eh!

"Tara na. Bigti na tayo waaaah!" natatawa akong naiiyak. Ganito pala kapag may nagnakaw ng halik sayo. Nababaliw ka.

Pero nakakapanghinayang pa rin. Sana sa lips na lang. Tara iyak huhuhuhu.

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now