Chapter 41: Captured

5K 136 2
                                    

z/n: Dahil bitter pala ako sa weekends ngayon na lang ako mag-a-update haha.

4 chapters to go ^_^

---------------------------

Chapter 41

Captured



[Selena]

Kanina pa ko paikot-ikot dito sa loob ng BU. Alam kong nandito lang sya, nasa paligid lang at tinutulungan ng knight in shining armor niya tsk! Why do they have to protect her if she'll die anyway? Kahit hindi naman namin gawin to mamamatay pa rin naman sya dahil isa syang tao. Isa syang mortal at ang lahat ng mortal ay namamatay. Pinapanganak. Tumatanda. Namamatay. Yan lang naman ang cycle ng buhay ng isang tao.



Pano nga ba ko napasok sa sitwasyong to?

-*-

"Selena..." tawag sakin ni ate. She's Stacy Merced at nag-aaral sa BU. Hindi naman namin kailangang mag-aral e, hindi tungkol sa edukasyon ang kailangan naming pag-aralan kundi tungkol sa kung pano gumawa ng spells, potions and such. Kami na lang ni ate ang natitirang witch ng Torino Clan kaya dapat malakas kami.



"Mag-aral ka sa BU" she said na ipinagtaka ko lang.


"Why?"



"The Lady Shaw is already there at kailangan niya ng tulong natin-tulong mo" hindi ko maintindihan si ate kung bakit kailangan niya pa kong pag-aralin sa BU at kung bakit sinabi niya na nandun ang babaeng Shaw. Seriously? Anong pakialam ko dun?

*

"Gagawan mo ko ng Obliviate Pill" saad ni Kaido ng minsang makipagkita sya sakin sa isang tagong lugar dito sa loob ng BU.



"At bakit naman kita susundin?" taas kilay kong tanong na ikinangisi lamang niya. Pag ngumingisi sya naaasar ako. Parang gusto ko syang ingudngod sa lupa.


"Because your sister's life is in my hands and if you didnt do what I've told you, I will not hesitate to kill her. In front of you" mas lalong lumawak ang ngisi niya ng makita ang mabilis na pagbabago ng emosyon ko. Fuck him! Alam niya kung ano ang kahinaan ng mga tao sa paligid niya.



Bilang isang alipin, ginawa ko ang gusto niya. Gumawa ako ng labing isang pirasong OP (Obliviate Pill) at ibinigay kina Tanica, Farra, Cleo, Kendrie Bro's, Tricia, Euhence, Terese and Jacob Shaw at maging kay Lalaine o Miss Kendrie. Lahat sila nakalimot na may kakambal si Venille at lahat sila ay nakalimutan na patay na ang totoong Venille at isang impostor na lamang ang nasa kanilang harapan. Hindi naman namin problema si Clyde ng mga oras na yun dahil wala syang kaalam-alam. Hindi niya alam na patay na ang pinakamamahal niya at iba na ang kaharap niya. I pity him. He look so stupid approaching her.


Pero nagbago ang lahat ng biglang maging iba si Calix. He always approach Venille-Tricia and I dont know why. Imposibleng mawala ang effect ng OP sa sistema niya ng ganung kabilis, hanggang sa sunud-sunod na ang nangyari. Hindi na namin napigilan at kailangan na naming gumawa ng action and now this.



Isa na lang ang kulang at sa oras na madala ko sya sa kanya ay aalis ako agad upang hanapin si ate.



Nakarinig ako ng munting kaluskos sa aking gilid kaya agad akong napatingin dito. Hindi nga ako bampira pero alam ko sa sarili ko na malakas ako. I am strong in my own way.



Lumapit ako sa pinanggalingan ng tunog at kung sinuswerte ka nga naman.



"Hi to you too Tricia Shaw"



"S-Selena?"






[Tanica]

"Malapit nang takpan ng araw ang buwan. Ayusin na sila" rinig kong utos ni Kaido. Walang anu-ano namang sinunod sya agad nina Euhence at Brix. Kinalas nila ang pagkakatali samin pero bago yun ay may tinurok muna sila para hindi kami makalaban at tuluyang manghina.



Fuck this idiots! Another vervain ugh! Ikamamatay ko to kapag nasobrahan ang sistema ko!



Pinunta nila kami sa isang parte ng kweba kung saan mas madilim pa kung saan kami unang naroon pero ang mas nakakaagaw ng pansin maliban
sa kadiliman ng lugar ay ang sa isang sulok, may unti-unting nagliliwanag. Malabo sya sa simula pero nang makapag-adjust na ang mata ko sa dilim ay saka ko lamang nakita kung ano iyon.



It's...a coffin.



"S-sinong na-nasa loob niyan?" gulat na tanong ni Cleo. I have a hunch pero ayokong sabihin. Ayokong ikumpirma. Pano kung sya nga? So all this time nandito lang sya at hindi pa nalilibing? Sinong baliw ang nag-isip ng ganitong bagay sa kanya?



Dahan-dahan kaming pinalapit sa tapat ng kabaong na yun at pilit na pinaluhod sa harap. Bilang nasa malalim na pagkakatulog si Farra ay kami lamang ni Cleo ang nakaluhod samantalang ang mga lalaki ay nasa gilid namin at pinapanood ang susunod na mangyayari.



"Anong...binabalak m-mo?" tanong ko kay Kaido na nakangiting nakatingin sa kabaong na nasa harap namin. He look at us and said that word again. 'Sacrifice'.



"B-bakit m-mo pa ba s-sya bubuhayin?! P-patay na sya!" sigaw ni Cleo na sa isang iglap ay mabilis na napasudsod sa lupa ng marahas syang sampalin ni Kaido.


"Cleo! Fuck! I'm going to kill you!" rinig kong sigaw ni Helix na hindi naman pinansin ni Kaido.


"She's not supposed to be dead. Dapat buhay pa sya at magkasama kami" he said in gritted teeth.



"So who's to blame?" talagang inipon ko ang lakas ko para sabihin ng diretso sa kanya ang tanong kong yon.


He shrugged then look at me "Tricia"



Napailing ako. Siraulo.



Pinagbibintangan niya ang isang taong wala namang nagawa kundi ang maging biktima ng kagaguhang ginawa niya. Mas lalo tuloy akong nanggigil dahil sa katangahan niya.



"Alam mong wala...syang kasalanan" sabi ko ng may masamang tingin. He went through me then lift my chin to look at him.



"Yes she has at kasalanan niya tong lahat" padabog kong inialis ang pagkakahawak niya sa baba ko. Disgusting!



"Pinapaniwala mo lang...ang sarili mo" tinignan niya ko na parang alam niyang alam ko na ang nangyayari.



"You think you knew something? You think you knew everything?" tumawa sya ng pagak at bahagya pang tinakpan ang mukha at tumingala. Nakakatakot ang tawa niya at nakakapanindig ng balahibo.



Nang tumigil sya sa pagtawa ay agad syang tumingin sakin na may malalaking mata and seriously, it gave me goosebumps.



"You know nothing"



"Ehem! May I call your attention please?" sabay-sabay kaming napalingon sa babaeng bagong dating at ikinabigla namin kung sino ang hawak niya.



"Look what I found?" pabalya niya itong itinulak sa sahig.



"Tricia?" gulat kong sambit.

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now