Chapter 19: Book

8.5K 278 10
                                    

Chapter 19

Book





Matapos magpakilala ng bago naming monitoring teacher kuno ay maaga niya kaming dinismiss. Wala rin namang ibang prof na papasok kaya napagpasyahan kong umuwi na lang ng maaga.





Tahimik lang akong naglalakad ng bigla akong sabayan ni Tanica.






"Uwi ka na?" tanong niya.





"Yeah" bagot kong sagot.






"Wag muna" tumigil sya sa paglalakad kaya maging ako ay napatigil na rin.






"Bakit?"






"Tara may pupuntahan tayo" hindi na ako nakaalma pa ng bigla na lang niya kong hilain.






Dinala niya ko sa parang library ng school. Sa pagkakaalam ko hindi to yung library, yung main, siguro mini library ito, pero bakit parang mas malaki naman ata to? Anyway, bakit nga ba kami nandito?






"Anong gagawin natin dito?" tanong ko kay Tanica. Nagsimula na syang maglakad palayo sakin. Ako naman ay sinundan lang sya habang pinagmamasdan ang lugar.






Ito yung masasabi kong lumang modelo ng library, sobrang dami ng libro, meron ding nakakalat sa sahig. May mga supot na nga ng gagamba ang ilang shelves eh. Ngayon ko lang to nakita, hindi ko akalain na may ganitong lugar pala sa BU. Akala ko puro magagandang structure lang ang meron sa campus na to.







Pero sa tingin ko, maganda tong lugar kung lilinisin lang. Mas maganda pa nga ata to dun sa main library na lagi kong nilalagpasan kapag naglalalad ako sa hallway.







"Hey, baka mapagalitan tayo dito. Labas na kaya tayo?" sabi ko sa kanya ng mapansing medyo lumalayo na kami sa pinasukan naming pinto. Pakiramdam ko, kasing laki ng library na to ang sampung classroom.








"Relax ka lang Venille, may hahanapin lang ako" she said at patuloy na kinakalkal ang bawat shelve na madaanan.





"Gotcha!"





May kinuha syang isang libro na kulay itim ang cover. Hinipan niya pa ito dahil sobrang maalikabok na.







"Oh!" inabot niya sakin ang itim na libro na ipinagtaka ko naman.







"Anong gagawin ko dyan?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang libro. Hindi ko masyadong makita ang title nito dahil hindi naman masyadong pinagpala sa liwanag ang lugar na to.







"Kakainin. Malamang babasahin,
hayy naku Ven, hindi ko alam kung bakit kita kinaibigan. Simpleng bagay lang kailangan pang itanong" nakataray niyang sabi.







"Loka. Syempre alam ko yun pero bakit nga? Bakit ko babasahin yan? Wala naman tayong assignment ah?" sabi ko pero kinuha ko na ang libro mula sa kamay niya. Nakakaawa kasi mukhang nangangawit na.







"Trust me. Maraming pakinabang yang librong yan. Basahin mo yan ok? Tara. Labas na tayo" nauna na naman syang maglakad sakin habang ako ay naiwan na naman. Pinagmasdan ko ang front cover ng libro.





'Darkness will bound the world'

Astig ng title. Lakas maka horror. Ano kayang kwento nito? Wala bang prologue to o kaya sypnosis para may ideya naman ako?






The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now