Chapter 33: She's Not You

5.9K 169 7
                                    

Chapter 33

She's Not You

[Third Person POV]

Sabay-sabay na nagkatinginan ang tatlo nang bigkasin nila ng sabay kung sino ang makakasagot sa pinakamatinding palaisipan sa utak nila. Pakiramdam nila, oras na masagot nila ang munting tanong na yon ay masasagot na rin ang iba pang tanong.

"Babalik ba tayo?" basag ni Farra sa katahimikan.

"We have to" firm na sagot ni Brix dito.

"Pero delikado-"

"Mas delikado kung hindi natin sila babalikan..." putol ni Brix sa sasabihin ni Cleo "...hindi lang si Tanica ang dapat na balikan. Euhence and Helix is in danger too"

"Nasan ba kasi si Calix?!" Farra burst out "...he should be here!"

Wala nang nagsalita pa ulit sa kanila at pinakiramdaman na ang isa't-isa.

"Magpapaiwan ako" Cleo volunteered.

"What?" Farra asked.

"You two will go back sa apartment and save Tanica and the rest, I'll find Venille. Alam kong nasa paligid lang sya" sabi ni Cleo sa kanila. Agad na sumang-ayon si Farra pero hindi si Brix.

"What? No! We cant leave you here alone!"

"I can handle myself Brix. Dont be so protective" depensa naman ni Cleo sa sarili.

"No and that's final" maawtoridad nitong sabi.

"Ang OA mo" si Farra naman ang nagsalita.

"Did you forget? Mas malakas pa si Cleo ng konti sayo. Noon nga I remembered natatalo ka niya palagi sa karerahan"

"That's years ago, I am stronger now and believe me Cleo, you dont want to find Venille. Alone"

Sandaling nag-isip si Cleo, di niya mawari kung bakit napaka-weird ng kilos ni Brix. Isnt it like na may kung ano pang dahilan kaya hindi siya nito maiwan.

"Alright" she said defeatedly. Napagpasyahan nilang lakarin ang pabalik sa naturang apartment para makapag-isip pa sila ng plano when someone interrupt them.

"Where do you think you all going?"

"Selena" Farra said in a venomous tone. Tinitigan niya si Selena ng masama habang ngumisi lang ang huli.

"Mukhang may direksyon na kayo ngayon...hindi tulad noon"

"What do you mean?" tanong ni Cleo dito.

Biglang naglakad si Selena paikot sa kanilang tatlo.

"Remember when Venille died? Wala kayong clue. You even dont know kung pano magsisimula! But look at you guys right now...mukhang may lead na kayo"

"Can you please just direct us to the point?" saad naman ni Farra na nawawalan na ng pasensya.

"Hmm...let's say na lang nasa paligid lang sya"

"What-" hindi na muling natapos ni Cleo ang sasabihin niya ng biglang mawala si Farra sa harap nito at isang malakas na hangin ang kanilang naramdaman.

Pinakiramdaman nila ang paligid dahil biglang bumigat ang kanilang pakiramdam when...

"Brix! A-anong..." hindi natapos ni Farra ang sasabihin ng mabilis itong bumagsak sa lupa at mawalan ng malay. Gulat naman ang nakarehistro sa mukha ni Cleo dahil sa nangyari.

"B-brix...a-anong ginawa m-mo kay F-farra?" hindi niya makapaniwalang tanong.

"I just made her sleep........Forever"

Hindi malaman ni Cleo ang kanyang nararamdaman, si Farra ay nasa kanyang harap lang at hindi niya alam kung buhay pa ba ito o hindi dahil nismong vampire ability niya ay parang biglang nawala. And now, si Brix na naging iba ang ugali.

"It's starting..." tumingin si Brix sa langit at nagdadalawang-isip man ay napatingin din si Cleo doon at ganon na lang ang panlalaki ng mata niya sa nakita.

"Eclipse..." humarap na muli si Cleo sa pwesto ni Brix at ganon na lang ang gulat niya ng mapagtantong nasa harap na niya ito.

"Goodnight" and everything on her went black.

[Her POV]

Iba ang pakiramdam ko. Para akong niluluto dahil sa sobrang init na nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung nakadilat na ba ko o nakapikit pa rin dahil wala na kong ibang makita kundi dilim at dilim lang.

Dama ko na nasa loob talaga ng katawan ko ang init na nararamdaman ko. Animo'y para syang dugo na dumadaloy sa bawat parte ko. Mahapdi, mainit at parang asido.

Gusto ko mang gumalaw at maghanap ng tubig na makakapagpaalis ng init na nararamdaman ko pero hindi ko kaya. Pakiramdam ko may kung anong tanikala na nakakabit sakin kaya hindi ko magawang maigalaw kahit ang daliri ko sa paa.

"You're awake" boses ng isang babae ang nangibabaw. Hindi ko sya makita sa sobrang dilim ng paligid.

"S...sino k...ka?" nahihirapan kong bigkas.

Tubig. Kailangan ko ng tubig.

May naramdaman akong kung anong bagay na basa sa aking bibig at hindi na ko nagdalawang-isip pa na mag-inarte, agad ko itong sinipsip upang maka access pa sa ilang tubig na mayron ang bagay na yon.

Unti-unti akong nakaramdam ng ginhawa at doon ko lang napagtanto na all this time ay nakapikit pala ko.

Nang maidilat ko ang aking mata ay may nakita akong maliit na straw na nakakabit sa isang parang tube na hindi naman ganun kalakihan at mula don ay may dumadaloy na tubig.

Pinagmasdan ko ang sarili ko at nakitang nakahiga ako sa isang kama pero walang tanikala gaya ng iniisip ko. Sadyang di lang makagalaw ang katawan ko at tanging ulo ko lang ang kayang kumanan at kumaliwa.

"Venille..." napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at laking gulat ko sa nakita ko. Anong ginagawa niya dito? Sya ba ang nakita ko kagabi na nakadungaw sa bintana? At...kagabi nga lang ba nangyari ang bagay na yon? Ilang araw ba kong tulog? Bakit uhaw na uhaw ako?

"Ms.Kendrie" tawag ko pabalik. Dahan-dahan kong pinilit ang sarili kong tumayo mula sa pagkakahiga at nagawa ko naman. Hindi niya ko nilapitan bagkus ay nakatayo lang sya sa isang sulok at nakatingin sa direksyon ko.

"Na-nasan po ako at a-anong ginagawa ko dito?" nauutal kong tanong. Hindi sya umimik at nanatili lang ang matang nakatitig sakin.

Nagsimula syang maglakad. Mabagal. Mabigat.

Tumigil sya ng saktong limang hakbang na lang ang pagitan ng layo namin sa isa't-isa.

"Venille Case Shaw. Daughter of Jacob and Terese Shaw. Sister of Euhence Shaw and a Pure human" she said na parang nagbibigay ng information. Nagtataka ko syang tinitigan, gusto kong tanungin kung bakit alam niya ang mga bagay na yon pero hindi pa ko ganon kalakas para magsalita.

"Did you know that the Venille Shaw I am talking about is already dead?" bigla syang tumawa na talaga namang nakapagpanindig ng balahibo ko.

"Y-you're k-kidding Ms.K-Kendrie right?"

"She's dead. 10 years ago. Dont you remember?" hinawakan niya ang dibdib niya at tiningnan ako ng nakakaawa. Isa lang ang masasabi ko sa reaksyong pinapakita niya sakin ngayon. Baliw sya.

"I'm not dead Ms.Kendrie" pinatatag ko ang boses ko kahit sa loob-loob ko hindi ako makapaniwala sa naririnig.

"Of course you're not dead. You're alive" she said.


"Then sino ang sinasabi niyong patay na?"

"Venille" simpleng sagot nito. Namumuo na ang inis sa katawan ko. Pano ako mamamatay e buhay na buhay ako! Nagsasalita ako! Nagugutom! Nauuhaw! Nakakaramdam ng emosyon kaya pano ako mamamatay?!



"Oh! Before I forgot..." tumigil sya sandali at nagseryoso ang mukha.


"She's.Not.You"

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now