Chapter 35: Her Past

6.5K 186 12
                                    

z/n: Dahil nag #7 ako sa ranking ginanahan ako bigla mag-update. Mahaba tong chapter na to kaya I hope konting bitin lang ang mararamdaman niyo :)

Enjoy reading ^_^

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Chapter 35

Her Past


[Third Person POV]

"Terese wait!" mabilis na hinabol ng isang batang babae ang nagtatatakbong si Terese sa isang malawak na garden.

"Bilisan mo Lalaine maiiwan na kita hihihi..." patuloy lang sa pagtakbo si Terese na sinusundan naman ni Lalaine.

Terese Vergara. Vergara Clan are allies of Torino Clan. Wala namang gera ng mga panahong iyon pero nauso ang kasabihang 'Mas marami kang kakampi, mas hindi ka mahihirapan' she's not a princess living in a fairytale. She's just one of the acquiantances ng mga nasa royal family na tinatawag.

Lalaine Kendrie. Kendrie's on the other hand are the royals family soldier. Hindi man halata pero maging babae ay may tungkulin na protektahan ang sino mang nakakataas ng ranggo sa kanila. Even it will cost their lives.

Halos pantay lang ang antas ng mga Vergara at Kendrie kung kaya't agad ding naging magkaibigan ang nag-iisang anak na babae ng mga ito.

"Magpahinga muna tayo!" sigaw ni Lalaine at sumilong sya sa ialim ng isang mayabong na puno ng mangga.

"Napakatamad mo talaga maglakad" saad ni Terese at nakisilong na rin sa puno ng mangga. Sumandal habang nakaupo si Lalaine na ginaya ni Terese.

Because they are a pure vampire, matagal na siang naninirahan sa mundo. Almost 400 years and yet they only look like 23.

"Magpapakasal ka na. You shouldnt leave your house Terese" mahinang saad ni Lalaine sa kaibigan, tumawa lang si Terese at hinarap ng nakangiti si Lalaine.

"That's the point. I will be married that's why I have to enjoy my life being single for one last time" ngumiti ito ng pagkatamis-tamis sa kaibigan na ikinailing lang nito.

"For sure pag nalaman to ni-"

"Hey Lalaine look! Halika dito" sa isang iglap ay nakita na lamang niya ito sa hindi kalayuan na nakatanaw sa isang direksyon. Kunot ang kanyang noong lumapit dito at hindi niya inaasahan ang kanyang makikita.

May isang ilog silang nakita at hindi lang basta ilog sapagkat may naliligo don ng mga oras na yon.

"Terese!" agad niyang isinigaw ng pabulong ang pangalan ng kaibigan dahil baka ito'y marinig ng lalaking naliligo at mapagkamalan pa silang namboboso.

"Are you blushing?" agad niyang kinapa ang mukha at naramdaman niyang nag-iinit ito na very unusual dahil isa syang bampira.

"H-hindi n-no!"

"Now you're stummering. I wonder if it's the topless guy's fault" agad niyang hinarap ang kaibigan at naabutan itong nakangisi sa kanya.

"Sinong nandyan?" nanindig ang balahibo niya ng marinig ang malalim pero malaking boses na iyon ng lalaki. Mas lalo namang lumawak ang pagkakangisi ni Terese dahil sa katuwaan sa reaksyon ng kanyang kaibigan.

[Lalaine]

Hindi ko maitago ang aking ngiti ng maalala ang panahon kung kailan kami unang nagkita. Unang nagkakilala. Malinaw pa rin sa aking alaala ang araw na yon.

Gusto kong magtago at tumakbo. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng hiya ng mga oras na to pero mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ako pakisamahan ng katawan ko.

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now