Chapter 20: Confession

8.1K 238 13
                                    

Chapter 20

Confession




Pakiramdam ko mahigit isang oras din ata akong nag-ayos. Di ko nga alam kung bakit ko to ginagawa eh mag-uusap lang naman kami.







Pero diba sabi niya di sya makatulog dahil galit ako? Ano bang ibig sabihin nun?




Ah basta! Malalaman ko kapag hinarap ko na sya! This is now or never. Magkatapatan na!



Mabilis akong bumaba at ng makarating sa tapat ng pinto ay huminga muna ako ng malalim. Kalma Venille.




Okay this is it! Pagbilang ko ng tatlo bubuksan ko na ang pinto.


Isa...



Dalawa...




Tatlo...




Nakita ko syang nakaupo habang nakatalikod sa kinatatayuan ko. Hindi ka maiwasang ma-mesmerized sa kanya. Likod pa lang alam mo ng gwapo ang nagmamay-ari.



Now Venille, i-compose mo ang sarili mo. Wag papahalatang may gusto ka sa kanya kundi ka-cheap-an ang labas nun.




"E-hem!" tikhim ko. Napapikit pa ko ng mariin, sana hindi niya mahalata na may pause yung kunya-kunyarian kong ubo.




Lumingon sya sa gawi ko at agad na tumayo, inayos niya pa ang nagulo niyang buhok pero parang lalo lang ata niya yung ginulo. Kahit anong gawin niya sa buhok niya gwapo pa rin sya sa paningin ko.



"Anong ginagawa mo dito?" taas ang kilay kong tanong habang sumandal sa hamba ng pinto ng naka crossed arms pa para intimidating ang dating.



Nanatili lang syang nakatayo sa harap ko, ni hindi man lang sya humakbang palapit sakin kahit isang beses. Basa nandun lang sya, nakatayo, nasa bulsa ang dalawang kamay at nakatingin ng diretso sa mukha ko. Gusto ko tuloy tumingin ngayon sa salamin, baka kasi may dumi sa mukha ko kaya tinititigan niya.



"Oh? Kala ko ba you want to talk to me? Nandito na ko, magsalita ka na" pero gaya kanina, wala pa rin syang response. Cool na cool lang syang nakatayo.



Nakakaasar aa'. Wala ba syang sasabihin? Wag mong sabihin na nasayang lang lahat ng effort kong mag-ayos ng sarili para lang sa silent treatment na to? I even change my pambahay into dress para maganda tapos ito lang ang matatanggap ko?




"Tss. Mukhang wala ka namang sasabihin, matutulog na ko umalis ka na" tumalikod na ko. Nakakaasar sya! Aarrgghh! Bwisit!





Nakakaisang hakbang palang ako ng mapatigil ako bigla ng maramdamang may yumakap sakin mula sa likod. I stunned at the moment, pakiramdam ko bumagal ang oras hindi ako makagalaw at at the same time nahihirapan din akong huminga.



"C-Clyde..." nauutal kong sabi. Yung pakiramdam ko kanina, yung bilis ng tibok ng puso ko. Dumoble.



"A-ano bang ginagawa mo?" inipon ko lahat ng lakas ko para makalawa sa yakap niya at ng maging successful ang ginawa ko ay nagsisi ako bigla. Dapat pala hindi ko muna tinanggal, dapat pinatagal ko pa kahit limang minuto lang.





"Venille..." he called my name. Hindi ko naman maiwasang magkaroon ng goosebumps sa boses niya. Ang lalim kasi at ang manly ng dating.




Napalunok ako. Okay Venille. Best actress ka nung high school kaya ipakita mo na ang mga natatago mong skills. Paaminin mo na ang isang to para happily ever after na kayo.




"Bakit ka ba nandito ha? Tapos mangyayakap ka pa? Akala ko ba usap?" sunod-sunod kong tanong. Pero wala. Nganga.





"Oh tapos ngayon di ka makapagsalita? Matapos mo kong yakapin? Ano ba talagang gusto mo Clyde-"




"Ikaw"





"...kasi nalilito na--ha?" tigil ko sa pagsasalita. Anong ikaw? Ako ba? Anong meron sakin?




"You're asking me what I want right?" sabi niya. Napa 'ha' na lang ulit ako "...I already answered it and it's you"




Binigyan ko sya ng nagtatakang tingin. Anong pinagsasabi nito?





Bigla syang humakbang papalapit sakin. Hindi ko naman magawang iatras ang mga paa kong napako na ata sa lupa.




"I want you Venille..." he said in a husky voice that give shivers down my spine. Napalunok na naman ako. Bakit laging natutuyo tong lalamunan ko?




"W-what do y-you mean?" sabi ko ng kinalabahan. I think pulang-pula na ako ngayon.




"I like you" he lifted my chin and looked at me straight in the eyes. Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Ito na ba? Itutuloy na ba niya ang naudlot naming paghahalikan noong nakaraan?




Ipinikit ko ang aking mata upang damhin ang mangyayari. Ayan na malapit na....



Malapit na.....




Malapit na malapit na....




Dama ko na ang hininga--




"Aww!" napahawak ako sa noo ko ng maramdamang may biglang pumitik dito.

"Nag-d-daydream ka na naman" saad sakin ni...Hala!




"Diba umalis ka?" tanong ko kay Cleo. Nilibot ko ang paningin at napagtantong nasa kusina kami ng bahay at kasalukuyang kumakain. Bakit ganun? Diba dapat hahalikan na ko ni Clyde? Magli-lips to lips na kami oh! Panaginip lang ba yun?






"Paalis pa lang ako. Ikaw naman kasi kung san-san na naman napupunta yang utak mo" sabi naman niya. Hinanda na niya ang bag na dadalhin niya "...ikaw ng bahala dito ha? Before three ng umaga nandito na ko. Lock the doors may spare key naman ako" habilin niya.



"Opo nay" sagot ko.


Hinatid ko sya sa labasan ng pinto at hinintay na mawala ang pigura sa paningin ko.




Napasimangot ako. Lintik naman! Pati ba naman sa panaginip hindi pa rin matuloy-tuloy? Bakit ganun? Bakit?!



Pinagmasdan ko ang harap ng bahay. Dyan sya nakaupo kanina at kung san ako nakatayo ngayon, dito rin yung pwesto ko.




Aahh! Am I inlove? Am I?


Disappointed akong sinara ang pinto at ni-lock yun bago walang buhay na umakyat sa kwarto. Parang totoo yung nangyari bakit ganun? Pinaglalaruan ba ko ng oras o sadyang makulit lang ang imahinasyon ko?



'Assumera ka kasi'



Hindi naman aa'

'Feeling mo may gusto yung tao sayo'


Wala namamg imposible dun. Ang ganda ko kaya, gwapo sya o diba? Bagay kami.



'Maganda rin naman si Farra aa' kung tutuusin....mas maganda pa nga sya sayo'




Kung pwede lang dukutin ang konsensya paalis sa katawan ko baka ginawa ko na. Bakit ba may laging kontrabida? Kung hindi tao, kunsensya? Nasan ang hustisya? Nagmamahal lang naman ako aa!

'Edi inamin mo rin na hindi mo sya gusto kundi mahal mo na?'


"Aahh! Ayoko na!" sinabunutan ko ang sarili ko. Ipasok niyo na ko sa mental. Nababaliw na ko.

---------------------------------
z/n: Wag niyo kong sumpain please haha. Di ko sinadya yan, kasalanan ng utak ko pabago-bago ng plot lol.

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now