Chapter 40: Reasons

5.1K 148 4
                                    

Chapter 40

Reasons

[Third Person]

"When someone give you a threat ano ang mararamdaman niyo? Pag binlackmail kayo, anong mararamdaman niyo? When you have to choose between life and death, what will you choose?

Because you know what? I chose death...just for her to stay alive"

"You're doing good" napalingon ang isang lalaki sa isa pang lalaking nasa likod niya.

Tapos na ang trabaho niya at ang tangi niya na lang na hihintayin ay ang pagdating ni Tricia para masimulan na ang dapat masimulan.

"Dont forget our deal" walang emosyon nitong sabi habang nakatingin sa babaeng nakatali sa kahoy na krus at pilit na kumakawala.

"My man! You got my word" natatawang sabi na lamang niya sa katabi at tinapik-tapik pa ang balikat nito.

Binigyan niya ito ng masamang tingin "...you better dont break it or else I'll kill you" banta nito na ikinangisi lamang ng lalaki.

"Brix Brix Brix..." lumapit ito sa lalaki at binulungan "...don't underestimate me cause I can kill you right here, right now" sabi nito at tinapik pa ng dalawang beses si Brix bago umalis at lapitan naman si Euhence na walang awang nilalatigo si Clyde.

Muling tinitigan ni Brix ang babaeng kausap na ngayon ni Cleo.

Napapailing na lamang sya ng maalala ang ginawa at ang sinabi nito sa kanya.

"You have so many options!"

He assumed he has but fate is really tricky for him.

-*-

Tahimik syang naglalakad sa garden ng school nang makita ang dalawang pamilyar na tao na nag-uusap.

"I just need 3 fresh soul then her soul and that's it! She's alive" nagtataka at hindi niya maintindihan ang mga naririnig sa nag-uusap. Bigla syang nagkaroon ng interes sa mga ito dahil sa kanyang narinig.

Nagtago sya sa ilang punong naroon at pinakinggan sila.

"What do you mean by 3 fresh soul?" anang babae.

Ngumisi lamang ang kausap at ang sagot nito ang nagpahinto sa tibok ng puso niya.

"I need their soul cause they are her friends. I need it so that when she wake up, she'll not remember anything. Just me...as his father"

"Your crazy Kaido" naiiling na sabi ng babae at sinamaan niya lamang ito ng tingin.

"Be thankful dahil hindi ka niya naging kaibigan" matalim na sabi nito na ikinangisi lamang ng babae.

"So, who are this lucky 3 fresh souls?"

"Farra, Cleo then..." sandali pang sumulyap si Kaido sa pinagtataguan ni Brix "...Tanica"

-*-

He didnt have a fucking choice! He never have. It's fixed at wala na syang magagawa doon.

-*-

"I will do everything you want...just...just leave her alone" pakiusap niya sa nakaupong lalaki.

Tinitigan lamang sya nito na parang walang pakialam.

"It's not enough"

Napasuntok na lamang si Brix sa pader. He wants to kill him then torn him into pieces but he can't. He can't because he know his not strong enough and if he dies, then who will protect her? Who will protect Tanica?

"But you can give me a favor" napatigil sya sa akmang pagsuntok sa pader ng magsalita itong muli.

"What is it?" curious niyang tanong.

"Give me your life in exchange for her"

-*-*-

Sa isang dako naman ay ang walang tigil na paghampas ng lalaki sa kanyang kaharap.

"Ugh!" hindi mapagsidlan ng matinding galit ang kanyang nararamdaman.

"Whoa. Whoa. Stop that already kid, you might kill him" pagpapatigil sa kanya ng lalaking nagsabi ng tungkol kay Venille. Isang malakas na hampas pa ang kanyang pinakawalan bago tuluyang itigil ang ginagawa.

"You hurt him a lot" natatawang saad nito habang sinusuri ang hapong-hapo nang pinsan.

"It's not enough" natawa sya sa sinabi nito. Ganyan-ganyan din sya.

-*-

"What did you say?!" agad na kinwelyuhan ni Euhence si Kaido na walang ginawa kundi ang ngumisi lang.

"She's dead remember?" sinuntok niya pa itong muli ng isa pang beses kaya napalapag ito sa lupa.

"Damn you! It's not a good joke!" sigaw niya kay Kaido na nakangisi pa rin habang pinapahiran ang dugo sa gilid ng labi. Tumayo ito at pinagpagan ang sarili bago bumaling kay Euhence na masama ang tingin sa kanya at ilang minuto mula ngayon ay pwede na syang sugurin nito at patayin.

"Do I look like I'm joking?" bibigwasan sanang muli ito ni Euhence ng bigla ulit itong magsalita.

"If you dont want to believe me then I have no other choice but to let you see her with your own eyes"

Naguguluhan man ay sinundan pa rin ni Euhence si Kaido. Lumabas sila ng school at pumasok sa isang kweba. He dont know na may ganon pala na hindi naman ganun kalayuan sa BU.

"Anong ginagawa natin dito?" matalim na tanong na saad ni Euhence. Hindi sya pinansin ni Kaido at dumiretso lang ng lakad hanggang sa makarating sa isang lugar kung saan pinapalibutan ng iilang sulo ang isang babasaging kabaong. Sa loob ay may mga bulaklak na nakapalibot dito at ang pinaka nakakuha ng atensyon niya ay ang...

Isang babae. Isang patay na babae ang nasa loob nito. Nakasuot ng puti at kahit na hindi na masyadong makilala ang mukha ng babae ay hindi naman nito malilinlang si Euhence na sa unang sulyap pa lamang niya sa kabaong ay kilala na agad niya kung sino ito.

"H-hindi..." nanginginig na tinungo ni Euhence ang nakahigang babae at mas nakumpirma niyang tama ang nararandaman ng makita ito ng tuluyan.

"Venille"

-*-

Apat na taon. Apat na taon pa ang hinintay ni Euhence bago tuluyang makapasok ang inaakala niyang kapatid sa naturang paaralan.

Ang pagkamatay ng mga magulang nila noong nakaraang taon ay pawang kagagawan niya. He's just being a protective brother towards his dead little sister. Kailangang mamatay lahat ng taong may kinalaman sa panlilinlang na ginawa sa kanya. All this years, akala niya si Venille ang kasa-kasama niya but he's wrong. So fucking wrong.

Sinabi ni Kaido lahat ng plano niya, ang planong kailangan ay makapasok si Tricia sa paaralan at maging kaibigan ang tatlong babae ngunit nasira ang plano nila ng dumating si Clyde. He even dont know that the Venille he knows is already dead and the girl who always he stalks is non other than her twin. Tricia.

-*-

"What's the plan?" tanong ni Euhence ng sa tingin niya'y medyo gumaan na ang pakiramdam niya. He felt like everyone betrayed him and he looks stupid for not even knowing it. Ngumisi naman si Kaido sa inasal nito dahil alam niya, sa kanya ito kakampi.

"We have to kill her. We have to kill Tricia and let her blood drip to Venille's mouth"

"Then what?"

Tinapik ni Kaido si Euhence sa balikat.

"Then she's alive. Again"

-----------------------------------------

z/n: baka matagalan ang next UD maybe sat or sun?

The Vampire Prince's ObsessionHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin