Chapter 26: Both

7.3K 229 8
                                    

Chapter 26

Both





A-ano? T-tama ba yung narinig ko o baka nililinlang na naman ako ng imahinasyon ko?

Pa-slow motion kong sinampal ang sarili ko at bahagya pang nakatulala kay Clyde.

Napatigil ang pagsampal ko sa sarili ng bigla niyang hulihin ang kamay ko at kunut-noo akong tinitigan.

"Anong ginagawa mo?"

Napatingin ako sa kamay naming magkahawak tapos sa mukha niyang salubong ang kilay and then balik sa kamay namin.

Itinaas ko ng dahan-dahan ang free hand ko at inabot ang mukha niya.

Panaginip lang naman to diba? Oo tama! Nananaginip na naman ako.

Biglang may nagpop-out na ideya sa utak ko.

Tutal panaginip lang naman to, lulubusin ko na!

Idinampi ko ang palad ko sa noo niyang mas makinis pa ata sakin. Pinadaan ko ang aking hintuturo sa pagitan ng mata niya pababa sa ilong. Nakita kong hindi na salubong ang kilay niya, napatigil ang daliri ko sa tip ng kanyang ilong dahil pinagmasdan ko pa ang labi niyang mapula na kakulay ng isang oras. Napalunok ako. Panaginip lang to Venille. Hindi alam ni Clyde na pinagnanasaan mo sya. Wala syang alam. Yung utak mo lang na malandi ang nakakaalam.

Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig sa labi niya, basta ang alam ko, pagbalik ng mata ko sa kabuuan ng mukha niya ay nakita ko syang nakatingin sa labi ko.

Napalunok ako. Sunud-sunod.

Naramdaman kong muling lumapit ang mukha niya sakin dahil nadama ko ang hininga niya.

Pumikit ako. Mukhang may part two!

"HOY BAWAL YAN!"

Mabilis akong napadilat at tumingin sa kanang bahagi ko kung nasan nanggaling ang boses. I saw Tanica na naka smirk pa at nakataas ang kilay.

Kumunot din ang noo ko.

"Bakit ka nasa panaginip ko?" takang tanong ko sa kanya. Moments namin to ni Clyde kaya dapat kami lang ang nandito. Bakit may epal?

"Panaginip?"

"Oo panaginip as in dream. Bakit ka ba nandito? Dun ka nga di pa tapos yung kissing scene" pumikit ako at nag-concentrate para alisin si Tanica sa isip ko. Ganyan sa panaginip diba? Yung kapag may gusto kang mawala o idagdag sa scene ay mag-iisip ka kasi nga ikaw ang kumukontrol ng panaginip mo.

Pagdilat ko ng aking mata ay nandun pa rin sya, nakatayo at naka crossed arms pa.

"Hala! Bakit di kita mapaalis sa panaginip ko?!"

"Kasi nga-"

"Ssshh! Isa pa! Magco-concentrate ako!" muli akong pumikit at makaraan ng ilang segundo ay dumilat ulit.

"Oh? Nakapag concentrate ka na?" taas kilay na tanong ni Tanica.

Bakit...bakit...

Naramdaman kong pinasadahan ng daliri ang mukha ko at nakita si Clyde na ginagawa iyon. Ginaya niya ang ginawa ko kanina pero ang pinagkaiba ay nagsimula siya sa tip ng ilong ko, pataas hanggang sa himinto iyon sa aking noo at...

"Aww" himas-himas ko ang noo kong pinitik niya. I saw him smile. A genuine one saka inilapit ang bibig sa tenga ko.

"It's not a dream babe, it's real" husky niyang sabi.

Sandaling nag loading ang utak ko at ng mabalik sa realidad ay agad ko syang naitulak habang nanlalaki ang mata.

T-totoo to?

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now