Chapter 39: Just Her

5.3K 148 7
                                    

Chapter 39

Just Her



[Cleo]

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata and all I can see is darkness. Patay na ba ko? Nasa impyerno na ba ko? Wait-mabait naman ako a kaya bakit ako mapupunta sa impyerno? O baka nasa langit na ko tapos surprise na biglang magbubukas na lang ang ilaw?

My thoughts was suddenly vanished when I heard her voice.

"Cleo..." napalingon ako sa gilid na kahit ay nahihirapan ay pinilit ko pa rin.

"Ta...nny?" mas lalo ko pang inaninag ang mukha niya at doon ko lang napansin na may mga sulo pala sa paligid. I tried to reach her but my hands was tied. Fuck! Tied?!

Lumingon ako sa kabilang gilid ko at nakita kong katulad ng pinaglalagyan ko ay nakaganun din si Farra.

"Farra! Wake up!" I said pero hindi man lang sya gumalaw. Not even an inch.

"B-brix...a-anong ginawa m-mo kay F-farra?"

"I just made her sleep........Forever"

Gusto kong takpan ang bibig ko dahil sa naalala ko.

"Cleo, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Tanny sakin. Dahan-dahan ko syang hinarap at sinagot...

"Farra is in a deep slumbering"

Maging sya ay nagulat sa sinabi ko. Slumbering, it's like hybernate. Ang pinagkaiba lang ay kapag nasa hybernate mode ka, magiging ka sa isang season. Summer? Autumn? I dont know. Pero sa Slumbering, hindi ka agad-agad magigising. May kailangang gawin o maisakatuparan bago ka magising and it can takes hundreds of years pa.

"Sino ang may gawa? S-sino ang may gawa niyan sa kanya?"

"Si Brix" tanging sagot ko. Kung bakit ito ginawa ni Brix ay alam kong may dahilan. Hindi naman sya gagawa ng bagay at kakalabanin pa ang mga kapatid niya kung hindi naman pala mahalaga ang bagay na yun kay Brix. Gusto kong magalit sa ginaqa niya pero mas nangingibabaw pa rin ang pakiramdam kong may dahilan sya. An acceptable reason that only him knows.

"I swear I'll gonna kill that jerk!" saad ni Tanica na nanlilisik pa ang mata. Gusto kong sabihin sa kanya ang nasa isip ko pero hindi na kaya ng enerhiya ko ang magsalita pa. Pakiramdam ko na-drain lahat ng energy ko at hindi ko alam kung pano ito babalik.

[Tanica]

That jerk! Ugh! Papatayin ko talaga ang isang yun! Pinagmasdan ko si Cleo na mukhang hirap na hirap na at si Farra na kanina pa walang malay. Kaya pala, kaya pala hindi sya gumagalaw kanina pa. The fuck! Bakit ba kasi sya kumampi sa Kaido na yun?!

Pilit kong kinakalas ang pagkakagapos sakin sa kahoy na krus na to. Pag lang ako nakawala, makikita nila! Makikita talaga nila!

"What...do you think...are they planning to...do with us?" at nagawa pa talagang magsalita ng isang to? If I were her, iipunin ko lahat ng energy ko para makawala sa lintik na lugar na to at pagbayarin lahat ng may kagagawan nito.

"We are sacrifice" sagot ko kay Cleo. Sa aming tatlo na nandito, ako lang ang may mas kakayahang makatakas dahil pawala na sa sistema ko ang vervain na ginamit nila.

"Sac...rifice? To...whom?"

"Who knows? Ugh!" I gave up. Oo na! Wala na kaming kawala!

"Do you have...any idea?" she asked again. This time tinitigan ko na sya yung matagal.

Idea? Ang totoo niyan ay meron pero ayokong mag-jump sa conclusion.

Walang bangkay kaming pinaglamayan noong namatay si Venille. Ofcourse. Hindi naman namin alam na ang Venille na kasama namin ay hindi pala talaga sya at kung hindi si Tricia.

Pero napapaisip ako. Nasan nga kaya ang bangkay ni Venille?

Napatingin ako sa isang direksyon kung nasan nakatayo si Brix at taimtim na nakatingin sakin. Binalik ko ang tinging pinupukol niya at binigyan sya ng masamang tingin.

Nanlambot ang kanyang mata at umiwas ng tingin. Bakit ka ba nagkakaganyan Brix? Ano ba talagang problema?

[Helix]

I watched how Euhence whipped Clyde's poor body. Gusto kong magsalita na pinapaikot lang sila ng taong yun pero pinigilan ko ang sarili ko. I just balled my fist.

Idiots. Stupids.

Inilibot ko ang mata sa loob ng kweba, so dito pala nila sya tinatago. I should have known fuck! Nanggaling na ko dito e tsk!

4 years ago, nagkita si Euhence at Kaido, I dont know kung sinadya ba nilang magkita pero ng matagal na silang nag-uusap ay bigla na lamang sumuntok si Euhence. Tsk. Bullseye! Tamang-tama sa mukha.

Hindi pa sya nakuntento at inulit na naman pero sa ikatlo niyang pagtangkang pagsuntok ay may sinabi si Kaido na sya namang nagpatigil sa kanya. If I can just hear what they're saying hindi sana ako nagpapakahirap dito na manghula.

Tang*na kasi ni Kaido e. Talino! Tsk. Nagpatulong marahil sa mangkukulam na si Selena para lagyan sya ng harang at hindi sya marinig ng mga katulad ko.

And then there, pumunta sila sa lugar na to at nalingat lamang ako saglit ay mabilis na ailang nawala sa paningin ko. Hinanap ko sila. I tried pero masyadong madilim ang lugar na mismong sulong hawak ko ay hindi pa sapat.

Umalis ako ng lugar na yon at hindi na bumalik pa sa pag-aakalang wala namang importante dun but I'm wrong cause the most important person in his life is there. Inside. Sleeping or let alone. Dead sleeping. Is that even a word? Fuck! Nalilito na ko.

Napatingin na naman akong muli kay Euhence na sobra ata talaga ang galit kay Clyde. Napapailing na lang ako. Gusto ko mang tulungan ang Arconado na to, ang tangi ko lang magagawa ay ang manahimik at maghintay.

He has a plan. He said that at may tiwala ako sa kanya.

"Ugh!" daing ni Clyde. Wala akong nagawa kundi umiwas na lamang ng tingin.

Tang*na naman kasi Calix nasan ka na ba?


[Third Person]

Tuluyang pinatigil ni Kaido si Euhence sa pagpapahirap kay Clyde. Kailangan pa niya ang taong iyon para maisakatuparan na ang paghihiganting gagawin. Ang tagal niyang hinintay na dumating ang araw na to at ilang minuto na lang ay matutupad na ang mga ito.

Si Tricia na lang talaga ang kulang.

Si Tricia na lang.
------------------------
z/n: Just A Reminder. Hindi po mangkukulam si Selena. Witch po sya. Witch! Yun lang.

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now