Chapter 8: Their World

11.8K 418 7
                                    

z/n: Thanks for -MyCuteLittleDarling- sa pag comment sa last two chapters :) Appreciated much ^_^

Enjoy this one!
----------------------

Chapter 8

Their World



[Third Person]



Naguguluhan ang magkapatid na Kendrie habang nakatingin sa kanilang pinuno na kanina pa pabalik-balik ng lakad. Di man niya sabihin ay alam nilang may problema.



"May nakapasok sa teritoryo natin" seryoso nitong saad at hinarap ang tatlo. Salubong ang kilay ni Brix habang iniintindi ang sinabi ng kanilang pinuno habang kalmadong ekspresyon naman ang makikita sa mga mata ni Helix at Calix.



"Anong ibig niyong sabihin?" tanong ng nakababatang Kendrie.



"Sang lahi sila galing?" tanong naman ng panganay na Kendrie, walang pakialam kung nabastos ba nito ang kausap o hindi.



"Arconado" simpleng sagot ng kanilang pinuno. Hindi mapigilang ikuyom ni Brix ang kanyang kamao.



"Ang prinsipe ba ang nandito?" gigil niyang tanong.



"Oo"



Hindi niya na napigilan pa. Kung nandito ang prinsipeng yun, malamang kasama nun ang mayabang niyang pinsan. Sabi ng kanyang utak.



"Si Furukawa ba kasama?" as long na ayaw niyang marinig anv isasagot ng pinuno ay alam naman na niya ang sagot. Dakilang alalay ng prinsipeng yun si Furukawa at ang mas kinaiinis niya, may gusto ito sa mahal niya.



"Bakit daw nandito sila?" sa wakas ay nagsalita nang muli ang pinakatahimik at pinakasuplado sa Kendrie Brothers.



"He's taking back his property" simpleng sagot ng kanilang pinuno.



"Property?" nagkibit balikat lang ang pinuno. Kahit sila ay hindi alam kung ano ang pakay ng isang Arconado sa kanilang lupain.





[Venille]



Ano ka ba Venille! Kalma okay?! Kakausapin mo lang sya tungkol sa activity na pinapagawa ng teacher niyo. As if naman may iba ka pang gagawin.



Hindi ko mapigilan ang sarili kong kausapin ang konsensya ko. Nakakainis lang kasi may girlfriend and worst may fiance pa sya. Minsanan na nga lang magka-crush yung may sabit pa. Hayy buhay.



"Lapitan mo na" eto namang katabi ko parang walang problema. Partner kasi sila ni Kaido. Yung kasama ni Clyde? Feeling ko nga magkakilala tong tatlo eh di lang nila pinapahalata.



"Mamaya na. Nag-iipon pa ko ng energy" saad ko sa kanya. Totoo naman kasi, pakiramdam ko isang tingin lang niya nahigop na lahat ng lakas ko kaya dapat paghandaan ko ang paglapit ko.



"Ikaw ang lalapit o sya? Your choice"



"Ha?" hindi na ako nilingon ni Tanica at nakipag-usap na lang sa partner niya. Tiningnan ko naman ang natutulog kong partner. Yung mata niyang nakapikit pero nakaka-turn on na. Yung malumanay niyang paghinga...aaahh! Pinagpapantasyahan ko ba sya or what?



"It's rude to stare alam mo ba yon?" nagulat ako ng makita ang Fiance niya sa gilid ko "Lalo na kung pinagpapantasyahan mo pa"

Hey! Pano niya nalaman yun? Ganun na ba ako ka-transparent para mahalata?



Hindi ko na lang sya pinansin at umaktong hindi ko tinititigan si Clyde.



"Your name?" nagtaas sya ng kilay. Wow. Ang lakas ng loob niyang taasan ako? Hello. Kung mataray sya mataray din ako. Di ako katulad nila cinderella at ariel na nagpapaapi. 2015 na kaya duh.




"Why did you ask?" tinaasan ko rin sya ng kilay para quits.



"Just answer my question bitch!" aba't! Ang lakas ng loob tawagin akong ganun eh hindi naman niya ata alam kung anong meaning ng bitch!



"Answer your own question nigga" kinuha ko na ang bag ko at naglakad palabas ng room. Mamaya ko na lang kakausapin si Clyde patungkol sa project namin. Nakaka beastmode yung girlfriend niya! Grrr!



[Third Person]



Hindi mapigilan ng isang lalaki ang kanyang sariling ngumiti. Gising sya buong klase pero dahil tinatamad syang makinig ay napilitan na lang syang iubob ang ulo niya sa upuan.




"I know your awake. Get up" tinatamad niyang inangat ang tingin sa nakataas ang kilay na si Tanica. Nakatayo rin doon ang kababata at baliw na baliw sa kanyang si Farra.



"Oh! Awake ka pala? I thought naka sleep mode ka" nakapout na saad nito. Ngumisi lang sya tsaka umiling.



"Pinapahirapan pa kasi tsk" -Tanica. Ngumisi lang ulit sya. Dapat dinadahan-dahan ang mga bagay para siguradong sakin ang bagsak. Sa isip-isip niya.



"Hey! Anong pinagsasabi mo dyan Crimson?" nawala ang atensyon ni Tanica kay Kaido na kinakausap niya patungkol sa kanilang project ng biglang lumapit sa kanya si Farra.



Si Farra ang tinaguriang prinsesa ng Jenner Clan. Bawat miyembro kasi ng royalty fam ay tinatagurian na ring prinsesa o prinsipe. Depende kung anong sekswalidad ng anak ng naturang orihinal na miyembro nila. Parang si Clyde lang na isang prinsipe ng Arconado Clan.
Kungbaga sa business. Mga Heir at Herrion.



"Wala ka na dun Jenner" taas kilay na bara ni Tanica kay Farra.



"You didnt dare talk to me like that! Prinsesa ako baka nakakalimutan mo" napangisi si Farra dahil alam niyang mas angat sya kumpara kay Tanica na kung ico-compare sa kanya ay walang-wala.



Di rin naman nagpatalo si Tanica at nginisian din sya "Baka nakakalimutan mo rin na nasa teritoryo kita" nawala ang mapaglarong ngisi ni Farra at napalitan ng masamang tingin. Kung gagawa sya ng gulo, walang pag-aalinlangan na talo sya.



Itinikom na lamang niya ang kanyang bibig.



"Where is she?" tanong ni Clyde. Tinuro naman ni Kaido ang pinto at agad na umalis ang pinsan nito para sundan ang babaeng umalis. Nagpaalam na rin naman si Kaido upang tingnan kung walang umaaligid sa kanyang pinsan. Trabaho rin kasi nito na panatilihing ligtas ang prinsipe nila.



Naiwan ang dalawang babaeng parehong matalim ang tingin sa isa't-isa.



"Ano pang ginagawa mo dito? Shoo~ di kailangan ng school na to ang isang Jenner na gaya mo" mapang-asar na saad ni Tanica.



"Bakit tingin mo kailangan ng lugar na to ang isang Crimson na gaya mo?" -Farra



"Kung tutuusin. Mas may silbi pa nga kaming mga Crimson kumpara sa inyong mga Jenner. Bunch of famewhores tsk. Pathetic"



"Wow! Nagsalita ang isang maralita?"



Patuloy lang sa bangayan ang dalawa ng biglang may isang babaeng dumating at marahas na binuksan ang pinto.



"Farra?" tanong nito



"Selena?" saad naman ni Farra. Nagtatakbo ang dalawa at niyakap ang isa't-isa. Hindi mapigilan ni Tanica'ng mapa-ngiwi dahil sa kabaduyan ng dalawang babae sa kanyang harapan.




"Anong ginagawa mo dito?" Selena asked.



"Nandito kasi si Clyde eh. I dont know kung bakit sya nandito"



"I think I know why" ngising saad ni Selena sa kanya. Nagkunot noo naman si Farra "You know his reason?" tumango si Selena sa tanong ni Farra.



"Then tell me"



Ngumisi muna si Selena bago magsalita.




"The Lady Shaw is already here"

The Vampire Prince's ObsessionМесто, где живут истории. Откройте их для себя