Chapter 5

13.7K 398 11
                                    

z/n: Bigyan ko lang kayo ng konting background sa dalawang favorite character ko ^_^ favoritism na ituu <3
---------------

Chapter 5

[Tanica]

"Hi Helix" ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. How sad. Sayang ang ganda ko kung hindi niya makikita.

Tiningnan ko ang binabasa niya at napangiwi ako ng malaman ang title nito. Seriously? V.C Andrews?

Naramdaman kong tumayo si Venille pero wala akong pake. Malaki na sya, kaya na niya sarili niya.

Mahigit limang minuto rin ata akong nakatingin kay Helix pero kahit isang sulyap hindi niya ako binalingan. Ang sakit ah. Yung pride ko tapak na tapak na.

"Ehem!" biglang kumabog ang mesa. Napatingin ako sa harap ko at nakita ang nakakunot noo na isa pang Kendrie. Problema ng isang to? "Napansin mo rin ako" walang gana niyang saad.

Hindi naman sa pagmamayabang pero may gusto sakin yang Kendrie na yan. Nakakalungkot lang na hindi yung target ko ngayong buwan ang nagkagusto sakin but anyway, pagkatapos ko kay Helix isusunod ko sya. May maipagmamalaki naman kahit papano tong si Brix. Mas ma-appeal lang talaga sa paningin ko si Helix at kung itatanong niyo kung may balak din akong hindi kaaya-aya kay Calix then you're right. May balak nga ako.

I'm quite popular here sa BU kahit na sabihin pa nating freahmen pa lang ako at first day of class ngayon. Kung nag highschool sila sa BA (Blood Academy) sure akong makikilala nila ako.

Sikat ako dahil sa pauso kong laro. 'My Favorite Game'. Ewan ko ba at ayaw nilang sumali sa laro ko. Ang saya pa naman ng larong yun. Ako lang ang nakikinabang.

Muli kong pinasadahan ng tingin si Helix. Gwapo, may pagkabrown ang buhok, singkit, yung mata chinitong-chinito at halata mong suplado. Hayy Helix. Kailan mo kaya mapapansin ang kagandahan ko?

Pinag-eengganyo ko lang ang mata kong nakatingin sa perpekto niyang mukha ng may bigla na lang nanghila sakin patayo at mabilis na lumabas ng cafeteria. Naabutan pa nga namin sa hallway si Venille na nakatulala lang na nakatingin sa selpon niya. Itatanong ko nga sana kung okay lang ba sya pero tuluy-tuloy lang na naglakad itong epal na humihila sakin. Hayy. Bakit ang hirap maging maganda?

[Brix Kendrie]

Nakakainis pagmasdan yung taong gusto mo na imbis na ikaw ang titigan, ibang lalaki ang tinitingnan. Fvck! Lakas maka torture ng babaeng to sa puso ko!

Kung pakikipaglaro lang naman ang gusto niya, willing naman ako. Voluntary pa para masaya.

Ano bang nakita niya sa unggoy kong kapatid? Mas gwapo naman ako dyan. Mas ma-appeal at higit sa lahat mas habulin ng chixx. Swerte nga niya hindi ko sya pinagtaksilan kahit isang beses.

Nababanas na ko kaya hinampas ko ang lamesa na naging dahilan para tumingin sya sakin pero fvck?! Balik na naman ang tingin niya kay Helix.

Hindi na ako nakapagtimpi pa at hinila sya. Wala namang pake si Helix sa kanya eh. Ako ang meron.

Tuluy-tuloy lang kaming nakalabas ng building. Akalain niyo nga naman. Nahila ko sya hanggang dito sa ground floor. Lakas ko talaga.

"Bitaw nga!" winawaksi niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Ang arte. Ako na ngang lumalapit namimili pa?

Tuluyan ko na syang biniyawan at ng binitawan ko sya ay dinuro niya ko "Ang epal mo talagang nilalang ka eh no? Ano bang problema mo?" masamang tingin ang ipinukol niya sakin pero binalikan ko na lang sya ng isang malamig na tingin.

Ito siguro ang masaya sa pagiging Kendrie. You look cold outside but you're Hot inside. Shit! Parang ako lang.

"Problema ko? Tinatanong mo talaga kung anong problema ko?" humakbang ako papalapit sa kanya at ang mahal ko, di man lang natinag! Ibang klase. Kaya nakaka turn on lalo eh. Lalo tuloy akong na-e-L. NaiinLove. Mga utak niyo na naman.

"Ilang beses ko bang sinabi sayo Brix na... AYOKO. SAYO" awts. Diretsahang rejection tang*na! Ang sakit!

Ilang beses na niya akong nireject nung high school. Second year ako non at first year sya. Sa lahat ng Freshmen na nakita ko, sya talaga ang nakakuha ng atensyon ko. Hindi pa kasama doon ang pagiging Crimson niya pero shit! Sa amo ng mukha niyang yan, may demonyo palang nagtataho sa loob.

Nagpauso sya ng laro na alam niyang sya lang ang makikinabang at ang kawawa? Malamang yung kalaro niya. Pero kung ako ang papipiliin mas okay na yun. Atleast naging akin sya kahit sabihing laro lang yun pero lintek lang! Ayaw niya kong gawing target!

Nagkaroon na sya ng target na Nerd, Bully, Genius, Officer at Badboy. Pero ang mga katulad ko? Katulad kong kabilang sa royal family, isang Kendrie, may mala perpektong mukha. Ako. Si Brix Kendrie. Ayaw niya? Ang masakit pa niyan, si Helix pa ang nagustuhan. Nakakagag* lang.

Bakit ba hindi ka magawang mahalin ng mahal mo?

Nakakabading man isipin pero tingin ko si Tanica na talaga yung tinatawag naming mga bampira na soulmate. Bakit kasi ang aga ko naramdaman to? Ni hindi pa nga ata niya maramdaman na ako yung soulmate niya eh.

"Alam mo, kahit ilang beses mo kong itaboy... hinding-hindi ako lalayo sayo" napatigil sya sa sinabi ko.

Alam kong gag* ako minsan pero hindi ko naman nagawang mambabae kahit kailan. Kahit kailangan ko ng ilabas ang dapat ilabas hindi ako gumamit ng babae. Nagsasariling sikap ako.

Para sa future namin. Kung ano-ano na naman naiisip niyo.

"Ayaw mo talagang sumuko no?" ngisi niyang saad sakin. Bakit kahit anong ekspresyon ng mukha niya ang ganda niya pa rin sa paningin ko?

"Kung ikaw ang magiging premyo. Hinding-hindi ako susuko" seryoso kong saad. Nanahimik ako nung highschool, pinabayaan ko sya sa lahat ng gusto niyang gawin pero iba na ngayon. Sisiguraduhin kong sakin sya babagsak.

Ako. Sya. Kaming dalawa. Lang.

The Vampire Prince's ObsessionWhere stories live. Discover now