Chapter 7: Crush

13K 410 19
                                    

Chapter 7

Crush

[Venille]

Ayoko magmukhang assumera pero yung Clyde na transferee na to...is he.... is he looking at me?


"Please take your seat" bahagya pang yumuko yung terror naming prof. Lakas maka dugong bughaw netong mga transferee akala mo anak ng hari at reyna.


May dalawang upuan na bakante sa likod ng upuan namin ni Tanica. Ang alam ko,may nakaupo dyan pero bat ngayon wala na?

Yun yung napiling upuan ng dalawang transferee. Nagsitindigan ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ang mumunting hangin. Ugh!


Pinilit kong mag concentrate pero hindi ko talaga maiwasang pakiramdaman ang dalawang to sa likuran ko.


Kaido is okay with me. I can bear with him pero itong si Clyde... Clyde... sounds familiar ayt?


"Hey! Ano pang hinihintay mo?" tiningnan ko ang buong paligid pero wala ng tao. Even the transferee's are not here.


Tumayo ako agad at lumabas ng room. Hindi pa rin maalis sakin ang presensya ni Clyde...


Clyde...


"Aww!" bumagsak ako sa sahig at una pa ang pwet. Ouch! Bakit may poste dito sa gitna ng hallway?! Damn! Panira ng poise!



"Sorry. Are you okay?" tiningnan ko ng masama ang kung sino mang nagtanong. Ang sarap kasi barahin eh, sya kaya banggain ko at itanong kung okay ba sya o hindi?!


Pero nung sanang mag i-speech na ko ng mahaba ay parang nawala lahat ng linyang pinraktis ko sa utak ko. What the?! Iniisip ko lang sya kanina ngayon nasa harap ko na? Maswerte o maswerte?


"I think you are" nakayuko sya habang nakatitig sakin.


Di ko rin napigilan ang sarili kong mapatitig sa kanya. That bright eyes color tantalizing his eyes which were perfectly framed with dark and thick eyelashes. Dark brows and light pink lips that you cant resist. And that messy brown hair--shit! Is this man a god?!


"Venille!" napalundag ako sa gulat dahil sa sigaw ni Tanica. Pakiramdam ko nalasing ako ng ilang minuto sa pakikipagtitigan sa kanya. Wow. Just wow.


He offered me his hands para tumayo. Agad ko naman itong tinanggap at hindi na nag-inarte pa "Sorry again" hindi ko mapigilang sundan sya ng tingin habang papalayo sakin. That electric feeling na naramdaman ko noong nagdikit ang mga palad namin. Yun ba yung tinatawag nilang sparks?


"Venille! Arrgh! Faster I'm hungry!" pinandilatan ko ang naghuhurementadong si Tanica. Kung gutom sya bakit hindi pa sya umalis? Asar! Panira ng imagination. Hmp!


[Kaido]


Pinakatitigan ko ang babaeng ngayon ay naglalakad papasok ng cafeteria. Bigla namang pumasok ang isang lalaking di maipinta ang mukha dahil sa ngiti.


"Saya ng araw natin ah?" tumawa lang sya sa banat ko at binato ako ng unan.


"Damn! If you just saw her face. She grown up!" sabi pa nito na tumatawa-tawa.


That girl he's talking about is no other than Mr. Shaw's only daughter. This man or may I say 'this royal vampire' here is head over heels to that girl.


"Ano na naman bang kinakalikot mo dyan Kaido?" sinilip niya ang screen mula sa computer na hawak ko at tumawa ng malakas "You really like that Crimson arent you?" nginisian ko lang ang loko. Alam niya naman ang sagot magtatanong pa.


Ngumisi akong muli ng nakitang nilapitan niya ang isang Kendrie. This girl is really unbelievable. Lahat ata ng lalake balak niyang paglaruan. Napailing ako sa isipang yon.


Pinatay ko na ang computer at tinitigan na lang ang baliw na pinsan ko. Yes, were cousins. I have a royale blood but I am not a prince unlike this one.


"Ano nang plano?" tanong ko sa umiinom ng red wine na si Clyde. Hindi naman na namin kailangan mag-aral eh. Why study kung ilang beses na kaming pumasok sa school? Ilang school na rin ang napasukan namin at ilang kapwa bampira na rin ang nakasalamuha namin. Sabihin na rin nating ilang beses na rin kaming gumradweyt kaya di niyo ko masisisi kung tinatamad na kong mag-aral.


"Stick to the plan" ngisi niyang saad.


"Pag nalaman ni Vergara na nandito ka, paniguradong hindi mo na makikita ang cupcake mo" asar ko. Hopeless romantic din kasi ang isang to.


"Tss. Ako ang masusunod sa larong to. Kung baga, ako ang creator at kayo? Kayo ang manlalaro" umiling na lang ulit ako. Wala nang pag-asa ang isang to.


[Venille]


Hindi mawala sa sistema ko ang pagkahawak niya sa kamay ko. Pakiramdam ko nakadikit pa rin ang palad niya sa palad ko.


Nakasimangot na kumakain sa tabi ko si Tanica. Kaya naman pala high blood ang isang to, hindi niya kasabay ngayon kumain si Helix. Umalis kasi sila agad dahil may emergency daw na dumating. Nakakabigla nga dahil pati si Cleo ay hindi ko makita. And speaking of the triplets. Sikat din pala sila. Tinitilian ng mga babae, yung ultimo ayusin lang ng konti ang nagulong buhok nila ay akala mo naka divirgenized na. Ganun sila kagwapo at ka-hot sa paningin ng mga haliparot na nilalang ng BU.


*


"Hayy boring" rinig kong saad ni Tanica. Unti-unti nang nagsibalikan ang mga blockmates ko galing sa lunch break.


Nakakainis mang aminin pero parang gusto ng sistema kong makita si Clyde. Parang hinahanap-hanap na sya ng paningin ko although ito ang first time naming nagkita. Ang landi ng dating hindi ba?



Habang inaabangan ko syang pumasok sa next class namin ay may biglang dumating na babae. Maganda sya, mukha syang mayaman at alam niyo yung mga damitan ng babaeng mga taga europa with matching pamaypay pa? Ganun ang itsura niya. May konting kulot din ang bawat dulo ng buhok nito.

"Jeez. Sabi ko na nga ba" iling-iling na saad ni Tanica habang nakatingin dun sa babae.

"May sinasabi ka?" tanong ko rito.

"Wala. Dont mind me" lumibot ang paningin ng babae hanggang sa matigil iyon sa pwesto namin. Lumapit sya samin at masama akong tiningnan.

"Nakita mo ba si Babe ko?" hindi ko sya sinagot like duh? Malay ko ba sa babe nito? Sakin daw ba hanapin ang alaga niyang biik? Hello?

"Are you mute or what?" muli. Hindi ko sya pinansin. Bigla namang may pumasok at nagsitilian ang mga kablockmates ko. Doon ko muling nakita ang lalaking na crush at first sight ko. Eew ang baduy ko.

"Clyde babe!"

Yun naman pala si Clyde ang---wait! What?!

"Di mo man lang sinabi na gusto mong pumunta dito sa balwarte ng mga Torino. Bakit hindi mo ko tinawag para masamahan kita" malanding saad nung babae.


"No need. I can handle myself" gusto kong matawa dahil sa itsura nung babae na parang pinagbagsakan ng langit at lupa peto pinigilan ko. Mamaya, sakin bigla magalit yan eh.

"Girlfriend mo ko kaya dapat sinasabi mo sakin"

Pakiramdam ko binagsakan ng isang hollow block ang dibdib ko. Ang sakit malaman na may ibang crush yung crush mo.

Crush na nga lang meron ka nabo-broken ka pa. How sucks life is tsk! Wala talaga forever!

The Vampire Prince's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon